Labing-isa: Cafeteria

7 1 0
                                    

_______________________________

Sean's POV

Napabuntong hininga ako nang matapos kong maiayos lahat ng mga gamit ko. Napa-upo narin ako sa sofa dahil sa pagod.

Sinulyapan ko and orasan kung anong oras at nakita kong kanina pa pala tumatawag si Tin kaya tinawagan ko agad siya at linapag sa mesa bago nilagay sa loud speaker para mainig ko kahit malayo.

"Ano bayan, anong oras na? Gutom na ako!" pagmamaktok niya pagkasagot niya sa tawag ko.

"Ah sorry, nag-aayos pa kasi ako ng mga gamit" saad ko at napa-angal na lang siya.

"Mamaya mo na yan ituloy at kumain muna tayo kanina pa ako naiinip. Lagpas hapon na oh at bakit nag-aayos kapa eh dapat tapos kana kanina pa?" sabi niya at napatawa na lang ako habang inaalala ko ang nangyari kanina.

"Sigue magkita tayo sa cafeteria at may sasabihin ako" sabi ko bago ko pinatay ang phone ko at agad kong inayos ang mga naiwang damit at nilagay ko sa drawer bago ako tumayo ay kinuha ang wallet, phone at susi ko bago ako lumabas sa kuwarto. 

Nang paalis na sana ako ay bigla kong nahagilap ang pamilyar na tao na naglalakad pataas sa hagdan at may mga kasama siya.

Agad-agad akong pumasok sa dorm at sinara ko ang pinto bago ko nilapit ang tenga ko sa pintuan para pakinggan kong wala na sila at nakaalis na. 

At nang narinig kong nawala na ang mga yapak nila ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinulyapan ko muna kong okay na.

At nong nakita kong wala ng tao ay napabuntong hininga ako bago ako lumabas at agad-agad na bumaba dahil baka bumalik pa ang mga iyon eh dali tayo pag-ganoon.

Nang nakababa na ako ay nakita ko yung mga guard. Napansin kong lahat sila ay napayuko nang tumingin ako sa kanila at hindi sila makatinging maiigi sa akin, di tulad kaninang umaga na tinitigan nila ako ng may mga mapanghusgang mukha.

Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat bago ako umalis sa building at mabilis na tumakbo para hanapin ang bruhang iyon dahil baka ako ang kainin niya pagnagutom na siyang talaga.

Nang nahagilap ko siya ay nakapamaywang siya habang tumitingin sa kung saan. Hinahanap niya siguro kung saan ako sulsulpot at nung nakita niya na ako ay naningkit mga mata niya bago siya naglakad kaagad papalapit sa akin. 

Kinabahan agad ako at magsasalita na sana ako ng bigla niya akong kinaladkad papasok sa cafeteria at wala akong nagawa kundi magpakaladlkad kaysa sa masapak ng bruhang ito.

"Gutom na ako kaya tara na" sabi niya at napangingiti na lang ako sa kanya ng may kaba dahil buti na lang at mas-inuna niya ang gutom niya kaysa pagalitan.

"Matagal ba ko?" tanong ko at nang humarap siya sa akin ay alam ko na kong anong sagot niya. Sa mukha palang eh alam mo nang parang gusto na niyang kumain ng isang buong tao-- este kanin.

"Tinatanong pa ba iyan? Pasalamat ka na lang at hindi ka pa nilalamayan ngayon" sambit niya at napangiti lang ako.

Umorder na kami ng makakain pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan at sa wakas ay nakahanap narin kami para makakain na itong bruhang ito dahil baka mag wala pa ito sa gutom.

"Sabihin mo nga, bakit ang tagal mo sa paghahanap ng dorm mo?" tanong niya sa akin at napayuko ako sa pagkadismaya dahil pina-alala na niya naman ang nagyari kanina kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya lahat ng nangyari.

_______________________

"Kung ako sayo ay sinumbong ko na sila kina tita at tito. Eh tumawag naman pala sila. Dapat sinabi mo na para mapaalis sila. Tsk... nang nalaman lang nila kong sino ka eh dun na sila naging mababait. Kung gusto mo ay ako nalang magsasabi kina tita" komento niya sa akin nang matapos kong sabihin sa kanya kong anong nangyari kanina.

My Love Story: Nesting BirdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon