Apat: History ko

11 2 0
                                    

________________________

Sean's POV

Naghanda na ako para sa pag-alis ko sa bahay kasi sa paaralang pupuntahan ko ay talagang sarado siya sa labas kaya lahat ng mga mag-aaral doon ay kailangang doon tumira sa dorms ng paaralan.

Mandatory kasi na pag natanggap ka na doon ay awtomatik na doon ka dapat tumira. Kaya heto ako't nag-iimpake na ng mga damit at gamit na dadalhin ko sa dorm.

"Anak sigurado ka ba talaga dito?" tanong ni mama kaya napatingin ako sa kanya at siya naman ay di maipinta ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ma, sigurado na po ako dito. Huwag kayong mag-alala, tatawag naman po ako sa inyo eh" sabi ko sa kanya at napabuntong hininga siya bago siya umupo sa tabi ko.

"Di naman sa hindi ka tatawag kasi alam naming aaraw-arawin mo ang pagtawag pag nandoon ka pero--" tumigil siya ng sandali kaya napatingin ako sa kanya at siya ay nakatitig lang sa akin ng puno ng pag-aalala.

Napatingin siya kay papa at ako naman ay agad kong naunawaan kong bakit ganoon ang expresyon ni mama.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa ng may matamis na ngiti.

"Swerte ko talaga at kayo ang naging mga magulang ko. Ano kaya nagyari sakin pag 'di kayo ang naging magulang ko" sambit ko at nabigla sila ng agad ko silang yakapin ng mahigpit na para bang sila'y mawawala pagluluwagan ko ang pagyakap sa kanila.

Di rin naman sila nagpatumpik-tumpik pa at yinakap rin nila ako ng mahigpit at ako naman ay sobrang nasayahan kasi sa yakap nila ay mararamdaman mo ang pagmamahal nila. Swerte ko at sila naging pamilya ko dahil sobra silang mapagmahal at ma-alaga.

"Ma alam mo namang matalino itong batang to at sigurado akong lagi siyang mag-iingat doon" sabi ni papa habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Siya kung talagang desidido ka ay wala na akong magagawa. Pero lagi mong isipin at tandaan na nadito lang kami para saiyo. Tawag ka lang kung may gusto kang sabihin" pagsisigurado niya at ako naman ang masunuring anak at tumango ako sa kanila habang lumuluwag ang pagkakayakap nila hangang sa bumitaw sila.

"Opo tatawag ako at huwag kayong maaasar pag napaparami na ako" sabi ko habang bumalik ako sa pag-aayos ng damit ko sa bag.

"Pero may oras pa naman kong nais mong—"

"Ma, mahal ko po kayo" sabi ko na lang at yinakap ko siya ng mahigpit para tumahimik na lang siya habang si papa naman ay napangiti na lang sa akin pero alam kong ayaw niya rin talaga akong umalis.

Sa totoo nga ay siya talaga ang may ayaw na pumunta ako at mas nana-isin niya pang papuntahin ako sa nakakatanda naming kuya at doon mag-aral. 

"Sean, mag-ingat ka lagi doon at pag-ayaw mo na huwag kang magdadalawang-isip na tumawag agad. Di kami magagalit at mabibigo pag gusto mo ng umuwi" sabi ni papa at yan na nga ang sinasabi ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay mama at humarap ako kay papa. Humarap ako sa kanya ng puno ng determinasyon at saya.

"Pinapangako ko pong mag-iingat ako at lagi kong tatandaan ang mga pangangaral niyo" sabi ko sa kanya at kita kong dahan-dahang nawawala ang pag-aalala sa mukha niya.

"Sige at maiwan ka na namin para makapag-ayos ka na" sabi ni papa habang hinihila niya si mama palabas kasi talagang ayaw rin ni mama umalis. Ngumiti lang ako sa kanila at ng thumbs up ako para huwag na sila mag-alala.

Alam kong nag-aalala sila sa akin dahil pag pupunta ako doon ay maaaring ako ay matukso dahil alam ng lahat na ang pamilya ko ay hindi masyadong binibigyang pansin ng angkan namin.

My Love Story: Nesting BirdsWhere stories live. Discover now