Sampu: Dorm Tour

9 1 0
                                    

___________________________________
Sean's POV 

Di parin talaga ako sanay pag may mga taong yumuyuko sa harap ko pag nalaman nila kung sino ako kaya lagi kong di sinasabi ang apelyedo ko para di maging awkward ang paligid at maiwasan ang gantong eksena. Di naman sa kinakahiya ko pero pag nalaman nila eh mag-iiba ang tingin at pakikitungo nila sa akin tulad ng nakikita ko ngayon.

"Sir Kyle tama na po" awat ko sa kanya at ngayon ay umangat na siya habang nakangiti sa akin at napa-iling na lang ako.

"Sir sorry po at di namin kayo nakilala. Sinabi ninyo sana kaagad para natulongan naming kayo" sabi agad nung leader ng mga guard habang nakayuko siya sa akin at ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Agad niyang tinignan ang mga guard at lahat sila ay yumuko sa akin at nagpasensiya. Napansin ko sila ay di makaimik at iba sa kanila ay nanginginig kaya napabuntong-hininga ako at sila naman ay napaliyad ng konti.

Walang kumikibo at hinihintay nila akong lahat para magsalita. 

"Kaya ayoko ng ganto eh" sambit ko sa aking isip.

"Okay lang po yun" sabi ko sa kanilang lahat habang nakangiti at silang lahat ay napatingin sa akin ng pagkabigla, kabilang si Sir Kyle na nakatingin sa akin ng puno ng pagtataka at pagdududa.

"May problema po ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kanila dahil lahat sila ay nakatitig lang sa akin habang ang mga expresyon nila ay hindi maipinta.

"W--ala n--aman po, akin na po ang mga gamit ninyo at ihahatid namin kayo sa dorm ninyo" sabi ng lider ng grupo at tatanggi nalang sa na ako ay umiling siya.

"Sir pasensiya po talaga ginagawa lang po namin ang trabaho namin at di namin sinasadya na paalisin kayo dito" sambit niya sa akin pero sa aking isipan ay ginagawa lang niya eto ng nalaman niya kung sino ako, pag-iba siguro ay baka pinahiya niya pa ng todo.

At para naman ay makaganti ng kunti ay pinabayaan ko na lang sila na buhatin ang mga bag kay Sir Kyle at pati nadin ang bag na hawak ko pero di ko binigay ang bag na nasa likod ko dahil lahat ng importanteng bagay ay nandito. Nakuha naman ng isang guard kaya pinabayaan niya ako.

"Maiwan ko muna kayo at may gagawin pa ako" sabi ni Sir Kyle at humarap ako agad sa kanya at yumuko at nagpasalamat.

"Maraming Salamat po" sambit ko ng may saya sa mukha bago ako ngumiti sa kanya.

Nabigla naman siya sa ginawa ko at ngumiti siya bago umalis at ako naman ay tinulungan ng mga guard patungo sa dorm ko.

Pagdating ko sa dorm ko ay nakita ko ang numerong 9 sa taas ng pinto kaya lumapit na ako at binuksan ang pinto at tumingin sa kanila.

"Ako na pong bahala sa lahat paki lapag niyo na po doon sa gilid" sabi ko sa mga guard na nakasunod sa akin at ginawa naman nila ang sinabi ko ng walang angal.

Pinasok nila yung bag ko at agad din silang umalis at lumapit sa leader nila at ako naman ay papasok sana ng napansin kong di pa sila umaalis. Tumingin ako sa kanila at nakita kong parang may gusto silang sabihin sa akin pero di sila makaimik.

"Ngayon na nalaman niyo kong sino ako tas ganyan na kayo eh hindi naman sana po ganoon. Pag sinabi ko kaya ito sa manager nang building na ito makakapalag pa ba kayo" nais kong sambitin ito pero naawa na lang ako sa kanila dahil kanina pa sila di makatingin sa akin ng maayos lalo na ang boss nila.

"Huwag po kayong mag-alala di po ako magsusumbong pero di ko po alam kong anong gagawin ni Sir Kyle" sambit ko na lang sa kanya bago ako pumasok at lahat sila ay narinig kong nagpasalamat bago ko sinara ang pinto.

Pagkasara ko ng pinto ay bigla ako muntik ng matumba dahil bigla na lang di kinaya ng tuhod ko ang mga nangyari kanina kaya napasandal na lang ako sa pinto.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now