Labingwalo: Library

4 0 0
                                    

_________________________________________

Sean's POV

Lumipas ang mga araw at ganoon na lang lagi naming ginagawa. Pagdadating at makikita ko si Ken ay agad kong gagawin lahat para maiwasan ko siya at di siya makasalubong.

Pero ang tadhana nga talaga ay laging gustong paglaruan mga buhay natin, kaya papahirapan ka talaga eh.

Napilitan na nga rin akong iwasan si Jaspher dahil alam kong may pagtingin ata si Ken sa kanya at di mo naman iyon maikakaila dahil puro bukambibig niya ay siya lang at siya pagnakikita ko siya.

Lagi nga rin siyang sumusunod kay Jaspher eh. At tong bakulaw naman na ito eh laging gustong sinisira ang araw ko kaya inaasahan ko nang mapapakita sa akin ito.

At iyon na nga ay pag may pagkakataon na gusto niya akong inisin ay talagang susulpot lang siya nang di ko alam at inasaan ko na susunod na magpapakita ay si Ken kaya lagi niya akong pinagtitiginan ng masama at lagi niya akong binabangga pag walang nakakakita.

Sa dorm naman ay lagi niya lang akong pinagsasabihan ng mga masasakit na salita pero heto ako at buhay pa, sanay na sanay kaya walang epekto sa akin iyon mga bintang niya.

Tumatawag na lang ako sa mga magulang ko para makalimutan ko mga ito. Akala nga nila nung una ay di ako tatagal dito pero sinabi ko sa kanilang pag nagpapakilala ako ay di ko na lang sinasabi kung sino talaga ako para wala ng drama.

"Talaga bang ganto na ang buhay ko dito sa paaralan ito?" tanong ko kay Tin habang nandito kami sa library at nagbabasa ng libro para sa isang activity namin.

"Siguro, baka habang buhay na para mas masaya" asar niya at inirapan ko siya.

"Buwisit ka talaga, hirap mong kausap kaya wala ka pang jowa" sabi ko sa kanya at ako naman ang inirapan niya.

"Nagsalita din ang walang jowa" sita niya sa akin at napangiti ako sa kanya.

"Kahit wala naman pero nilalapitan nila ako eh ikaw eh wala pa akong nakikitang--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin kasi bigla nalang siyang napikon at hinampas niya ako ng libro sa balikat at napa-aray ako sa sakit.

"Aray naman! Napikon naman ang bruha" sabi ko na lang at inikot niya mga mata niya sa akin.

"Iikot mo payan at baka makahanap kana ng jowa" asar na sabi ko sa kanya at nung napansin kong akmang hahampasin niya ulit ako ay napatayo agada ko at lumayo sa kanya.

"Talo ang pikon di mo ba iyon alam" sabi ko sa kanya at napairap lang siya sa akin at bumalik sa pagbabasa habang ako naman ay nakangiti ng ubod saya.

"Akala niya ata eh siya lagi ang panalo" sambit ko habang umupo ulit ng may ngiting tagumpay.

"Bilis na at hanapin mo kung saan yung halimbawa sa tanong na ito" utos niya sa akin at tumango na lang ako at ginawa naming ang activity.

Nagbabasa kami ng libro ng biglang may lumapit sa amin at umupo sila sa harap naming dahil ganoon naman pag sa library, di lang kayo ang gagamit.

Tuloy parin kami sa pagbabasa dahil tutok na tutok kami sa ginagawa naming ng bigla na lang may umubo pero ganoon parin di naming pinansin.

Basa dito at sulat dito ang ginawa namin dahil wala naman kaming maysadong kakilala dito at kami lang lagi magkasama.

Pero di parin tumigil ang nasa tabi naming sa pag-ubo kaya napatingin kami sa isa't isa ni Tin bago kami bumalik sa ginagawa naming na parang wala lang.

"Ano ba naman tong taong to at ubo ng ubo" sabi ko sa aking isip habang nagsusulat ako sa aking papel.

"May malalang sakit ata yang umupo sa harap natin" bulong ni Tin at ako naman ay napatango.

My Love Story: Nesting Birdsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें