Labintatlo: Kayliit naman ng Mundo

8 1 0
                                    

____________________________________________

Sean's POV

"Nananadya ka ba!" sigaw niya sa akin habang nakayuko akong nakaharap sa taong nabangga ko ng dalawang beses.

"Galing naman talaga ng mundo sa dami ba naman ng babagsakan mo ay sa kanya pa talaga" bulong ni Tin sa akin ng lumapit siya.

Tinitigan ko siya ng masama at agad na tumahimik siya. Kasi kahit pa anong gawin ko ay may kasalanan ako sa nangyari.

"Pasensiya na talaga di ko sinasadya na banggain at bagsakan ka" pagpapa-umanhin ko sa kanya habang siya ay nakaupo sa sahig at nakatitig ng matalim sa akin.

Ng tatayo na sana siya ay agad akong lumapit para tulongan siya nang bigla niyang tabigin ang kamay ko at naintindihan ko agad at lumayo ako ng konti para bigyan siya ng espasyo para tumayo.

"Kaya ko na at baka bagsakan mo pa ako" maangas na sabi niya. Habang tumatayo siya ay lumapit naman sa akin si Tin para samahan ako.

"Pasensiya na talaga di na mauulit" sabi ni Tin pero wala parin at galit yung lalaki sa amin.

"Bakit mababalik ba ng pasensiya ninyo pagnabalian ako ng buto" sabi niya at nagkatinginan kami agad ni Tin bago naming siya hinarap.

"Pasensiya na talaga di na mauulit" sabi ko habang nakatingin sa kanya ng pagsusumamo kasi kita mo pa sa mukha niya ay gusto niya na ata kaming sakalin ng tudo.

Pareho kaming natakot baka kung ano pa ang mangyari sa amin at pasalamat na lang kami na walang katao-tao dito kaya walang nakakakita sa amin.

Kundi mapapahiya kami ng todo kung madaming tao talaga ang nakakita at baka magkaroon pa talaga ng eskandalo.

Di rin kami makaalis dahil sa takot na baka magsumbong pa ito at baka mapaalis kami sa school. Isa siyang Agila kaya malaki ang posibilidad na pagsinabi niyang patalsikin nila kami ay walang segundo pay ay layas sabi ng school sa amin.

Ang inaalala ko rin ay baka magkaroon ito ng hindi pagkaka-intindihan kong malaman niyang isa akong Maya at baka mapahamak pa papa ko dito.

Napatingin ako sa kanya at inaayos niya damit niya habang inis na inis siya sa pagpunas ng mga kamay niya.

Mabilis kong hinugot ang panyo ko sa likod at agad na lumapit ako sa kanya para iabot ang panyo at sa una ay tinitigan niya lang ito pero kinuha niya lang din sa huli.

Pero akala ko sa kamay niya ipupunas ay nabigla ako ng biglang sa sapatos niya pinunas ang panyo ko at susugod na ata si Tin pero agad ko siyang pinigilan.

"Huwag na, kilala mo kung sino siya" sabi ko habang umiiling at siya naman ay nagtitimpi na huwag sabunotan ang lalaking ito.

"Ang bastos niya naman" inis na angal ni Tin habang nakatingin kami sa lalaking to habang pinupunas niya ang panyo ko sa sapatos niya habang nakangisi siyang nakatingin sa akin.

"Wow somosobra na talaga to ah" inis na sabi ko sa aking isipan habang nang gigigil na ako na nakatingin sa kanya habang pinupunasan niya ang sapatos niya.

"Kuwang mong patulan Sean kasi panyo lang yan alalahanin mo mas importante ang pangalan ng papa mo" debate ko sa aking isipan.

Pero napanganga ako sa pagkabigla ng bigla niya lang hinulog ang panyo ko at inapakan niya at di pa siya nakuntento ay diniinan niya iyon at ginalaw-galaw ang paa niya na parang tingin niya ata sa panyo ay basahan.

Di siya umiimik pero dinadaan niya naman sa galaw niya ang nais niyang iparating sa amin. Pinipigilan ko na talaga ang sarili ko para magsalita ng masama pero talagang hinahamon ako ng hinayupak na to ah.

My Love Story: Nesting BirdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon