Dalawampu't-Dalawa: Kaibigan?

5 0 0
                                    

________________________________________________________________ 

Sean's POV

Lumipas ang mga araw at nabibigla na lang ako kung sa gabi ay may kumakatok sa pintuan ko.

Di naman sa araw-araw pero pasulpot-sulpot na lang si Jaspher sa dorm ko na may dalang isang supot ng mga iba't ibang chocolate at napapansin kong napapadalas na talaga siya dito.

"Ano kaya kinain ng taong iyon at ginagawa niya ito?" tanong ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa supot ng chocolate ng bigla akong may napagtanto.

"Di kaya ay nilaygan niya ito ng droga!" pag-aalala ko habang nakatitig dito.

"Buwisit binigyan ko pa naman din si Tin nito" sambit ko habang nag-aalala. 

"Pero wala naman akong napapasin na kakaiba sa aking mga kilos at galaw" sambit ko habang kinakabahan na talaga.

"Di naman niya siguro gagawin iyon?" tanong ko habang napapagod sa kakaisip kung ano ba talaga.

Bale pinabayaan ko na lang siya dahil di naman ako sinusugod ng ahas na iyon kaya okay na sa akin. Gabi naman pumupunta iyon dito kaya malamang tulog na siguro ang ahas na iyon.

Yung dalawang guard naman na ay laging nila akong inaasar at ako naman ay todo deny na di ko rin alam kong bakit pumupunta si Jaspher sa dorm ko.

"Parepareho tayong walang alam kung bakit kaya't magsitahimik na sana sila" bulong ko sa hangin habang nakatulala dito sa aking dorm.

Ang lagi ko na lang sinasabi sa kanila ay may binibigay lang siya sa akin para tumahimik na bunganga nila.

Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Jaspher na kumukuha ng maiinom sa ref habang nakatingin siya sa kanyang cellphone.

"Para siya lang ang may-ari ng dorm na ito ah" mahinang sambit ko habang napatingin muli ako sa supot ng chocolate.

"Sobra na ata tong chocolate na binibigay mo. May pag-aari ba kayong chocolate factory? Dami naman nito" sabi ko sa kanya habang siya ay umiinom at naglalaro sa kanyang cellphone.

Sinulyapan niya lang ako bago siya bumalik sa kanyang paglalaro kaya parang gusto kong ihampas tong tsinelas sa pagmumukha niya.

"Timpi lang Sean, timpi" sambit ko sa aking isip para pakalmahin ang aking sarili.

"Parang ako na ata ang bisita sa aking dorm at siya ang maybahay" sambit ko na lang habang nakatingin ako kay Japsher na masayang naglalaro.

"Wow feel at home naman ah" sadya kong nilakasan boses ko at siya naman ay parang bingi at tuloy pa rin siya sa paglalaro.

Sumuko na lang ako at pumunta sa ref para kumuha ng isang bar ng yakult at para ilagay narin ang mga chocolate na dinala ng buwisit na ito.

Kumuha ako ng isa at binuksan ko ito habang papunta ako sa single na sofa at nilapag ko ang bar ng yakult bago ko hinampas ang pwet ng yakult gamit ang palad ko para maalog yung bacteria sa loob bago ko binuksan at ininomin.

Pagkainom ko at napatingin ako kay Japsher at nakatingin lang siya sa ginagawa ko at di man lang siya nag-iwas ng tingin noong nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"May problem aba?" tanong ko sa kanya at nilapag niya yung phone niya sa lamesa at tumayo siya para kumuha siya sana nang yakult ng bigla ko itong kinuha kaagad.

"HEP! Akin to" sigaw ko agad at siya ay napatingin sa akin ng pagkabigla.

"Titikman ko lang naman eh" sabi niya at ako naman ay napatingin sa kanya ng matalas.

My Love Story: Nesting BirdsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu