Pito: Dorm Lucky 9

7 1 0
                                    

___________________________________

Sean's POV

"At bakit naman dapat kong kilala ang taong iyon? Eh ngayon ko nga lang siya nakita eh" sabi ko sa kanya habang pinupulot namin ang mga bag namin.

"Ano ba yan Sean pag yun hinanap tayo at rumesbak, talagang tatadyakan kita ng pauli-ulit" pagbabanta niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Aber bakit ikaw ang nag-aalala diyan, eh dapat ako ata ang mag-aalala dito" sabi ko sa kanya at bigla niya lang ako binatukan sa ulo.

"Buwisit ka talaga, manood ka nga kasi ng balita para malaman mo kung sinu-sino kinakasalamuha mo't ng di tayo mapahamak sa pagkainosente mo" sambit niya at napatango na lang ako kasi seryoso ang mukha niya.

"Oo na, manonood ako" sabi ko at tinitigan niya ako ng may pagdududa.

"Aba dapat lang muntik na tayong mapahamak kanina eh" pag-aaral niya sa akin at napa-nguso nalang ako.

"Talaga bang papagalitan mo ako?" tanong ko sa kanya ng may pagtatampo at tumingin siya sa akin kaagad ng may pag-aalala.

"Di naman, sinasabi ko lang na dapat eh mag-ingat ka, lalo't alam mo naman kong anong mangyayari pag nakilala ka nila" sabi niya ng malambing at tumingin ako sa kanya.

"Sigurado ka, bat parang lumakas boses mo" pag-uulit ko at napabuntong hininga na lang siya.

"Oo nga kaya tayo na at hanapin natin kung saang lupalop ng paaralang ito ang magiging dorm natin" sabi niya at tumango ako sa kanya pero bigla  na naman akong napatigil.

"Ano may problem pa ba?" pagtatanong niya ng may halong pag-aalala.

"Diba magkahiway ang dorm ng babae at lalaki ba't mo sinasabing hahanapin natin eh magkaiba tayo ng pupuntahan" sabi ko sa kanya at unti-unti niyang na napagtanto ang sinabi ko.

"Ay oo nga pala. Edi tara na't isa isa nating hanapin ang dorm natin" pagtatama niya.

"Kunan muna natin ng larawan yung mapa ng building para di tayo maligaw sabi nung receptionist" pagpapa-alala ko kaya hinanap naming yung mapa at kinunan na namin ng larawan bago kami maghiwalay at kanya-kanyang maghanap sa dorm namin.

Habang naglalakad ako sa corridor ay napansin kong ang mga desinyo ng paaralan ay simple lang at may mga tanim na nagkalat sa labas ng mga pintuan pati na rin sa hallway.

Dahan-dahan akong naglalakad pero maraming mga tao ang nagmamadaling maglakad para hanapin ang kuwarto nila. Banggahan dito tulakan doon kaya ako'y nagsimula na ding maghanap para makapasok na ako dahil parami-rami na silang nagtutulakan.

"Hala nagwawala na ang mga tao kailangan ko nang hanapin yung sa akin at baka maubusan ako. Pero kala ko ba ay strikto itong paaralan bakit parang walang disiplina ang mga mag-aaral?" sambit ko habang tumatawa ng mahina at tinignan ko na naman yung dorm key ko at ang nakasulat ay 9 kaya napangiti ako.

"Ngayon ko lang pala napansin na lucky 9 ang dorm key ko" sabi ko habang tinitignan ang mga numero sa taas ng pintuan pero pagkalipas ng ilang minuto ay napa-simangot na lang ako.

"Kanina pa ako naglalakad eh lahat ng numero dito ay panay two-digit saan kaya yung mga one-digit lang?" pagtatanong ko sa sarili ng bigla kong nakita ang isang lalaking parang tulad ko rin na naliligaw ng landas-- este ng building.

Tinignan ko siya eh parang nahihirapan siyang lusutan mga taong nagsisiksikan.

"Ano ba talaga ito, palengke ba oh hallway ng dormitory?" tanong ko habang pinagmamasdan ko silang lahat. 

Napatingin lang ako sa kanya dahil di ko maiwasang alisin ang tingin ko sa kulay ng kanyang buhok.

"Anu ba yan kay ganda-ganda ng itim mong buhok eh pinakulay mo pa ng parang kombinasyon ng pula at kayumanggi, ano ka mais?" pabulong kong sabi para di niya marinig.

Nakatayo lang ako sa puwesto ko dahil di ko na kang makipagsiksikan pa dito. Pinagmasdan ko siya habang pinipilit isiksik ang katawan sa mga nagkukumpulang mga tao. Malawak naman ang hallway pero sa dami naman kasi ng mga bitibit na bag ng mga studyanteng to ay sumikip na ang hallway.

