Siyam: Mr. Maya

8 1 0
                                    

_______________________________________

Sean's POV

"Maraming Salamat po Sir" sabi ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Mali ka naman ng building na pupuntahan" sabi niya sa akin at napakamot na lang ako sa ulo.

"Ang lawak po kasi nong area ng dorm parang isang subdivision at mahirap mahanap yung dorm" pagsasabi ko ng totoo.

"Talagang ganyan pag bagohan palang mga estudyante dito" sabi niya habang nakangiti at yumuko ako sa hiya. Tinapik niya ako sa likod at tumingin ako sa kanya.

"Di bale ay masasanay ka din paglipas ng mga araw. Huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang una kong naihatid sa dorm nila ngayon" pagsisigurado niya sa akin at ako naman ay napatawa na lang sa hiya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at parang napapansin kong nagiging pamilyar ata ang mga building na nilalagpasan namin at ang direksyong patutungohan namin. Napatingin ako sa kanya at siya naman ay nakatingin talaga sa building iyon.

"May iba pa kayang building sa likod noon. Eh parang wala akong nakita naman doon na iba pang building" sambit ko sa aking sarili habang natataka akong sumusunod sa kanya.

"Baka di ko siguro nakita masyado yung mga numero sa building at baka may isa pang building sa kabila" sabi ko sa sarili habang sinundan ko na lang si Sir.

"Pero bat hindi na lang sinabi sa akin ng mga guard kung may iba pang building doon?" tanong ko sa aking sarili habang tumalikod at sinulyapan ang pinakadulong building.

"Ay di ko pa pala nakukuha pangalan niya. Teka tanungin natin mamaya pag nahatid na niya tayo sa dorm para tayo naman ay makapagpasalamat sa kanya" tuloy na sabi ko habang nakasunod parin sa kanya.

Pero talagang kinakabahan na ako dahil papalapit na kami ulit sa building na yun kaya di ko na napigilan ang aking sarili at nagtanong sa kanya.

"Sir parang maling building ata pinupuntahan natin?" tanong ko sa kanya at napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Tumingin siya sa akin ng nagbibirong expression na panag sinasabi niyang seryoso ka ba sa tanong mo.

"Nakalimutan mo atang isa akong nagtatrabaho dit?" sambit niya habang nakakunot noo niya sa akin.

"Di naman po sa ganoon Sir pero pumasok na po ako sa building nayan at pinaalis po nila ako" pagsasabi ko ng totoo kasi parang naoffend ata siya sa tanong ko.

"Mahirap na at baka hindi niya ako ihatid at maligaw pa ako sa lugar na ito. Pagod na ako kaka-ikot sa mga gusaling ito" pagmamaktong ko sa aking isipan.

"Pinaalis ka nila?" tanong niya sa akin ng may pagkabigla at ako naman ay nagtaka sa tanong niya kaya tumango nalang ako habang yumuyoko sa hiya.

"Opo kaya tinatanong ko po kayo dahil ganoon na nga po, pinaalis nila ako diyan" malungkot kong saad sa kanya at ganoon parin ang kanyang pagkabigla at di siya makapaniwala.

"Sir kung di ninyo sana mamasamain eh pwede po bang wag na lang tayo pumasok ulit diyan kasi sigurado po akong wala diyan dorm ko" sabi ko sa kanya ng dahan-dahan dahil baka mabigyan niya ng ibang kahulugan ang aking sinabi.

Di naman parepareho ang pag-iisip ng tao kaya di mo sigurado kung talagang gusto kang tulongan at siraan. Baka gusto ulit nila akong ipahiya pa lalo.

"Huwag na po tayo tumuloy diyan kong maaari" pagsusumamo ko sa kanya.

"Patingin nga ulit ako ng dorm key mo" sabi niya at agad-agad ko namang hinalungkat sa bulsa ko yung susi bago ko binigay sa kanya.

Tinignan niya ito ng mabuti at tumingin siya sa aking ng may pagtataka bago siya sumulyap sa gusaling iyon pabalik sa akin.

My Love Story: Nesting BirdsOnde histórias criam vida. Descubra agora