Dalawampu't-Apat: Alam mo na?

4 0 0
                                    

___________________________________________________

Sean's POV

"Anong pinag-usapan ninyo nila Markus kanina sa cafeteria?" tanong ni Jaspher habang nakahiga siya sa sofa at nakatingala sa dingding. Ako naman ay nakaupo sa gilid niya at naghahalungat ng kung anong balita sa phone ko.

Nasanay na pala ako sa presensiya niya dito. Ginawa niya na nga itong tambayan kaya pinapabayaan ko na lang siya sa gusto niya, huwag lang siya papasok sa kuwarto ko kundi talagang hindi ko na siya papapasukin dito sa dorm ko.

Wala rin naman akong nakikita sa kanya na masamang motibo kaya okay lang siguro.

"Alam mo ba na ang mga magulang ni Markus ay same partners?" tanong ko sa kanya habang nilalapitan ko siya at siya naman ay napatingin sa akin bago siya umupo ng matuwid.

"Oo naman, kaibigan ko siya eh" sabi niya at di ko mapigilang mapangiti sa saya.

"Gagi... di ko akalain na mga magulang niya ay ganoon" sambit ko at siya naman ay nakatingin sa akin.

"Bakit parang ang saya mo naman ata?" tanong niya at napangiti ako sa kanya at napatitig lang siya sa akin.

"Matagal ko na kasing gustong makakilala ng same partners na mag-asawa" sabi ko sa kanya at nang tumingin ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin kaya tinuloy ko na.

"Alam mo naman siguro na bihira lamang ang mga partners na ganoon. Hirap nga akong makahanap eh. Kung naging bihasa lang ako sa teknolohiya at sa social media ay malalaman ko na isa sila" sambit ko habang tinitignan ko ang aking phone.

"Hay hirap pala pag hindi ka na-iintriga sa mga balita ngayon, napapag-iwanan na tuloy ako" sambit ko sa aking isip. Napasulyap ako kay Jaspher at nakita ko siyang nakatunganga.

"Uy Jaspher napatahimik ka ata?" tanong ko sa kanya at siya nama'y biglang natauhan at tumingin sa akin.

"Wala may naisip lang akong bagay" sambit niya habang humiga muli siya sa sofa at tumingala sa dingding habang ako naman ay bumalik sa aking paghahalungkat sa aking social media para naman ay updated naman ako.

Nakita ko ang isang litratong nagpukaw sa aking tingin kaya napatitig ako dito at  nakita ko ang isang larawan nina Ken at Jaspher na tumatawa habang naka-upo.

"Eto ata ay noong nandoon kami sa gym at naka-upo kaming lahat sa bench habang hinihintay namin ang sasabihin ng guro" sambit ko sa aking utak.

Napatingin din ako sa kapsiyon at binasa ito bago ko sinulyapan si Jaspher at nakita ko siyang nakatitig na ngayon sa kanyang phone.

"Bagay sila noh!" sabi ng kaption at ako naman ay tumango na lang bago ko hinarap si Jaspher.

"Ikaw naman ang aking tatanongin" sambit ko sa kanya at nakita ko siyang tumango.

"Kayo na ba ni Ken?" di ko mapigilang tanong at agad siyang napatingin sa akin ng pagtataka at pagkabigla.

"At bakit mo naman nasabi iyan?" tanong niya sa akin at napakibit balikat na lang ako.

"Eh napapansin kong palaging magkasama kayo, di naman sa nanghihimasok ako sa relasyon niyo" sabi ko at bigla na lang akong nakaramdan ng mabigat sa aking dibdib at bumilis din ang tibok ng aking puso. 

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko kaya napabuntong hininga na lang ako.

Nakatingin parin ako sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

"Nagseselos ka ata eh" sabi niya at agad-agad akong napatingin sa kanya ng pagkabigla.

"Nagseselos? Ako?" tanong ko sa aking sarili habang inuunawa kong ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now