Chapter XXIII (Clip)

14 1 0
                                    

Sobrang liit na ng espasyong natitira at madami pa rin kaming nandito. Sa tantiya ko ay bente katao. Habang lumilipas ang segundo ay lalo lang bumibilis ang pagliit ng kinalalagyan namin. I can see hopelessness in their eyes at paniguradong gano'n din ako.

I tried to climb the wall pero wala man lang makapitan kaya bigo ako. Shit! I don't even know how to fly! Gumagalaw ang pader at naramdaman ko na maiipit na kaming mga nandito. I was about to lose my hope nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko at hinigit ako pataas. I almost scream sa sobrang gulat at bilis nang nangyari.

The next thing I knew ay nasa himpapawid na kami at maya-maya ay lumapag na din sa lupa. Hinabol ko ang hinga ko habang nakaupo at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Muntik na naman akong mamatay. Hindi ko magawang maiangat ang tingin ko. I can feel Favian looking at me. Biglang nawala ang kaba ko at napalitan ng hiya. Siguro ay iniisip niya na ngayon kung gaano ako kahina at kawalang kwenta ang ginawa naming pag-sasanay. Simula palang pero ganito na agad ang nangyari.

Napapitlag ako nang bigla siyang lumebel sa akin ng upo at hinawakan ang binti ko. Muntik ko na siyang masipa dahil sa gulat.

"A-anong ginagawa mo?" Parang tanga kong tanong. Atsaka ko lang namalayan na wala nga pala akong suot na sapin dahil tinanggal niya ang masikip kong brown boots kanina.

He let out a handkerchief at pinunasan ang paa ko. Agad ko namang nilayo 'yon. "Huwag na. M-madudumihan pa ang panyo mo!"

But he didn't listen. He still continue what he's doing. Seryosong-seryoso siya habang tinatanggal ang dumi sa paa ko. Hiyang-hiya na talaga ako at hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso! But I can't deny that I feel good now that he's now infront of me. He's gentle touch make me feel at ease. Napatulala ako sa kan'ya. Ang akala ko ay pinabayaan niya na ako kanina. Ang akala ko talaga mamatay na ako. Niligtas na naman niya ako. Pang-ilang beses na 'to.

Hindi ko na alam kung ilang beses niya na akong niligtas.

Natauhan lang ako nang bitawan niya ako at tumayo na din siya sa wakas atsaka ko lang naramdaman na sinuotan niya ako ng bagong sapin sa paa. Hindi na boots 'yon at simpleng sandalyas lang. Mas kumportableng suotin.

"Salamat, Favian." Halos pabulong kong sabi pero sinigurado ko naman na maririnig niya.

He just nodded as an answer at bahagyang dumistansiya sa akin. Kaya ba siya biglang nawala dahil binilhan niya ako ng bagong sandalyas? Ang buong akala ko ay pinabayaan na niya ako. The thought made my heart flutter. Oh shit. Malala na ako. Nanatili ang tingin ko sa paanan, hindi malaman kung ano ang iaakto.

Napaangat lang ang tingin ko nang mamalayang nagsisimula nang kumilos ang nga taong nasa paligid ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Panibagong pagsubok na naman ba 'to? Teka lang, hindi pa nga ako nakaka-recover eh. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Favian at nakita ko naman agad siya. Sumabay ako sa kan'ya sa paglalakad.

Nagkatinginan kami sandali at nag-iwas din ako ng tingin. Tumingin na lang ako ng diretso sa direksiyon na nilalakad ng karamihan. Napakunot ang noo ko nang may ma-realize. Ang akala ko ay nakapasok na kami sa palasyo pero bukod palang pala 'yon. Ngayon palang talaga namin tinatahak ang papasok. Wow. Gaano naman kaya kalawak ang lugar na 'to?

Napansin ko ding umunti kaming mga kalahok, marahil ay 'yong iba nasawi kanina. Hindi ko mapigilang malungkot at mabahala dahil sa naisip. Pero wala na akong panahon para maramdaman 'to kaya inalis ko din 'yon sa isipan ko.

Maya-maya ay pinapila kami ng mga kawal na nando'n. Hiwalay ng pila ang babae at lalaki kaya nahiwalay ako kay Favian pero tanaw ko naman siya mula sa pwesto ko. Habang umuusad ang pila ay naglilikot ang mga mata ko sa paligid.

Agartha: The Lost CivilizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon