Lima: Lola Mong Nakakatakot

13 2 0
                                    

___________________________

Sean's POV

Hinihila ko ang bag ko papalabas ng kuwarto ko dahil ito na ang araw na papasok na ako sa Academy.

Nakita ko pamilya ko sa sala na nag-aabang sa akin. Lumapit ako sa kanila at lahat sila ay nakatingin sa akin nang may saya.

"Bilis talaga ng panahon at malaki kana" sabi ni papa habang siya ang unang yumakap sa akin hapang tinatapik ang likuran ko.

"Dalaga-- binata ka na" panluluko niya at ako naman ay natawa lang at umiling habang ang mga kasama namin dito ay napangisi lang.

"Bakit ayaw niyo po bang lumaki ako?" tanong ko kay papa at bigla na lang siyang napatango.

"Ay di naman pweding ganon papa. Kailangan ko pading lumaki" sambit ko at napatawa na lang siya habang yinakap ako ng mahigpit.

Binitawan ako ni papa at si mama naman ang yumakap sa akin ng mahigpit.

"Ma dahan-dahan lang di ako makahinga, baka matuloyan ako niyan" pag-aasar ko kay mama at tinapik niya ang kamay ko.

"Yan ka na naman . Di pa nga kita yinayakap ng mahigpit eh nagrereklamo kana kaagad" sabi niya at nginitian ko lang siya.

"Tama na at ako naman" di mapigilang sabi ni lola at bumitaw na si mama sa akin habang tinitignan si lola.

"Hati-hati naman tayo sa oras" sabi ni mama kay lola at natawa na lang ako.

"Bakit pati oras nakidagdag na rito?" tanong ko pero di na nila yun pinakinggan at yumakap na lang si lola sa akin.

"Apo pag kailangan mo ng tulong eh tawagan mo ako kaagad at tatakbo ako papunta sayo" sabi ni lola at napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"La, luma na pong datingan yang pinagsasabi niyo" saad ko sa kanya. Tumawa naman sina papa at mama habang si lola naman ay mahigpit parin akong yinayakap.

"Huwag mong pakinggan sila dahil ganito ko nabihag ang lolo mo" sabi ni lola at napatingin lang ako sa kanya ng may pag-aalinlangan.

"Totoo po ba, pero parang narinig kong noong tumatakbo ka raw ay nadapa ka at si lolo tumulong sayo" sabi ko at doon na ay tumawa ng malakas sina mama at papa. Pati narin ako ay napatawa habang si lola ay agad-agad na binitawan ako at tinignan niya ako ng seryoso.

"Umalis ka na, dami mo nang nalalamang bata ka" sabi niya at napatawa nalang ako sa reaksiyon niya.

"Bilis talaga nang karma no mama" sabi ni papa at tinitigan siya ng seryoso ni lola.

"Magsalita ka pa at ibabalik kita sa sinapupunan ko" pagtatakot ni lola kay papa. Si papa naman ay napatahimik na lang at si mama na lang ang tumatawa.

Paminsan-minsan talaga ay parang may saltik tong lola ko. Di mo maipinta pagmumukha ng papa ko sa sinabi ni lola.

"La, inumin niyo na yung gamot niyo lumalala na ata" pag-aasar ko kay lola para naman maipagtanggol ko si papa.

"Tumahimik ka dahil kanina ko pa linunok iyon" sabi niya ng may asar sa tono at ako naman ay lalong napatawa.

"Sigue na po at aalis na ako" sambit ko nang napasulyap ako sa orasan at nakita kong malapit nang dumating dito ang susundo sa amin na sasakyan na maghahatid sa amin sa paaralan.

"Sigue na at baka umalis na yung sasakyan" sabi ni mama habang tumingin ako sa kanila ng seryoso.

"Huwag po kayong mag-aalala sa akin at alalahanin niyo rin sana mga sarili ninyo. Huwag ninyong pababayaan mga kalusogan ninyo" saad ko sa kanilang lahat at napangiti sila sa akin ng napakatamis.

My Love Story: Nesting BirdsМесто, где живут истории. Откройте их для себя