Chapter II (Missing)

51 5 0
                                    

Kaarawan ko ngayon.

Isa na akong ganap na dalaga, nagmulat ako ng mga mata kasabay nang pagguhit ng ngiti sa aking labi, bahagyang natatamaan ng sinag ng araw ang kalahati ng mukha ko kaya nagpasiya na akong bumangon. 

Paglabas ko ng kwarto ay namataan ko agad si Lola na busy sa kusina. Nang malingunan niya ako ay sinalubong niya agad ako ng matamis na ngiti. She spread her arms for a hug kaya parang bata akong nanakbo papalapit sa kan'ya. 

"Maligayang kaarawan Daphne!" Halos maiiyak pa na sabi ng Lola. "Dalaga ka na apo. Napaka-bilis ng panahon, parang dati lang patakbo-takbo ka pa ng hubad dito sa bahay ngayon may boyfriend ka na yata."

"Lola naman! Umagang-umaga ang dramaah 'tsaka wala akong boyfriend 'no!" Natatawa ko pang puna.

Pasimple niyang pinunasan ang namuong luha sa mata niya. Iyakin talaga si Lola kahit kailan. She hugged me for the second time at napapikit na lang ako. Mahal na mahal ko talaga si Lola, sobrang swerte ko na isang katulad niya ang nagpalaki sa akin.

Humiwalay ako ng yakap sa kan'ya nang biglang may maalala.

"Ngayong isa na po akong ganap na dalaga, pwede ko na po bang malaman ang tungkol sa mga magulang ko? Hindi ba po nangako kayo na sasabihin niyo sa akin kapag nasa tama na akong edad?"

Nabura ang ngiti niya kaya nabahala ako. Binuka niya ang bibig niya pero agad ding sinara 'yon na parang hirap sabihin kung ano 'yon.

"Lola?"

Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod sa akin na ipinagtaka ko. Ganito na naman ang ganap, sa tuwing tatanungin ko siya nang tungkol sa mga magulang ko lagi siyang umiiwas pero iba na ngayon! Nangako pati siya!

Akmang uusap na sana ako nang maunahan niya ako. "Mamaya pag-uwi mo, sasabihin ko sa'yo lahat." Seryoso ang tono niya na nakakapanibago. Parang biglang hindi na siya ang Lola ko.

I erase that thought immediately. "Sige po, papasok na ako ng eskwela."

Hinintay ko siyang sumagot pero wala kaya dumiretso na ako ng labas, napapaisip pa rin sa inakto niya. Ang weird talaga na laging gano'n ang reaksiyon ni Lola sa tuwing babanggitin ko ang tungkol sa mga magulang ko pero nasanay na din ako. Siguro hindi maganda ang nangyari noon kaya gano'n na lang siya kung maka-react. Ipinag-kibit balikat ko na lang 'yon.

Maagap ang pasok ko as usual. Maigi 'yon para may oras pa akong magbasa ng libro. Lahat nang nakakasalubong ko ay binabati ako ng maligayang kaarawan, wala naman akong ibang magawa kung 'di magpa-salamat na lang. May iba pa na nangangantiyaw kung may debut party daw ba ako, tanging iling at simpleng iling lang ang sinasagot ko.

Dumiretso muna ako ng library dahil masiyado pa namang maaga. Muli akong napadaan do'n sa hallway kung nasaan ang daan papasok sa gubat na katabi ng school namin. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad dahil no'ng last na nilingon ko 'yon ay may nakita akong kung ano. 

Pagdating ko sa library ay pumwesto agad ako do'n sa paborito kong pwesto na sa bandang sulok, nilabas ang librong hiniram ko at nagsimulang magbasa. Masiyado na naman akong nalibang sa binabasa at hindi namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan ay sampung minuto na lang pala at magsisimula na ang klase.

Sinarado ko ang librong binabasa at sinilid 'yon sa bag ko. Muntik pa akong mapasinghap nang pag-angat ko ng tingin ay may mga matang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa bandang dulo ng lamesang inuupuan ko, may hawak ding libro at hindi man lang nag-abalang mag-iwas ng tingin no'ng nahuli ko siya na nakatitig sa akin, parang ako tuloy ang nahiya nang dahil do'n.

"G-good morning po Sir. Marshall." Nauutal pa na bati ko pagtayo sabay iwas ng tingin.

Bigla akong nailang sa intensidad nang titig niya. Nakakagulat naman kasi biglang nagkasalubong ang tingin namin, tapos kung makatingin pa siya akala mo naman may ginawa akong masama.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now