Chapter I (Odd)

111 8 20
                                    

Nakaharap ako sa salamin na halos anayin na yata sa sobrang kalumaan habang nakatitig sa sarili kong repleksiyon. Hinawi ko ang medyo mahaba ko ng bangs para makakita ako nang maayos. Hindi ko na tanda ang huling beses na nagupitan ako ng buhok dahil ayaw ng Lola ko kaya ngayon ay lampas bewang na ang haba n'on. Napabuntong hininga ako at kukuha na sana ng suklay nang sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa si Lola.

"Magandang umaga po!"

"Magandang umaga din sa apo kong napaka-ganda." Maaliwalas ang mukha niya, malawak ang pagkakangiti dahil mukhang maganda yata ang gising. Nilapag niya sa kama ko ang uniporme ko bago sa pwesto ko at kinuha ang hawak kong suklay 'tsaka siya nagsimulang suklayan ako.

"Kaarawan mo na nga pala bukas. Ang bilis ng araw. May gusto ka bang ipabili? Bagong damit? Bagong selpon? Sabihin mo lang-" 

Marahan akong umiling. "Wala po. Ayos na sa akin na magkasama tayong dalawa. Siguro kumain na lang po tayo sa labas pagkauwi ko galing school?"

"Sige apo. Ikaw ang bahala." 

Do'n natapos ang maikli naming usapan ng lola ko. Mabilis akong nakapag-prepare para pumasok sa school dahil sa tulong niya. Walking distance lang ang layo nang pinapasukan ko kaya laging maagap ang pasok ko. 

Nasa gate palang ako ay tanaw ko na agad ang kumakaway na si Rosa, parehas kaming nasa ika-labing dalawang baitang na, ABM din ang strand niya katulad ko at naging kaibigan ko lang din siya nitong nakaraang taon. Masigla siyang tumakbo papalapit sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin.

Napansin kong malawak ang pagkakangiti niya nang isukbit niya ang braso niya sa akin at halos tumalon pa habang naglalakad kami. "Ano't ang saya mo na naman Rosa? Umagang-umaga ah."

"Anong Rosa ka diyan?! Don't call me that! Ang sabi ko 'di ba Rose ang itawag niyo sa akin. Rose!" Reklamo niya, natawa naman ako.

"Nah, I like Rosa more, ang unique kaya."

"Hindi kaya, pang-matanda! Ewan ko sa'yo, palibhasa maganda ang pangalan mo Daphne." Ungos pa niya, I just shrugged my shoulder off. "Anyways, kaya masaya ako ngayon ay dahil pinalitan na nila si Ma'am Araneta!"

Kaya naman pala, si Ma'am Araneta ang teacher na lagi siyang pinag-iinitan at ang dahilan din kung bakit may bagsak siyang grado last semester. "Ibig sabihin may bago pala tayong guro gano'n?"

"Oo! At alam mo ba?! Ang sabi pa nila bata pa daw 'yon, fresh graduate 'tsaka gwapo! Oh my God Daphne mukhang magkakaro'n tayo ng inspirasyon sa pagpasok araw-araw!"

Napangiwi ako. "Anong tayo? Ikaw lang. Hindi ako mahilig sa gwapo 'no."

Napataas ang kilay niya. "Mukha mo!"

Inikutan ko na lang siya ng mga mata. Totoo naman, ni-wala nga akong crush na kahit sinong school mate namin eh. Hanggang sa makapasok kami ng classroom ay 'yon lang ang bukambibig niya pati ng mga kaklase ko. 

Umupo na lang ako sa pwesto ko at nagsimulang magbuklat ng libro. Hindi na ako nag-abalang makisama sa usapan nila at hinayaan ko na lang ang sarili ko na malibang sa librong binabasa ko. The book is titled Cathedral of Time and was written by Stephen Thorpe. It's such a good book, ilang beses ko nang nabasa pero hindi pa rin ako nagsasawang ulit-ulitin.

Napatigil ako sa ginagawa nang mapansing biglang tumahimik ang buong klase. Nang mag-angat ako nang tingin ay may teacher na pala kami sa unahan. Late na naman si ma'am Santos as usual. Isa siya sa mga terror naming teacher kaya gano'n na lang ang reaksiyon ng mga kaklase ko. Nilabas ko ang Philosophy book ko at nakinig nang maigi.

"Kung talagang naintndihan niyo nga ang mga sinabi ko. Here's the question." Maya-maya'y sabi ni Ma'am kaya bigla akong nabuhayan ng diwa. This is what I like about her subjects, the hypothetical questions kasi marami talaga akong napupulot na aral.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now