Labimpito: Markus

5 1 0
                                    

_____________________________________________________________

Sean's POV

"Hay buti na lang at walang masamang nangyari ngayon kundi malamang eh umiiyak ka na naman" asar kong sabi kay Tin na ngayon eh kumakain na kami sa cafeteria dahil tapos na morning class at tanghalian na.

"Huwag ka munang umastang parang wala na dahil di pa tapos ang araw may afternoon class pa tayo" sabi niya at naalala kong di pa pala tapos ang araw.

"Oo nga pala" sabi ko habang tuloy kong kinain tong innorder kong paa ng manok.

"Pero teka nga lang para atang gusto mong may mangyari talaga" sabi ko sa kanya at siya naman ay nagkibit-balikat kaya tinitigan ko siya ng seryoso.

"Kain ka nalang at baka ako'y mapikon at ako kakain niyan" sabi ni Tin kaya agad kong linantakan ang pagkain.

"Asa ka" sambit ko habang kinakagat ang manok na ito ng bigla nalang may naramdaman kaming lumapit sa amin kaya napatigil ako sa pagkain at tumingin sa paparating.

Agad-agad akong tumayo at binati naman siya ng siya'y makilala ko.

"Magandang hapon Markus" sabi ko habang yumoko ako nagkonti bago ako tumingin sa kanya at diko na pansin na kasama niya si Jaspher kaya pinagtitinginan niya ako ng puno ng pagtataka.

"Bat sila magkasama?" tanong ko sa aking isipan habang ako naman at nakatulala parin sa kanila.

"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mong gawin yan Sean eh magka-edad lang tayo" sabi ni Markus habang tinatapik ang balikat ko at na pangiti na lang ako sa kanya habang umiiling.

"Ah si Jaspher nga pala kaibigan ko" pagpapakilala niya sa kasama niya at napatingin ako kay Jaspher.

"Magkakilala na kami" sabi niya ng masungit kaya napakunot noo ko.

"May sama parin ata siya ng loob sa akin" sabi ko sa isip at di ko na lang yun inintindi at tumingin ako kay Markus.

"Klaklase namin siya kaya doon kami nagkakilala" sabi ko habang nakatingin si Jaspher sa akin ng seryoso.

"Eh—" tinitigan ko siya ng napakasaya at may halong pagmamakaawa na huwag niyang sasabihin kong paano talaga kami nagkakilala.

At nakuha niya naman dahil hindi na siya umimik at nag-iwas na lang siya ng tingin sa amin.

"Pag di pa kayo nakahanap ng mauupuan eh pwede naman kayo dito sa amin" sabi ko kay Markus at ngumiti agad siya.

"Uy Salamat" sabi niya sa akin habang umalis ako sa aking puwesto at tumabi ako kay Tin na ubod din ng taka ang pagmumukha niya kaya tinangoan ko lang siya at sinenyasan na sasabihin ko mamaya pero hindi niya nakuha kaya lumapit ako sa kanya ng konti.

"Mamaya ko na sasabihin saiyo" bulong kong sabi sa kanya.

Hinintay kong umupo si Markus at Jaspher bago sana ako uupo eh bigla nalang may nagsalita at napatigil ako.

"Hi Jaspher" agad kong nakilala ang boses ni Ken at alam ko agad kong anong gustong gawin nito kaya tumingin ako kay Markus ng may pag-aalala.

Ang papa kasi ni Markus eh isang partner ni papa kaya bilin sa akin ni papa na huwag kong eoffend siya sa kahit anong pagkakataon.

Pero sa pagkakataong ito ay pag hindi ako umalis dito eh si Ken naman ang magagalit sa akin. Tumingin ako kay Tin at nakatingin rin siya sa aking ng pag-aalala ng biglang may naisip ako kung paano makaalis dito ng hindi maoffend si Markus.

Tumingin ako sa plato ni Tin at nakita kong malapit na siyang matapos kaya tumingin agad ako kay Markus habang abala si Ken sa pakikipag-usap kay Jaspher na di parin umiimik hanggang ngayon.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now