Walo: Judgemental

12 1 0
                                    

___________________

Sean's POV

"Kaasar naman oh bakit ayaw nila akong papasukin. Ang sungitsungit pa nung guard. Pangit na nga masungit pa" asar na sabi ko habang naglalakad pa-alis.

"Ang yabang naman nila porket ganito damit ko ay hinusgahan nila agad ako. Napakajudgemental nila eh tagabantay lang naman sila dito" sabi ko at agad akong huminto at humarap sa kanila at nakita kong nakangisi silang dalawa kaya napangisi rin ako sa kanila.

"Ayaw ninyo akong papasukin ah" sabi ko sa kanila at agad-agad ko silang tinulak dahil lumapit sila sa akin. Tinulak ko silang dalawa ng napakalakas kaya natumba sila at di ko pa inaksaya ang pagkakataon at tumakbo ako sa loob ng building.

"HOY BALIK KA RITO" sigaw nila sa akin pero di ko parin sila pinakinggan at mabilis akong tumakbo papasok. Pasalamat nalang ako at walang mga tao sa building na ito kundi pag-titinginan nila ako. Tumingin ako sa paligid at wala man lang akong nakitang katao-tao.

Pero napatigil ako sa pagtakbo ng nakita kong biglang dumami ang mga security guard at pinalibutan nila ako.

"Shit parang alam ko na kong anung mangyayari ah" sambit ko habang ako ay napapalibutan ng mga guard na seryosong nakatingin sa akin.

"Sir anong pong kailangan nila rito?" tanong ng isang guard na parang siya ata ang leader nila kasi siya ang may kakaibang uniform sa kanilang lahat.

"Sir pinigilan po naming siyang pumasok ay bigla niya lang kaming tinulak at tumakbo papasok" sabi nung bakulaw na guard nang nakalapit sila sa amin.

"Sir pinipigilan po nila akong hanapin dorm ko po kaya pinilit kong pumasok po dahil pinapaalis nila ako" saad ko habang yumuyuko ako na parang nahihiya.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakatitig lang siya sa akin bago niya sinulyapan yung dalawa. Tinignan ko rin sila ay bigla nalang silang yumuko nang nagtama mata nila sa guard na nasa harap ko at napangiti ako.

"Sir anu pong dorm number ninyo para matulongan namin kayo?" saad niya at agad-agad akong napangiti sa kanya ng may pag-asa.

"Sir dorm number 9 po" sabi ko habang nakangiting tumingin sa kanya at bigla nalang akong nabigla ng bigla niyang tinitigan ako ng seryoso kaya ang ngiti sa mukha ko ay nawala.

Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba at pagkapahiya ng hindi siya nagsalita ng ilang minuto kaya napayuko nalang ako.

"Patingin ako ng dorm key at nang form ninyo" sabi niya ng walang kabuhay-buhay di tulad kanina at nakangiti pa siya pero ngayon makikita mo sa kanyang mukha ang panghuhusga.

Naging dilema sa utak ko kung ibibigay ko ba o hindi pero parang natauhan ako sa mga inaasta ng mga guard dito. 

"Huwag na lang, bat ko naman kailangan ipakita pa pati form ko eh may nakasulat doon na mga importanteng pagkakakilanlan ko" komento ko sa isip ko bago ako tumingin sa kanya.

Nagdesisyon na lang akong umalis talaga dahil napagtanto kong maaangas mga guard dito. Ayoko rin tumira dito pagganto rin lang ugali ng mga taong nandito. Parang gusto ata nilang kumain ng tao.

"Ah sir alis na lang po ako nagkamali po ako ng pinasukan" sabi ko at yumuko ako bago ako tumalikod at aalis na sana ako ng bigla niya akong sinigawan.

"Pumasok ka lang ba dito para abalahin kaming kahat. Palabasin nga iyan at huwag na huwag ninyong papapasukin ang kahit sino dito" utos niya sa mga ibang guard at unti-unti akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib habang lumalapit sa akin yung dalawang guard kanina na humarang sa aking at bigla nila akong hinila ng marahas palabas.

Hiya at kaba ang aking nararadaman sa mga sandaling iyon at gusto ko ng lumabas kaagad dito kaya binilisan ko ang aking paglalakad papalabas ng building. Kinaladkad ko na lang sarili ko papalabas para hindi na mahirapan tung dalawang ito.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now