Chapter XXXV (Home)

10 1 3
                                    

I can see from afar how my Lola changes her expression from being happy to shock. Pati ang iba ay nagulat din sa sinabi ko at nagsimulang magbulungan habang patuloy pa rin ang flash mula sa click ng mga camera nila.

Wala nang bawian.

I gulped and continued speaking. "We just made all of it up. The reason? Because we want Scientists like us to be considered heroes. Before the issue about Agartha emerged, scientists weren't cool. We are invisible at best. Research says that 80% of people surveyed could not name a single living scientist. Scientists and academics haven't always been respected or admired. In fact, we have often been distrusted and had to battle for recognition. But the issue about the Agartha made us stand out."

I paused when I saw my Lola stand up. "Hindi totoo ang sinasabi niya!" Sigaw pa niya. Napalingon sa kan'ya ang iba pero nasa akin pa rin ang atensiyon ng halos lahat.

Hinawakan siya ni Abby para patigilin sa plano niyang lumapit sa akin. I continue speaking habang may chance pa. "I'm so sorry for believing about Agartha. It's not all true and everyone has to know about this. Please help me spread the news and forgive us Scientists for making such a story. We just wanted to be recognized and I'm saying all of this because I don't want us to be considered heroes on something that is not actually true. Thank you."

Iyon lang ang mga sinabi ko at diretso na din akong umalis do'n kahit na alam kong may mga kasunod pa silang katanungan. Hindi ko alam kung paano ko 'yon sasagutin nang panibago pang kasinungalingan. Basta ang alam ko. The world doesn't need to know about Agartha. I don't want Agartha to be in danger. Alam na alam ko kung gaano kaganid ang mga tao at gagawin ko ang lahat para protektahan ang Agartha.

Isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin saktong pagliko ko ng daan. Sa sobrang lakas n'on ay namanhid ang pisngi ko. Napahawak agad ako do'n dahil sa gulat. Nanlilisik na mga maya ni Lola Esther ang sumalubong sa akin. For a second ay akala ko hindi siya ang Lola ko. Parang biglang nagbago ang tingin ko sa kan'ya.

"Anong pinagsasabi mo?! You lied to the world!" She shouted at buti na lamang walang ibang tao sa paligid bukod kina Abby at Weginer na tahimik lang.

"I did what's the best. Hindi kailangang malaman ng buong mundo ang tungkol sa Agartha. Lalong magkakagulo ang lahat. Kung ang gusto niyo lang ay ma-recognized bilang bayani. Don't use Agartha."

"Bakit gan'yan ka mag-isip? Hindi kita pinalaking gan'yan, Daphne." Halata sa mukha niya ang galit pero hindi ako nagpatinag.

Napasapo sa noo niya si Lola at parang maiiyak na anytime. "Deserve nating makilala dahil sa ginawa natin. Halos ibuwis natin ang buhay natin para lang maisarado ang lagusan sa Agartha. Tapos simpleng rekognasyon lang hindi pa natin matatanggap? Kahit iyon na lang. At anong pinagsasabi mo? Pinalabas mo monh sinungaling tayo! Alam mo ba kung anong magiging epekto n'on sa atin? Scientist tayo, apo! Kailangan nating makuha ang tiwala ng mga tao dahil tungkulin natin na paglingkuran sila!"

Natigilan ako ng bahagya. May punto ang Lola.

"Gano'n po ba talaga ka-big deal 'yan? Bakit? Hindi ba mas mahalaga ang kapayapaan kesa sa bagay na 'yan? Kapag nalaman ng lahat na totoo ang Agartha. Gagawa at gagawa sila ng paraan para makapunta sa lugar na 'yon. Alam ko po ang ugali ng mga tao at hindi lang tayo ang siyentista sa buong mundo. Kaya nilang dumiskubre ng lagusan sa Agartha at magkakagulo kapag nangyari 'yon." Pangangatwiran ko pa rin.

"She has a point." Sabi ni Weginer.

I look at my Lola sympathetically na ngayon ay malambot na din ang eskpresyon. I'm expecting her to agree but in my disappointment she shook her head. "You disappoint me. Hindi ikaw ang apo kong si Daphne."

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now