Dalawampu't-Lima: Sigurdo ka ba?

6 0 0
                                    

__________________________________________________

Sean's POV

"Nanununtok ng pader?" tanong ko kay Markus at siya naman ay tumango lang kaya mas lalo akong nagtaka sa kanya.

"Hindi nanununtok ng tubig" sabi ni Tin at sinapak ko agad siya.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumahimik ka" sita ko sa kanya kasi gumana naman ang kabaliwan niya.

"Uy... huwag naman kayong mag-away" sabi ni Markus sa amin at napatawa kaming dalawa sa reaksyon niya.

"Ah ganito lang talaga kamin mag-asaran" sabi ko sa kanya at si Tin naman ay napatango.

Nakatingin siya sa amin ng pagtataka kaya napatawa na lang kaming muli habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha niya.

"Mas magandang puntahan mo na lang siya. Kasi kung totoo ang sinabi mong nanunutok siya ng pader ay kailangan mong pigilan siya" sambit ko at bigla akong tinignan ni Markus.

"Nag-aalala ka ba sa kanya?" sambit niya at napatingin ako sa kanya.

"Nag-aalala ako sa sisirain niyang pader. Kahit marami silang pera ay hindi parin iyon maganda" sambit ko sa kanya at siyay napatunganga.

"Mahal siguro ang bayad ng pagpapagawa nitong gusali" sambit ni Tin at pareho kaming dalawa ng iniisip

"May mabuting samahan niyo na lang ako kaysa pag-usapan natin kong magkano ang pagpapagawa ng gusaling ito" saad ni Markus kasi nagsisimula na kami ni Tin na magkuwenta kong magkano pagpapagawa nitong gusali.

__________________

"Sigurado ka bang nandito siya?" tanong ko kay Markus habang nakatingin ako sa kanya at siya naman ay tumango naman sa akin.

Heto kaming dalawa ni Tin, sinasamahan namin si Markus para hanapin si Jaspher. Di na rin kami nakapalag ni Tin kanina noong hilaiin niya kami papalabas ng cafeteria.

"Oo diyan si laging pumupunta pag may iniisip siya" sabi niya at napatingin ako kay Tin kasi nagdududa akon sa sinasabi ni Markus.

"Parang iba ata" bulong ni Tin sa akin at ako naman ay napatango sa kanya.

"Eh kung tumakbo na lang kaya tayo" tuloy niya at napatitig ako sa kanya kasi yun din ang iniisip ko.

"Hindi kaya siya magagalit kung iiwan natin siya?" tanong ko habang tumitingin sa daang tinatahak namin.

"Hoy!" sigaw ni Markus at pareho kaming napatalon sa gulat ni Tin at kumapit sa isa't isa.

"At saan kayo pupunta. Dito ang daan" sita ni Markus at napatingin kami ni Tin sa kanya.

"Ay diyan palang banda" sagot ko sa kanya at siya naman ay tinuro niya ang gusaling nakakatakot.

Kahit na naghihinayang kami ni Tin ay sinunod na lang namin ang sinasabi niya at pumasok sa gusaling ito na para bang inabandona pero magara pading tingnan.

Natatakot kami ni Tin kasi masyado atang tahimik ang lugar na ito. Mas nakakatakot pa ata iyon sa gusaling luma nang tignan.

Linunok namin ang takot at nagpatuloy parin sa pagpasok sa loob at hindi namin inaasahan ang loob ng gusaling ito.

Maganda ang mga desenyo dito at hindi luma kundi parang bago pa at hindi pa nagagamit ng iba. Maraming mga silid dito na para bang pinipinturahan pa.

"Huwag kayong matakot dahil inaayos pa nila ang building na ito. Matagal nang walang gumagamit dito pero sa susunod na taon ay bubuksan ito" saad ni Markus at napatango nalang kami ni Tin habang sinulyapan namin ang mga silid.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now