Labing-apat: Jaspher Agila

9 2 0
                                    

__________________________________________

Sean's POV

"Ano, tititigan niyo lang ba ako na kumakain?" tanong niya habang naka-upo lang kami sa tabi niya at di umiimik man lang maski gumalaw na nag-iingay.

Umiwas kami agad ng tingin sa kanya at nagkatitigan kami ni Tin bago kami tumango sa isa't isa at kumain na lang talaga.

"Samahan niyo muna ako dito para maka-iwas ako kapag may lalapit sa akin" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng pagtataka.

"Di mo ba yun gusto marami kang tagahanga?" hindi ko mapigilang tanongin siya ng pagtataka. Bigla niya lang akong tiningnan bago umiling sa pagkadismaya.

"Subokan mo kayang laging napapalibotan ng maraming tao pag may ginagawa ka" sabi niya sa akin ng sobrang irita at napatingin muna ako kay Tin at napansin kong nakatingin rin siya sa lalaking ito ng pagtataka.

"Bigla atang nagbago ang pakikitungo ng lalaking ito" sabi ko sa aking isipan at si Tin naman ay nagkibit-balikat lang sa akin.

Umiling na alang ako bago napangisi dahil ilang beses ko na itong napapanood sa mga pinsan ko at swerte ako dahil di ko yan nararasan at nagagawa ko gusto ko ng walang mga matang nakamasid.

"At bakit ka naman nila papalibutan, sikat ka ba?" tanong ko na lang sa kanya habang bumalik ako sa kinakain ko habang umiiling dahil kahit naman siguro na Agila siya at hindi siya sobrang sikat dahil di ko nga siya kilala eh.

Napansin kong di siya umimik kaya napasulyap ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin ng di makapaniwala. Tumingin ako kay Tin at nakita ko din siya na nakatitig lang sa akin ng puno ng pagkabigla habang hinihintay ata niya kung anong gagawin ko.

"May dumi ba ako sa mukha bakit nakatitig kayo?" tanong ko kay Tin at napailing siya sa akin.

"Alam mo ang tanga mo pag minsan" sabi niya sa akin at inikot ko na lang mata ko sa kanya.

"At alam mo... sabihin mo na lang kaya sakin para di ako mag mukhang tanga" sabat ko sa kanya at umiwas na lang siya ng tingin kaya napatingin ako kay—di ko pala tinanong pangalan niya basta Agila na lang.

Nakatingin parin siya sa akin nang di makapaniwala bago siya napatango.

"Kaya pala ang lakas ng loob mong gawin yung mga pinaggagawa mo dahil di mo ako kilala" sabi niya habang tinitignan niya ang pagkain niya at ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

"Eh di sabihin mo para kilala kita" sabi ko sa kanya ng mahinahon pero sa totoo lang eh nagtitimpi ako. Tumingin agad siya sa akin at ako naman ay nabigla at napa-atras ng konti.

"Di mo ba talaga ako kilala o nagpapanggap ka lang para di kita maupakan?" tanong niya sa akin at sinulyapan ko muna si Tin para tulungan ako pero umiwas siya ng tingin sa akin na para bang ang sarap ng kinakain niya para di na niya ako pansinin.

"Wow and bait mo namang kakampi, sobrang nakakatulong ginagawa mo" sabi ko sa utak habang gusto kong tadyakan pagmumukha niya.

"Ano... sagot" sabi niya sa akin at napatalon puso ko sa kaba bago ako tumingin sa kanya.

"G--usto mo ba talagang malaman?" tanong ko sa kanya ng nakuha ko ang lakas para magsalita. Tumango lang siya ng seryoso sa akin habang di parin nawawala ang matalim na expresyon sa mga mata niya.

"Di kita kilala at wala akong planong makilala basta ang alam ko isa ka sa apo ng mga Agila" sabi ko sa kanya at base sa mukha niya eh talagang di siya makapaniwala.

Pingmasdam ko ang kanyang reaksyon at nakabukaka ang bunganga niya habang parang may gustong sabihin pero di niya masabi sa akin.

"Tsk.. ano... m--ay h--indi nakaka--" tumingin siya sa akin at nabigla ako ng lumapit siya ng konti habang nakatagilid ang kanyang ulo at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now