Labinlima: Ang Angas Naman

12 3 1
                                    

___________________________________________

Sean's POV

Sinamahan ko munang umuwi sa building niya si Tin bago ako pumunta sa dorm ko.

Nang nasa labas na ako ng dorm namin ay nakita ko yung mga guard ulit at hindi sila makaimik nang papasok ako sa building.

"Good evening po" sabi ko nalang sa kanila kasi ayaw ko naman maging malayo ang pakikitungo ko sa kanila.

"G—ood e—vening din Sir" sabi nila sa akin ng pautal-utal at pilit ko pading nginitian sila.

"Sean nalang po tawag niyo sa akin" sabi ko para naman di sila mailang sa akin. Napatingin silang dalawa sa akin ng paghihinayang kaya tinapik ko sila sa balikat at nabigla sila.

"Huwag ninyo napong isipin yung nangyari sa umaga" sabi ko at napatingin silang dalawa agad sa akin ng may takot at pagpapasensiya.

"Sorry po huwag ninyo po sana kami paalisin dito. Di na po naming uulitin—"

"Huwag napo ninyong alalahanin yun" sabi ko agad at nagpasalamat sila sa akin at ng papasok na sana ako at may narinig akong nagsalita sa likuran naming.

"Di ko talaga inakala na dito ka rin papasok" sabi niya at napaharap ako sa kanya.

"Good evening po Sir" sabi ng dalawang guard at tulad ng ugali niya di niya pinansin ang dalawang guard at lumapit siya lang sa akin.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang lumalapit siya sa akin ng puno ng galit.

"Lakas din talaga ng loob mo" tuloy niyang sinabi at hinayaan ko na lang siya dahil alam ko namang sa huli ay laging siya ang panalo kaya hayaan na natin siya.

Bigla niya lang akong tinulak at di ko inaasahang gagawin niya iyon kaya diko nabalanse ang katawan ko at natumba ako sa lupa.

Nabigla din ang dalawang guard sa tabi ko pero di sila gumalaw at nakatingin lang sila sa amin.

"Alam mo kong anong puwesto mo kaya huwag na huwag mong lalapitan si Jaspher" sabi niya habang nakatingin siya sa akin ng matalim.

"Eh hindi naman ako yung lamapit sa kanya talaga—" pagdedepensa ko pero pinigilan niya ako.

"Magmamaang-maangan ka pa eh kitang kita ko kung pano mo siya nilalandi kanina" sabi niya sa galit at napailing ako dahil di naman iyon totoo. Siya kaya ang lumapit sa amin ni Tin kanina.

Yumuko siya at lumapit sa akin at ako naman ay agad-agad na lumayo sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin ng matalim habang ako ay nakatingin sa kanya ng malungkot at may hinanakit.

Kahit masakit tong puwet ko dahil sa pagkatumba ko at parang lahat ng buto ay napunta sa puwet ko ay di parin ako umuungol sa sakit o hawakan manlang ito kong ayos ba.

"Alam mo diyan ka talaga nababagay eh" sabi niya at ngumiti bago siya tumayo at pumasok sa loob.

Unti-unti akong tumayo at nabigla ako ng tulongan ako ng dalawang guard.

"Salamat po" sabi ko sa kanilang dalawa at napangiti lang sila sa akin habang tinutulungan pagpagin ang mag dumi sa damit ko.

"Anong ginawa mo at ginalit mo iyon?" tanong ng isang guard sa akin at ngumiti nalang ako sa kanila at tumango bago ako pumasok sa loob.

"Sakit naman oh" sabi ko habang hinihimas ang puwet ko papasok sa loob.

Di ko narin pinansin ang mga matang nakatingin sa akin sa loob ng building at tuloy tuloy lang akong pumunta sa dorm ko.

"Ano ba naman to, bat di nila nilagyan ng elevator dito para mabilis umakyat" sabi ko habang umaakyat sa hagdanan.

Sa mga panahong ito ay napapahalagahan ko ang importansiya ng elevator. Di kasi ako fan ng elevator eh mas gusto ko yung escalator. Wala ditong elevator oh escalator dahil talagang sinadya nila. Lahat ng building ay puro hagdan para daw alam naming lahat dito ay pantay-pantay pero parang may mali para sa akin.

Tuloy parin ako sa pag-akyat at di ko na lang inaalala ang mga bagay-bagay na ito dahil wala itong epekto sa buhay ko.

"Hay buti nalang at ang dorm kong ito ay ang pinakamalapit para hindi na ako mapagod kaka-akyat ng hagdan" sambit ko habang binubuksan ito at pumasok na ako kaagad.

"Kakainis naman bat ko pa kasi nakasalamuha yung plastik na iyon" angal ko habang pinipisil ko ang kamay ko napara bang gusto kong manuntok ng tao.

"Pasalamat siya dahil pamilya naming ay nasa likod niya pag di lang eh matagal ko na talagang inupakan ang plastik na iyon eh" sambit ko sa gigil at pagtitimpi.

"Porket nasa likod niya sina lolo eh ang lakas ng loob niyang umastang ganoon eh dapat gawin niya iyon sa harap ng maraming tao para makita nila tunay niyang ugaling ubod ng sama" sabi ko habang sinusuntok ko ang hangin na para bang siya ang nasusuntok ko.

"Hay sarap siguro sa pakiramdam pag talagang siya ang sinusuntok ko ngayon" sabi ko habang tinutungo ang bathroom para maligo at para narin makapagpahinga na ako.

___________________________

"Musta, maayos tulog natin" sabi ni Tin sa akin ng nagkita kami para sa unang araw ng pasukan.

"Siyempre naman, maaga panga akong gumising para makapag-ayos at para nadin makaiwas don sa taong yun" sabi ko sa kanya habang papunta na kami sa klase namin.

"Buti nalang tagala at magkaseksiyon tayo kundi—mag-aaral parin ako" sabi niya at napatawa nalang ako sa kanya.

"Oh tingnan mo saan ko kaya natutunan ang mga pang-aasar at pagkapilosopo" sabi ko sa kanya at napairap nalang siya sa akin.

"Tumahimik ka nga at huwag ka pang mandamay ng ibang tao diyan sa ugali mo" sita niya at tumawa na lang ako.

"Di ko talaga lubos makuha kung bakit masama tingin niya sayo eh nasa kanya na ang lahat?" tanong niya sa akin at napakunot ang noon ko rin.

"Eh baka siguro yung puso ko" pilosopong sabi ko at tumingin siya sa akin muna ng pagtataka bago niya ako tinadyakan at umiwas naman ako.

"Di ka talaga matinong kausap" sabi niya sa akin at binigyan ko siya ng di makapaniwalang expresyon at napa-angal siya.

"Wow ako pa talaga ang di matinong kausap" sabi ko sa kanya at siya naman ay umiwas na lang ng tingin.

"Oo na walang matinong kausap sa ating dalawa" sabi niya at napatango ako sa kanya.

"Tama kaya tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan" sabi ko at bigla nalang kaming napatawa at naglakad papasok as room namin.

_____________________________________________________________

//Basahin, Magcomento, Ibuto, Ibahagi sa iba at Pafollow po ako.//

Ano pong masasabi ninyo?

Sana'y nasayahan po kayo sa pagbabasa.

Love you po.

Kita kits sa susunod.

kairokian_17

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now