Dalawampu: Abs

7 1 0
                                    

__________________________________________________________________

Sean's POV

Paglipas ng ilang mga minuto ay nagpa-alam na ako sa kanilang dalawa para umakyat na ako sa dorm ko at magpahinga.

Pagpasok ko sa kuwarto ay agad na bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan kaya agad kong kinuha ang phone ko at nagpatugtug ng musika para basagin niya ang katahimikang ito.

Kaya nilakasan ko para marinig ko sa kahit saang sulok ng dorm na ito. Nilapag ko ito sa lamesa ng sala bago ako pumunta sa isapang lamesa at nilagay ko naman ang mga ibang gamit ko doon.

Nagpasya akong maligo muna kaya inalis ko lahat ng saplot ko at tinira ko lang ang brief ko bago ako pumasok sa banyo at binuksan ko ang shower sa may katamtamang init.

Pagpatak agad sa akin ng tubig ay napabuntong hininga ako sa lahat ng mga nangyari ngayong araw na ito.

"Hay sarap talagang maligo. Nawawala lahat ng mga iniisip ko" sambit ko habang dinig ko parin ang musika sa labas pero hindi siya gaanong malakas kaya may naisip akong ideya.

At dahil alam ko naman ang liriko ng awit na iyon ay sinabayan ko na lang ito para mas masaya.

"Kaya heto ako ngayon, nag-iisa

Naglalakbay sa gita ng dilim

Lagi na lang akong nadarapa

Ngunit heto bumabangon pa rin

Heto ako basang-basa sa ulan

Walang masisilungan walang malalapitan

Sana'y may luha pa akong mailuluha

At ng mabawasan ang aking kalungkutan"

Napatawa na lang ako habang kinuha ko ang shower head at umasta ako na para akong umaawit sa isang patimpalak.

Tawang-tawa ako noong natapos akong maligo at sinabay ko na ding magsipilyo bago ako lumabas sa banyo para huwag na akong babalik pa mamaya.

Nang magpapalit na sana ako ng damit eh nabigla ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya nagtaka ako dahil walang kumakatok sa pintuan ko mula noong pumasok ako dito.

At wala din akong hinihintay na bisita kaya napatingin ako sa phone ko at nakita kong wala naman akong natanggap na text galing kay Tin.

Di ko na lang pinansin at baka hindi pala sa aking pintuan ang kinakatok kundi sa kabilang dorm kaya tuloy ako sa paghanap ng damit ko.

Pero ako'y nagkamali dahil bigla na lang ulit may kumakatok at sigurado na ako, na sa akin iyon dahil malakas ang katok.

Tumingin akong muli sa direksiyon ng pintuan at may kumakatok talaga kaya agad naman akong lumapit sa lamesa at kinuha ko ang aking phone ulit dahil linapag ko kanina ito.

Agad kong pinatay ang musika kaya tumahimik ulit ang buong paligid at pinapakiramdaman ko ang susunod na mangyayari.

Napatingin ako sa oras ay alas otso na kaya napakunot talaga ako ng noo.

"At sino naman ang kakatok sa aking pintuan sa mga oras na ito?" tanong ko sa sarili ko habang agad kinabahan at pinapakiramdaman ko ang paligid malay niyo at may biglang sumulpot at hilain ako palabas ng dorm na ito.

"Ayoko pang mamatay" sambit ko sa aking isipan bago ako tumingin sa pintuan muli.

"Hindi kaya ay pinasok kami ng mga magnanakaw?" tanong ko sa sarili habang napatitig ako sa pintuan ng may kaba.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now