Dalawa: Resulta

14 2 0
                                    

__________________________________

Sean's POV

Sa bawat hakbang ko ay bumibilis nang todo and kabang nararamdaman ko. Kahit pilit kong pinapakalma ang sarili ko ay hindi ko mapakalma hanggang sa nakalapit nako sa laptop ay puno parin ng kaba ang sarili ko.

Parang bang may kung anong kumikiliti rin sa pwet ko at ako'y di mapakali sa pagtitig sa screen ng laptop.

Nanginginig din ako habang dahan-dahan kong inaabot yung mouse na nakakabit sa laptop pero agad ko din naman itong hinila.

Nagsleep ata yung laptop kasi naka off yung screen kaya naman ay kailangan kong igalaw yung mouse o pumindot ng kung anong piyesa sa keyboard.

Dahan-dahan ay muli kong inabot ang mouse at dahil narin sa panginginig ng kamay ko ulit ay kailangan ko pang alalayan ito gamit ng isa kong pang kamay.

"Putik naman tong kabang ito" sabi ko sa sarili ko habang naaasar na at hinila kong muli and aking kamay at tumalikod sa laptop at huminga ng malalim.

"Tama na tong drama at malay mo'y wala pa. Para ka lang timang dito Sean" sambit ko habang hinarap kong muli and laptop.

Tumingin ako sa screen at walang pagdadalawang isip at inabot ko ang mouse at inigalaw. Automatik na nabuhay and laptop at pinindot ko ang sign it at napabilog mga mata ko ng nakita kong may narecieve akong email galing sa skul.

Biglang bumuhos sa aking katawan ang excitement at hindi ko mapigilang mapangisi ng nakita ko ang notification sa screen.

"Heto na ang pinakahihintay mo, Sean nandito na" pagtahan ko sa sarili ko pero parang may kung ano at napaatras ako at napamaywang habang pinapakalma ko ang aking sarili.

Kinurot ko and aking pisngi at bago ko ulit hawakan ang mouse ay tumango ako ng determinado.

"Bahala na si Batman" sabi ko at inabot ko kaagad at pinindot ang email pero napapikit din naman ako bigla.

"Teka di ko pala kaya" sabi ko at ayun tumakbo ulit yung determinadong sarili ko at napalitan ulit ng kabadong tao.

"Dudub... dudub... dudubdub... ay putik ano to drum na pinatutugtog" pag-aangal ko sa sarili ko kasi kanina pa tung patugnog-tunog ng ganto.

Yung excitement ay nandito parin at kung may nakatingin sa akin ay baka isipin nilang nawalan na ako ng kabaitan dahil lang dito.

At nang bubuksan ko sana ang mga mata ko'y bigla kung naramdaman na parang may lumapit sa akin at tumawa bago ako tinapik.

"Sabi ko sayo ehh... papasa ka" sabi niya at parang narinig ko ata yun ng mali.

"Nakapasa ako" isip ko habang dahan dahan kung minulat and aking mga mata dahil baka siguro nagbibiro nanaman ito.

Pero bigla akong nagulat nung nakita ko ang nakasulat sa screen.

"AHHHHHHHHHHHHHH..... NAKAPASA AKO" sigaw ko habang tumatalon sa saya at bigla kung yinakap ang mama ko at napatawa na lang siya sa reaction ko.

"NAKAPASA AKO MA" sigaw ko sa kanya ng lubos ng saya at ngumingitingiti siya, binitawan ko muna siya upang ako'y pumunta kay lola at ibalita sa kanya ang resulta.

"La.... NAKAPASA AKO" sigaw ko sabay takbo sa kanya at yinakap ko siya.

"Kita mo" sabi niya habang hinawakan niya ng kamay ko at tinapik ang aking balikat habang nakangiti.

"Dahan-dahan lang sa pagyakap at di na ko makahinga" sabi niya at napatawa na lang ako.

"La eh... masarap ka kasing yakapin at para masanay ka na din" paglalambing ko sa kanya at tinapik niya ulit ang kamay ko para bitawan siya.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now