Chapter XVIII (Deal)

12 1 0
                                    

"How is Fiona?" Tanong ko kay Favian na agad ko ding binawi. "I mean, sa tingin mo ayos lang siya?" He just nodded as an answer.

Nasa hospital kami ngayon at kasalukuyang ginagamot si Fiona. Nakaupo si Favian samantalang ako naman ay pabalik-balik nang lakad. Hindi mapakali. This is my fault. Fiona got hurt because of me. Hindi ko mapigilang mapangiwi kapag naalala ko na sinaksak ko siya mata.

"I'm so sorry. Kung alam ko lang sana edi sana hindi ko ginawa 'yon." Kinakabahan kong sabi. Nakokonsensiya ako. What if she got blind like me? Pero kung alam ko naman na si Fiona 'yon—how is that supposed to a test. I shouldn't be guilty!

Hindi ko naman matukoy kung ano ang ekspresyon ni Favian dahil para lang walang nangyari sa kapatid niya kung makaupo siya ng prente ngayon. Hindi ba siya nag-aalala o sadyang wala lang talaga siyang emosyon? Is he mad at me for doing that?

I sighed once again at akmang maglalakad na muli nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Muntik na akong mapasinghap dahil sa gulat. Galit ba siya sa akin? "B-bakit?"

Bahagya niya akong giniya paupo sa kan'ya atsaka niya rin binitawan ang pulso ko pagkatapos no'n ay hindi na niya muli ako nilingon. Okay, what was that? Mukhang hindi naman siya galit. Baka nahihilo lang dahil sa kaiikot ko. Sinubukan ko na lang ikalma ang sarili ko at naupo na lang din. I hope Fiona is fine.

Maya-maya lang din ay lumabas na ang doctor na gumamot kay Fiona at kinausap si Favian. Base on their expression mukhang maayos na nga ang lagay ng pusa. Pinapasok din kami no'n after nila mag-usap. Hindi ko naman mapigilang ilibot ang tingin sa paligid.

Totoo nga ang sinabi ni Trixie. Kung moderno na sa Elisora mas lalong moderno dito sa El do Rado at halos hindi ako pamilyar sa mga kagamitang nakikita ko. Halatang magara din ang pagkakagawa sa bawat estraktura ng lugar na nadadaanan ng mga mata ko. 

Napadako ang tingin ko sa kama at nagulat ako na imbes na pusa ang madatnan ay isang babaeng walang malay ang nakahiga do'n. Nilibot ko ang paningin sa paligid at wala akong nakitang pusang kulay puti. Nilingon ko si Favian na nasa hamba ng pintuan. "Uhh, mali yata ang kwartong pinasukan natin?"

Lalabas na sana ako ng pinto nang dumiretsong pumasok si Favian at umupo pa siya do'n. I saw how he hold the hand of the unconscious girl for a brief moment. Napakunot ang noo ko at naglakad papalapit do'n habang nakatitig sa payapang mukha ng babaeng walang malay.

I look at Favian confuse anticipating for an answer. "Sino siya at nasaan si Fiona?"

Then realization hit me as I look closely again at the girl. "Don't tell me she's Fiona?!" Tumingin ako kay Favian to confirm it. He nodded. Halos mapanganga ako. Hindi ko na alam kung anong tunay na itsura ng nilalang na 'to. Ano ba talaga? Pusa ba siya o tao talaga? God, this place really gets weirder and weirder habang tumatagal.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nando'n at pinakatitigan ang si Fiona. Mahaba ang kulay puti niyang buhok na may kulot sa dulo. Kahit nakapikit ay masasabi kong maganda siya. Napatingin naman ako kay Favian. Now that I see Fiona's human form, kailan ko naman kaya makikita ang mukha ng lalaking 'to sa ilalim ng maskara niya?

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Favian at walang paalam na lumabas ng pinto. Saan naman kaya pupunta iyon? Baka may aasikasuhin lang. Naiwan ako sa magarang kwarto at sinubukang libangin ang sarili ko habang hinihintay na magkamalay si Fiona.

Dinampot ko ang dyaryong nasa lamesa at nagsimulang magbasa. May mga ganitong bagay din pala sa Agartha 'no? May showbiz din at mga artista. Nakuha ng headline sa diyaryo ang atensiyon ko. Napaayos ako ng upo habang binabasa ng buo ang article. It was about the competition Trixie was talking about.

Agartha: The Lost CivilizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon