Chapter XI (Training)

13 0 0
                                    

Marahan kong hinaplos ang peklat sa mukha ko habang nakatingin sa repleksiyon ko mula sa salamin. Kahit papaano naman ay tanggap ko na ang sinapit ko pero hindi ko maiwasang malungkot at makaramdam ng pagsisisi minsan. Mahirap pala kapag isang mata mo lang ang nakakakita, nakakapanibago pero masasanay din naman ako sa ganito.

Napabuntong hininga ako at sinuot ang itim na eyepatch na bigay sa akin ni Fiona. Saktong-sakto 'yon para takpan ang kaliwa kong mata pati na ang peklat no'n. Nang muli kong tingnan ang sarili ko sa salamin ay muli na naman akong nanibago dahil iba na din ang kasuotan ko.

I look so different. 

Napahawak ako sa mahaba kong buhok. Matagal ko na sanang gustong gupitan iyon kung hindi lang dahil sa kagustuhan ni Lola, so I'll keep it long kahit na magiging sagabal pa 'to.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay lumabas na rin ako ng silid para salubungin ang dalawa na saktong kadadating lang din galing kung saan. Fiona is on Favian's shoulder. Ngumiti ako ng bahagya nang mapansing pinasadahan ako ng tingin ng pusa samantalang si Favian naman ay siyempre hindi ko pa rin malaman ang ekspresyon dahil sa suot niyang maskara.

"Tara, simulan na natin ang pagsasanay mo, Daphne." Sabi ni Fiona at pinangunahan nila ang paglalakad.

Wala man lang ba silang ibibigay sa akin na weapon or something? Hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Baka meron naman, hindi palang sa ngayon. Huminga ako ng malalim at sumunod na rin sa kanila. 

Tahimik lang kaming tatlo habang naglalakad. Iniisip ko kung anong klaseng pagsasanay kaya ang gagawin namin ngayon? Ang akala ko ay kaunting lakad lang ang gagawin namin hanggang sa mamalayan ko na medyo tumatagal na pala.

"Saan ang tungo natin?" Tanong ko maya-maya nang hindi na makayanan ang katahimikan.

Napanguso ako nang walang natanggap na sagot. Hindi yata narinig kaya inulit ko. "Fiona? Saan ang punta natin? Matagal pa ba tayong maglalakad?"

"Ang kailangan mo lang gawin ay sundan kami, Daphne." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng pusa. "Anong ibig mong sabihin?"

Wala na ulit akong natanggap na sagot pagkatapos no'n. Pinagkibit balikat ko na lang, susundan lang naman pala eh. That's easy. Muli ko na lang nilibang ang sarili ko sa paligid. Medyo may kaba pa rin akong nararamdaman dahil nasa kagubatan pa rin kami at walang kasiguraduhan kung ligtas ba ako pero knowing na kasama ko ang dalawa ay napapanatag ako.

Napatingin ako sa matikas na likod ni Favian. Madaming din pala siyang peklat do'n pero hindi gaanong halata kapag tinitigan mo lang. Ang tangkad niya rin, hanggang balikat niya lang ako kung susukatin. Ano kaya ang kulay ng buhok niya at ano kaya ang itsura niya?

Sabi ni Fiona ay tao si Favian kaya sigurado ako na mukha ng tao ang nasa likod ng maskarang 'yon. I wonder what he looks? Bakit kaya nakasuot siya ng maskara? Anong tinatago niya?

Nagulat ako nang bahagya siyang mapalingon sa gawi ko pero sandali lang 'yon kaya iniwas ko na rin ang tingin. Nahiya ako bigla, mukhang naramdaman niya yata na nakatitig ako sa kan'ya.

Habang tumatagal ang paglalakad namin ay unti-unti na akong napapagod at hinihingal pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanila kasi parang wala lang sa kanila. Nakakahiya naman kung magrereklamo ako kaya nakuntento na lang ako sa pagrereklamo gamit ang isipan ko.

Matagal pa ba 'to? Halos tatlong oras na yata kaming tahimik na naglalakad sa tantiya ko. Malayo pa ba? I want to voice out my thoughts but I'm just too shy to do that. 

Nagpatuloy ang paglalakad namin. May hangganan pa ba 'to? Bakit parang hindi yata nauubos ang puno sa paligid? Hindi kaya naliligaw na kami at ayaw lang nilang ipaalam sa akin? 

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now