Pero nang dumaan na siya sa harap ko ay nasulyapan ko ang dorm key niya at number 5 yung sa kanya kaya hindi pa ako nagpatumpik-tumpik at agad-agad ko siyang sinundan dahil ayaw ko nang tingnan pa ang nakuha kong larawan ng mapa sa phone ko.

Mabilis ko naman siyang sinundan at nahirapan ako ng konti kasi di ko rin namalayan na malaki rin pala tong dalawang bag kong hawak. Pasimpleng tinutulak ko din mga bag ng studyanteng nakaharang sa dinadaanan ko.

"Sinisita ko iba na may dalang malalaking bag eh isa pala ako sa kanila" patawa kong sambit habang umiiling ako pero di ko parin inaalis mga mata ko sa sinusundan ko at nakita ko nga siyang lumabas sa isang pinto kaya napatingin ako sa pinto ng may pagtataka.

"Teka, santo pupunta eh parang lumabas na kami sa building, may iba pa bang dorm dito?" sambit ko ng napansin kong lumabas kami sa building na kanina ko pang iniikotan dahil di ko mahanap numero ng dorm ko.

Napatingin ako sa paligid at may nakita akong isang nakahiwalay na building sa kabila at nakita kong doon papunta ang lalaking iyon kaya agad ko siyang hinabol.

"Siguro naman ay baka nandito na yong dorm ko" sambit ko habang lumalapit sa building ng biglang may pumigil sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Sir bawal po kayong pumasok dito" sabi nung pumigil sa akin at tumingin ako sa nagsalita at nakita kong may mga security guard pala dito. Hindi lang siya nag-iisa kundi dalawa silang nakabantay sa pintuan.

"Ah sorry po sir eh hinahanap ko po yung dorm ko" sabi ko ng may ngiti sa mukha at pagpapakumbaba.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at napansin ko rin na may mga halong pagdududa ang kanilang mukha habang pinipilit ko naman sarili ko na hindi irapan sila.

"Sorry sir eh sigurago akong wala dito ang dorm na hinahanap ninyo" sabi niya habang pinapaalis nila ako.

"Eh kapapasok lang nung isa kanina dito bakit di niyo siya pinaalis" depensa ko sa kanila at napatawa nalang sila.

"Ah yun ba" sabi nung isa habang yung isa naman ay tinatawanan ako.

"Sige na po mga sir at paraanin ninyo ako hahanapin ko lang kong nandiyan dorm ko, aalis din ako pag wala" pagdidiin kong komento habang aakbang na lang sana ako ay pinigilan nila ako.

"Lumang istilo na yan ng mga taong gustong pumasok sa building na to. Eh ang building na ito ay para lang sa mga mayayaman. Tignan mo nga sarili mo" sabi nung isang guard at dahan dahan kong sinulyapan damit ko ay naka plain shirt lang ako at lose na jacket habang naka jeans at vans ako.

"At anu namang kinalaman ng damit ko sa pagpasok ko diyan may required na attire bang kailangan diyan" sabi ko ng puno ng pagka-asar  habang tinititigan ko sila ng masama kasi kanina pa sila maangas.

"Ang bias niyo naman sir eh titignan ko lang kong meron diyan dorm ko eh" saad ko ng may halong pagka-asar na.

Nauubusan na ako ng pasensiya dito kaya umakbang ako kaagad para lagpasan sila eh bigla nilang hinawakan bag ko at hinila nila ako pabalik.

"Sir sigurado akong wala dito ang dorm ninyo. Ang mga three-digit  na numero eh nandoon" sabi nong isa habang may tinuturo at napatingin ako sa tinuturo niya ay doon ba naman sa kabilang lugar na kailangan mo pang lagpasan ang 5 building bago ka makarating doon.

"Eh hindi naman ako nasa three-digit eh kundi one-digit lang nabigay sa akin" sabi ko sa aking isipan habang tinatanaw ang gusaling tinuturo nila sa akin.

"Sir umalis na kayo kung ayaw ninyong kaladkarin ka naming paalis dito" sabi nila at napabuntong hininga lang ako habang tumatalikod ako.

"Hindi po ako naritong makipag-away kaya aalis na nga lang ako. Titignan ko lang naman eh" sambit ko at tumalikod na ako sa kanila habang inaalala ko na kailangan ko palang huwag kumuha ng atensiyon dito.

_____________________________________

// Basahin, Magcomento, Ibuto, Ibahagi sa iba at Pafollow po ako.

Sana'y nasayahan kayo sa pagbabasa.

Love you po.

Kita kits sa susunod...

kairokian_17 Over and Out//

My Love Story: Nesting BirdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon