Labindalawa: Litrato

7 1 0
                                    

_____________________________________

Sean's POV

Natapos na kaming kumain ay aalis na sana kami ng biglang may lumapit sa amin at nakita ko ang bruha kong kaibigan na biglang ngumiti ng abot hangang mata kaya alam ko na naman kong anong mangyayari.

"Talaga tong babaeng ito" bulong ko habang tinitignan ko siya ng nakangiti. Umupo nalang ulit ako at pinabayan ko na lang siya at tumingin ulit sa phone ko.

"Lakas talaga ng kamandag ng bruhang ito kung tutuusin eh" komento ko sa aking isipan habang nagbubusisi ako sa social media.

Hinihintay kong magsalit ang lumapit sa amin para tingnan ko kung anong diskarte ng babaeng ito pero di parin nagsasalita ang lumapit sa amin kaya sinulyapan ko si Tin at nakabusangot siya na nakatingin sa akin kaya napatawa ako sa kanya.

"O ano dika type kaya umalis na lang" pang-aasar kong sabi sa kanya habang tumatawa pero nakatitig lang siya sa akin kaya napaisip ako na parang may mali. Nakatingin parin siya sa akin kaya tumingin ako sa kanya ng pagtataka.

"Hindi bah.... Ah alam ko na linagpasan lang pala tayo, hayaan mo na yun hanap ka nalang ng bago" sabi ko sa kanya pero wala parin eh, nakatingin lang siya sa akin hanggang sa may narinig akong tumawa kaya bigla na lang akong tumingin sa pinanggalingan ng tawa at nabigla ako ng nakita kong sa akin pala lumapit yong lalaki na tinititigan ni Tin.

"Magaling ka rin palang magpatawa" sabi niya sa aking at ngumiti na lang ako sa kanya sa hiya habang tinatanguan ko lang siya. Tumingin ako agad kay Tin at binigyan ko siya ng matalas na tingin.

"Bat di mo sinabing asa likod ko lang pala siya" bulong ko sa kanya at siya lang ay biglang ngumisi. Nakakunot kilay ko at kung wala lang itong lalaking ito ay baka sinipa ko pa itong bruhang ito.

"Ah eto nga pala si Christine" pagpapakilala ko agad kay Tin habang tinuturo ko siya at ngumiti lang tong lalaking to sa kanya bago siya tumingin sa akin.

"Eh ikaw, ako nga pala si Mike" pagpapakilala niya habang nilalapit niya sa akin ang kanyang kamay. Tumingin ako kay Tin at nakita ko siyang naiinis pero tinanguan lang niya ako kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Magandang araw din sayo Mike" sabi ko at nakipagkamay ako sa kanya bako ako napatingin sa watch ko at nag-acting na parang nagmamadali na kami.

"Hala anong oras na pala Tin tara na may gagawin pa tayo" sambit ko habang tumayo na ako bigla at nagpa-alam ako kay Mike bago ko kinuha mga gamit ko habang siya naman ay nakatingin lang sa akin ng pagkabigla at muntik ng tumawa.

"Sigue Mike aalis na kami" sabi ko habang hinawakan ko kaagad kamay ni Tin at kinaladkad-- este lumabas na kami ng cafeteria.

"Uy anong problema mo, bat di mo binigay pangalan mo sa kanya?" tanong niya sa akin nang nakalayo na kami sa lugar na iyon. Tinitigan ko siya bago ako napangiti sa kanya.

"Eh ayokong sabihin eh, sinabi ko na lang pangalan mo para ikaw ang hahanapin niya. Ayaw mo ba noon? Tinulongan na nga kita eh" sabi ko sa kanya habang kinindatan ko siya at napangiti ulit siya ng abot hanggang mata.

"Galing mo talagang buwesit ka" sabi niya at naghifive kami bago kami umalis para maglibot sa paaralang ito.

___________________________________

"Ang ganda naman ng landscape dito para yatang hindi ito paaralang kundi park" sabi ko habang tinulak ko si Tin para kunan niya ako ng larawan.

"Pakuha nga ako ng litrato, galingan mo ah kundi patatayuin kita diyan hanggang okay na" pagbababanta ko sa kanya at tumango naman siya.

Kaya ayon ng pose ako sa tabi ng mga landscape at para naman siyang professional photographer sa mga pose niya sa pagkuha ng litrato.

"Hoy babae phone yan hindi camera" sigaw ko sa kanya at napatawa na lang siya.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now