Anim: Tara sa Pila

10 2 0
                                    

_______________________________

Sean's POV

At eto na nga ay naihatid na kami ng sasakyan sa paaralan. Heto kami't nakatunganga sa harap ng paaralan. Napakalaki ng gate sa school na ito, manga labin-isang talampakan siguro ang taas nito at manga benteng talampakan ang kalawak, basta ganoon.

"Ma'am, Sir pasensiya pa kayo at na late ako sa pagdating kanina para sunduin kayo" pagpapasensiya ni manong driver.

"Okay lang po iyon kuya sakto lang po dating ninyo" sabi ko habang nakangiti kay Tin ng may kahulogan.

"Napatama nga kayo sa dating para don sa mga kapitbahay namin eh" dagdag pa niya at nakatingin sa amin si manong driver ng may pagtataka kaya napatawa nalang kami.

"Salamat po kuya, huwag mo na pong isipin yun" sabi naming dalawa.

"Kung ganoon ay mauuna na ako sa inyo" sambit niya at kami'y tumango bago tumalikod at tumingin sa paaralang papasukin namin.

"Sigurado ka ba talaga dito?" tanong ni Tin at napabuntong hininga ako.

"Wala na akong magagawa eh nandito na tayo" pang-aasar ko na parang napipilitan ako at umiling nalang siya ng nakangiti.

"Dami mo talagang alam no, pag-umiyak ka lang dito talagang tutulongan kita... tutulungan kitang umiyak pa" asar na sabi niya bago siya agad-agad lumakad papasok.

"Uy, seryoso naman nito, nagbibiro lang naman ako" saad ko habang hinahabol ko siya papasok sa loob.

"Sumeryoso naman agad tong babaeng to" bulong ko sa hangin habang di pa siya nagsasalita.

"May sinasabi ka?" pabalikwas niyang tanong na tumakot sa akin.

"Wala, may sinasabi ba ko?" tanong ko habang tumingin sa kanya ng pagtataka.

Tumuloy na lang kami sa paglalakad habang hinahanap namin yung office para makuha namin ang mga requirements na kailangan namin sa paaralang ito.

"May ayuda ata, mahaba pila" turo ko sa pinipilahan ng mga mag-aaral at napatawa na lang siya kaya inasar ko siya.

"Ayon oh nakangiti na siya" pag-aasar ko sa kanya dahil kanina pa siya nakabusangot.

"Tumigil ka nga ng baka matadyakan kita ng wala pang segundo" pag-iirap niya sa akin pero mapapansin mo parin ang ngiti sa kanyang labi.

Pinipigilan niya nga lang para hindi mapansin eh huli ko na siya eh.

"Tara na nga at baka humaba pa pila at macut off pa tayo sa pila kung meron sila ng ganoon dito" tuloy kong sabi at napatawa nalang kaming dalawa habang pumipila.

"Wala naman sigurong ganoon dito" sambit ko.

______________________

Matagal na kaming nakapila at ilang tao pa ay kami na ang susunod ng biglang may narinig kaming nagsisigawang mga tao kaya napatingin kaming nasa pila sa mga taong nagkukumpolan sa bandang kanan.

"Shit, may nabangga ba ng sasakyan?" tanong ko sa pag-aalala habang tinitignan ang nagkukumpulang mga estudyante.

"Tanga anong nabangga ng sasakyan na naman nalalaman mo, eh isa lang naman ang sinisigawan dito" pagtuturo sa akin ni Tin at napa ahhh na lang ako sa kanya.

"Bakit sino bang pinagsisigawan dito kung hindi may aksidente, alam mo?" pagtataray ko at umiling lang siya sa akin.

"Hay try mo kasing manood ng balita sa tv ninyo" sambit niya sa akin at napabuntong hininga lang ako.

"Bakit ko naman gagawin iyon kong lahat naman ng laman eh di ko kailangan" depensa ko habang nakatingin parin sa kanya.

"Edi ikaw na" sabi niya habang nakapabaywang at nakatingin sa nagkukumpulang mga estudyante.

My Love Story: Nesting BirdsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt