Tatlo: Si Christine

12 3 0
                                    

_________________________

Sean's POV
"Wala ka talagang ibang magawa kundi ang sirain araw ko" sabi niya habang hinahabol niya ako. Napapangiti na lang ako dahil alam kong hindi niya ako mahabol-habol at di rin ako takot sa kanya.

"Ano suko ka na ba?" tanong ko sa kanya ng nakita ko siyang umuupo sa sofa habang humihingal.

Binigyan niya lang ako nang matalim na tingin bago siya umupong tuluyan sa sofa.

"Ba't ka ba kasi nandito?" tanong niya sa akin ng may tunong naiirita.

"Bakit, bawal ba kung nandito ako?" tanong ko sa kanya at napabuntong hininga lang siya at umirap sa akin.

"Bahala ka nga diyan" sabi niya habang sumimangot at napatawa na lang ako sa kalokohan niya.

"Tiyaka... bat ka nga kasi nandito?" hindi niya rin mapigilan at tinanong ulit ako.

"Nakapasa rin ako, kala mo ikaw lang" sabi ko bigla at dahan-dahan kong tumingin sa kanya kung anong reaksiyon niya at nakatitig siya sa akin bago unti-unting napapangiti siya hangang sa tumili siya at tumayo at lumapit sa akin bago niya ako yinakap ng mahigpit.

"WAHHHHHH... NAKAPASA KAMI" sigaw niya at napatawa nalang ulit ako.

Napansin ko na nung dumating ako rito ay hindi ako tumitigil sa pagtawa, sasakit na ata panga ko kakatawa nito.

Diko na rin mapigilan ang saya ko at dahil narin sa impluwensiya ng babaeng ito at napasigaw narin ako sa saya.

"NAKAPASA KAMIIIIIII" sigaw naming dalawa habang nakayakap sa isa't isa at tumatalon. Wala nga rin kaming pakialam kong nakita kami ng ibang tao eh, basta ang alam namin ay nakapasa kami at walang makakapigil sa sayang nararamdaman namin ngayon.

"YAHOOO... FLYING ACADEMY paparating na kami" sigaw niya at sabi ko nga dahil sa impluwensiya niya ay sumabay na ako sa kanya.

Siya nga pala si Christine, pero tawag ko sa kanya ay Tin. Matagal na kaming magkakilala, magkababata kami kumbaga. Kapitbahay naming sila at may ate siya at bunsong kapatid na lalaki.

Si Ate Kate, nakapagtapos na siya at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kumpanya at ayaw ko nang idetalye ang buhay niya dahil hahaba itong kuwento. At si Chris naman ang kanilang bunsong kapatid na laging binibaby ng lahat. Tama nayun na intro nila makikilala niyo rin sila.

"Punta ka sa bahay mamaya may handa si mama" sabi ko sa kanya at tumango lang siya.

"Oo ba alangan naman na hindi ako pupunta eh para din naman sa akin yun" sabi niya at napatingin lang ako sa kanya.

"Ah di mo alam no" sabi niya sa akin at umiling ako.

"Ang alin?" tanong ko naman at siya naman ay ngumiti lang.

"Sabi ko na nga ba eh, di niya sinabi sayo. Pumunta si tita dito at nag-usap sila kay mama. Kaya ayon maysalu-salo mamaya sa inyo" sabi niya at napatango nalang ako.

"Pero kararating lang ng resulta ngayon" sabi ko sa kanya ng pagtataka at ngumiti siya sa akin.

"Alam mo naman na kahit hindi tayo makakapasa ay maghahanda parin sila" sabi niya at agad namang nawala ang iniisip ko na baka ay dahil sa kanila kaya kami nakapasa.

"Nakalimutan mo na bang noong hindi tayo napalad sa isang patimpalak noon ay naghanda parin sila noong umuwi tayo, sobra ngang napa-iyak ka noon eh" sambit niya habang tinatapik niya ang aking balikat.

"Kaya punta na tayo at baka naghihintay na sila ng tutulong sa pagluto" sabi niya at ayon gumaan pakiramdam ko at paalis na kami papuntang bahay.

"Ate sunod ka kaagad at huwag lang kung kakain na tsaka ka lang darating" sabi niya sa ate niya at inirapan siya ni ate.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now