Dalawampu't-Anim: Panglilinlang

6 0 0
                                    

___________________________________________________

Sean's POV

Nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ay nakahiga sa sahig at iniinda ang sakit ng katawan.

Wala siyang imik pero dahan-dahan siyang lumapit sa akin bago niya inutusan ang iba pa niyang kasama.

"Dalhin niyo siya sa loob" utos niya at agad akong na-alarma ng lumapit sa akin ang dalawa pa niyang kasama.

"Huwag kayong lumapit sa akin" banta ko sa kanila pero wala silang pake at hinawakan nila ang mga balikat ko.

Nagpumiglas ako habang pinipigilan silang iangat ako at dalhin sa hindi ko alam.

"Saan niyo ako dadalhin!"sigaw ko sa kanila pero bago ko pa ituloy ang pagpupumiglas ko ng bigla may sumuntok sa aking pisngi at sa sobrang sakit at unti-unti nagdidilim ang aking paningin.

"Ito na ba ang katapusan ko? Hindi pa ako nakakauwi sa amin. Siguradong mag-aalala mga magulang ko. Di ko pa nakikita ang mga pamangkin ko?" tuloy kong tanong sa aking isipan habang pinapakiramdaman na hihinila nila ako sa hindi ko alam kung saan.

"Kung ito man ang huli para sa akin ay sana hindi masyadong magluksa ang aking mga magulang. At sana ay mahuli nila ang lalaking ito. Sana'y hindi kita pinagkatiwalaan" sambit ko sa aking isipan.

"Markus sigurado ka ba dito?" huling dinig ko na sabi ng mga kasama niya bago nagdilim ang buong paningin ko.

________________________________________________

Bigla akong nagising ng naramdan kong binuhusan ako ng malamig na tubig.

Agad kong naalala ang mga nagyari at napabuntong hininga ako dahil hindi pa pala iyon ang katapusan ko.

"Gising ka na" agad na sabi ng taong may gawa nito.

"Markus" agad kong sambit at tatayo na sana ako ng nagpagtanto kung nakatali ang mga kamay ko sa isang upuan.

Agad akong nagpumiglas pero mahigpit ang pagkakatali nila sa akin sa upuan. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nandito ako sa isang silid na walang nakalagay sa paligid maliban na lang sa silya na inuupuan ni Markus at kung saan ako nakagapos.

"Asan si Tin?" tanong ko at siya ay napangiti lang sa akin.

"Isipin mo na lang ang kalagayan mo at huwag mong alalahanin ang iba" sambit niya at agad ko siyang tinitigan ng masama.

"Bakit mo ito ginagawa?" pagpapalit ko ng tanong dahil sigurado akong hindi nananakit si Markus ng mga babae.

Hindi siya nagsalita at lumapit lang siya sa akin. Tumayo siya sa harap ko at bigla niyang hinawakan ang mukha ko ng marahas.

"Sabihin na lang natin na may taong nag-utos sa akin para gawin ito" sambit niya at agad akong napatingin sa kanya ng pagkabigla at hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Markus.

"Gulat ka no" sambit niya habang siya ay nakangiti sa akin.

Agad akong nag-isip kong sino ang mag-uutos kay Markus na gawin ito sa akin. Pilit kong iniisip kong sinong mag-uutos nito at pilit kong sinasabi na kahit na ayaw niya sa akin at hindi ako makakapaniwala na kaya niyang gawin ito at si Markus pa ang uutusan niya.

"Sa expresyon mo ngayon ay alam mo siguro kung sino ang tinutukoy ko" sambit niya at agad akong napatingin sa kanya.

Nakangiti siya sa akin ng nakakatuwa na siyang nagsilbi para makapagtanto kong hindi talaga ako nagkakamali sa aking suspetsa.

"Bakit niya iniutos ito?" tanong ko sa kanya ng puno ng pagkadismaya at marahas niyang binitawan ang mukha ko at bumalik sa inuupuan niyang silya.

"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit pero makakasiguro kang hindi ito makakabuti saiyo" sambit niya at ako naman at napatingin sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now