Dalawampu't-Tatlo: Same Partners

7 0 0
                                    

________________________________________________________________

Sean's POV

Napapansin na ata ni Ken na kinakaibigan ako ni Jaspher kaya lalong dumikit na siya sa kanya na parang linta at laging matalas ang mga tingin niya sa akin.

Lagi ko silang nakikitang magkasama at hindi ko alam pero parang may mabigat akong damdaming di ko maipinta.

"Alam mo sobra na talaga yang ahas na yang kung makapulupot kay Jaspher ay para bang pag-aari niya" sabi ni Tin at ako naman ay napailing na lang sa kanya.

"Di na nga siya nahihiya at pinag-uusapan na siya sa kanyang ginagawa" tuloy niya at ako naman ay napatingin sa kanilang dalawa na naka upo sa isang lamesa.

"Pabayaan mo na nga lang at gawin mo kung anong ginagawa mo dapat" saway ko sa kanya at siya naman ay bumalik na lang sa kanyang ginagawa.

"Pasalamat na lang tayo at hindi siya lumalapit dito kundi ay away nanaman ito" saad ko at siya naman at tumango sa akin.

"Sabagay tama ka" sabi niya ng nakita ko rin na lumalapit sa amin si Markus at napangiti ako sa kanya agad tanda ng pagbati ko sa kanya.

"Pwede bang maki-upo ako sa inyo? Nahihiya na ako doon eh" sabi niya habang tumingin siya kina Jaspher at Ken na kumakain sa isang table na para bang magjowa.

Kasi walang kahit sino ang gustong umupo sa tabi nila. Kung ikaw ba naman titigan ng masama ng ahas na iyon. Natawa na lang ako bago ko siya tinignan at siya din naman ay tumatawa.

"Hirap siguro kumain pag sa harap mo ay may mga naglalambingan" sabi ni Tin at siniko ko agad siya bago ako napatingin kay Markus at nakita ko siyang tumango at ngumiti kay Tin.

"Kita mo ay sang-ayon din siya" sambit ni Tin sa akin bago siya tumingin kay Markus.

"Hay di na talaga ako magtatanong pa kong isang araw ay sasabihin nila na sila na" sabi ni Tin at ako naman ay napatingin sa kanilang dalawa at pumasok sa isip ko na oo nga naman at bagay sila.

"Sinabi mo pa" sabi ni Markus at napatingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Alam ko kong anong gusto mong itanong" sabi niya sa akin at napatitig na lang ako sa kanya.

Kung si Tin ay maiintindihan ko dahil nakikilig siya sa mga magkasintahang pareho ang kasarian pero si Markus, nagtataka ako.

"Gusto mong itanong kong bakit sang-ayon ako?" sabi niya at napatango lang ako dahil nahihiya akong sabihin eh.

"Ganito kasi yan. Di ko pa pala sainyo nasasabi kung anong background ko" sabi niya.

"Di rin naman namin sinasabi yung sa amin eh, ngayon lang ata tayo nagka-usap ng husto" sabi ko dahil baka akala niya eh iniinterogate ko siya.

"Oo nga pala" sabi niya at napangiti siya. Nakakapatay naman mga ngiti niya.

"Ganto kasi iyan ang mga magulang ko ay parehong lalaki kaya ayon" bagsak niya ng bomba at napatingin kaming pareho ni Tin sa kanya ng sobrang pagkabigla at siya naman ay napatawa na lang sa reaksiyon namin.

"ANOOOOOO!" sigaw naming dalawa at pasalamat nalang kami dahil maingay ngayon ang cafeteria kaya yung malapit lang sa amin ang nakarinig.

"Ibig mong sabihin ay mga magulang mo ay----"

"Parehong lalaki" tuloy ko sa sa gustong sabihin ni Tin.

Bigla agad kaming napatingin sa isa't isa ni Tin bago namin sinulyapan si Markus ng sobrang pagkaintriga dahil unang parehong lalakeng mag-asawa namin itong narinig nang personal.

My Love Story: Nesting BirdsМесто, где живут истории. Откройте их для себя