Chapter XXV (Impossible)

12 0 0
                                    

"W-what? Trixie, ano bang sinasabi mo?" I immediately remove her hand on my shoulder at pabiro pang tumawa pero nanatili siyang seryoso kaya agad din akong nag-seryoso.

"Alam mo ba ang sinasabi mo? We're friends. Ibig sabihin lang na kapag tayo ang magkalaban isa sa atin ang mananalo at isa ang matatalo. We can't pair up, Trixie. That will be unfair. Let's find anyone. Huwag lang ng isa't-isa-"

"That's my point my point, Daphne! We are friends! Let me win this one, please! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang paligsahan na 'to. Winning here means I will be able to live in the place that I want!" Biglang tumaas ang boses niya at napaatras naman ako.

"Ano bang sinasabi mo?!" Hindi makapaniwala kong sumbat. Si Trixie ba ang kausap ko ngayon? Or is she some kind of clone? Trixie will never say this this to me. I never know her as someone who is selfish! This is so unbelievable!

"No." Umiling ako at akmang aalis na sa harapan niya nang may maramdaman akong malamig na bagay sa pulso ko. "Wala ka nang kawala. You will fight me, Daphne. Don't be such a coward."

"What the fuck?!" I scream in horror nang makitang metal hand cuffs 'yon.

"Trixie! You are insane!" I scream at the top of my lungs. She just laugh on what I have said. Mabilis na dumapo ang isa kong kamay sa buhok niya at buong lakas na hinigit 'yon. Napatili siya at gano'n din ako nang higitin din ng isa niyang kamay ang buhok ko.

I can feel that we are starting to get attention pero wala akong pakialam sa mga tao sa paligid! My main concern now is to hurt this selfish bitch and my scalp hurt as fuck! We were screaming while pulling each other's hair nang maramdaman kong naputol ang hand cuffs at mag humigit sa akin palayo kay Trixie. Nang makita ko ulit ang mukha ng bruha ay akmang susugod na ulit sana ako nang pigilan ako ng kung sino mang may kapit sa akin.

"Get off me! Kailangan kong turuan ng leksiyon ang babaeng 'yan!" Sigaw ko.

"Daphne, calm down. Ano bang ginagawa niyong dalawa?!" Nang lingunin ko kung sino ang may hawak sa akin ay bahagya akong natigilan. Magkasalubong ang kilay at seryoso ang ekspresyon ng mukha. He's my room mate na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. "I never thought you are someone who do catfights."

Doon lang ako natauhan at tuluyang kinalma ang sarili ko. Bigla akong ginapangan ng hiya nang mapansin halos lahat ay nasa amin na pala ang atensiyon. What the hell happened?! Napasapo ako sa noo ko at muling napatingin kay Trixie na nanlilisik ang mga mata. What did I just do? Napapikit ako nang mariin at nakadamdam nang bahagyang pagkahilo.

I don't intend to hurt her. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging bayolente, hindi ako ganito. Is this has something to do with my capsules? Shit. Kumikirot ang ulo ko.

"Looks like may nagkakainitan na agad, the battle is not starting yet. Hmm, looks like meron na tayong pair na mauuna!" Sabi ng boses sa mikropono na agad na nagpakaba sa akin. "Those two na nagsabunutan. Get in the stage. Kayo ang unang sasalang sa labanan. Let this test begin!"

Naghiyawan ang mga tao at nagsimula na akong magpanic. What? Bago pa ako tuluyang makapag-react ay may humawak na sa magkabilang braso ko at kinaladkad ako paakyat ng napakalaking stage na ngayon ay kasusulpot lang at bago sa paningin ko. Paanong nando'n 'yon? Ngayon ko lang yata napansin? Napadaing pa ako ng itulak ako papunta sa gitna.

Muntik pa akong masubsob kung hindi ko lang agad naibalanse ang sarili ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakaakyat lang din ni Trixie na mukhang hindi napilitin hindi ko katulad. Bakas sa mukha niya ang kumpiyansa samantalang ako ay halos manginig ang tuhod dahil sa kaba. Malakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid na lalong napadagdag ng kaba ko. It feels like pinagpupustahan kami at halos lahat ay gusto siya ang manalo. Para kaming mga manok na nasa gitna ng sabungan.

Agartha: The Lost CivilizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon