Labinsiyam: Sanay na Ako

4 0 0
                                    

___________________________________________________

Sean's POV

Pagkalipas ng ilang minuto ay walang imikan sa aming lamesa at lahat kami ay nakatutok sa pagsagot ng aming kanya-kanyang activity.

"Sakamat" bigla ko na lang narinig habang may nag-aabot sa akin ng calculator at napatingin ako kay Jaspher at di siya makatingin sa akin habang inaabot niya sa akin.

Ngumiti na lang ako bago ko kinuha ang calculator at nilagay ko ito sa bag ko bago ako bumalik sa huling activity.

"Ayan tapos narin" sambit ko akad ng natapos ko ang sinasagutan ko at kita ko rin na tapos narin si Tin sa pagsasagot kaya nagsimula na kaming ayusin ang mga gamit namin at ipapasa na namin ito sa guro.

Napatingin narin ako kay Jaspher at nakitako siyang nag-aayos narin ng kanyang gamit.

"Akin na papel mo at isabay na lang naming ipasa" pag-aalok ko at napatingin siya sa akin bago niya binaba ang bag niya at kinuha niya papel niya bago niya ini-abot sa akin.

"Sigue at mauna na kami sayo" agad kong sabi sa kanya at napatango ako kay Tin at nauna na siyang umalis at sumunod narin ako sa kanya.

Napalingon ako kay Jaspher at nakita ko lang siyang nakatigtig sa habang kami'y paalis.

"Di ko talaga kinaya, di ako makahinga kanina sa kaba kung anong mangyayari" sabi ni Tin sa akin nang nakalabas na kami sa library.

"Akala ko nga din ay bigla na lang susulpot yung ahas na iyo" sabi ko sa kanya.

"Tama ka buti nga at di iyon dumating kundi drama na naman aabutin natin" sabi niya at kami'y napatango sa isa't isa.

Habang naglalakad kami ay bigla nalang napatigil si Tin at ako naman ay tumigil din at tinignan ko siya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at may tinuturo ang mga mata niya.

Napatingin ako sa tinititigan niya at  kaagad akong nabigla ng nakita ko si Ken na nakaharap sa amin ng may seryosong mukha.

Dahan dahan itong lumapit sa amin at si Tin ay agad namang pumagitna sa amin para hindi siya makalapit.

"Diyan ka lang" agad na sambit ni Tin at inawat ko agad siya at hinila sa gilid ko.

"Tin pabayaan mo na siya" awat ko sa kanya at tumingin lang siya sa akin at tumango ako na okay lang.

Hinarap ko siya at magsasalita na lang ako ng agad naman siyang nagsalita kaya tumahimik ako.

"Di ba sabi kong iwasan mo siya. Naghahanap ka ba talaga ng gulo" sita niya sa akin at di nalang ako umimik at aalis na lang sana ako ng biglang hilain niya ako pabalik.

"Anong problema mo ba?" di na ako nakapagtimpi at sinagot siya.

Di mo maalis sa kanyang mukha na nabigla siya ng kontin bago niya ako tinulak kaya napaatras ako at agad namang lumapit si Tin sa akin.

"Di ba sabi kong huwag kang lalapit sa kanya" sabi niya habang nanlilisik ang mata niya sa galit.

Sabi na ngaba at nakita niya kami kanina. Hinihintay ko lang tagala kung kailangan siya papasok at gagawa ng eksena.

Pero alam ko na hindi niya yun gagawin sa harap ni Jaspher kasi siya lang din ang mapapahiya pagginawa niya iyon.

"Ginawa ko naman eh. Umiiwas ako sadya lang talagang siya ang lumalapit sa akin" depensa ko naman sa aking sarili dahil di naman ako ang nagpipilit lumapit sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin ng pagdududa hanggang nagbago at pagkaasar na ngayon ang titig niya.

"Kung ayaw mo siyang lumapit sa akin ay dapat itali mo nalang siya sa tabi mo para wala ng problema" asar kong sabi sa kanya at nabigla na lang ako ng bigla niya akong sinampal.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now