I.T.M.S || Case 4

240 4 0
                                    


-Raphael Fortich-

“Hey bro, tara Kape tayo” sabi ng pinsan ko / business partner ko na si Michael-Angelo Fortich, Mike for short.

“Ang agang pambabae naman nyan. May pinopormahan kalang siguro sa coffee shop na barista. Tigilan mo ko Mike at busy ako” sagot ko naman.

“Kesa naman sayo, nagsusungit sa babae, bro ang babae minamahal. Hindi na uubra ang pa suplado effect sa girls ngayon. Teka speaking of kape, nakita mo ba ulit yung magandang chic na kinukwento mo 2 days ago?” He asked.

“Pinaalala mo pa, maganda nga, nagger naman. She’s not my type at baka araw-araw ako bungangaan nun. You know me, I don’t like alpha female, masakit sa ulo yan. I want someone who needs me” sabi ko

“Ano ka knight and shining armor? Corny mo bro! And FYI, people needs someone in their life. Just like us, Strong, powerful and handsome men also needs someone right? He said.

“Nagkakasayad kana, wala ka sigurong naging girlfriend this week. At babaero ka lang talaga, what you mean is “wants” Not “needs”. Magkaiba yun bro! “ I said.

"Raf my man, di ko naman sinabi na ligawan mo yung chic, tinatanong ko lang kung nakita mo ba sta ulit. And dami dami mo na agad sinabi. “ he said.

Saka naman ay unti unti kong naalala yung nangyari sa elevator. Kung hindi naman ako male- late sa lunch meeting ko with the client hindi naman ako magmamadali. Galit na galit na nga si Dad dahil wala pa ko sa meeting na yun. At kung sinuswerte nga naman, nagka-aberya pa.

<flashback>

Nagmamadali ako umakyat sa elevator pero di ko na ata aabutan na bukas ito, kaya naman nagmadali ako patakbo. Di ko na pinansin ang mga naggu-goodmorning na employees(most of them are girls btw) pero di ko na nasagot since im running out of time.

Pero napatigil ako saglit. She looks very familiar hanggang sa narealize ko kung saan ko sya nakita. Napangiti ako dahil nakita ko ulit sya after how many years.

Di ko alam kung maalala pa ako nito, pero tandang-tanda ko sya. Ang laki ng iginanda nya. From a very shy, simple girl who applied as Associate Software Engineer and now she look so strong, independent and intimidating woman. And she looks so hot on her corporate attire.

I worked here in AMZ before dahil IT graduate din ako aside from business, and tini-train ako ni dad how to handle this business at very young age. That was my first panel interview na ako ang nagtatanong and I remembered her. She was wearing a simple longsleeves and pencil skirt that time,mukha syang attend ng defense sa klase nya.

Naalala ko pa noon na hindi sya makatingin man lang sa amin na panel na nagiinterview sa kanya. 
Lahat naman ng questions namin nasasagot nya pero she’s not confident.
Halos di na namin marinig  ang sinasabi nya.  At the same time she’s not good in speaking, may mga mali syang nasasabi. Bakas na bakas mo ang nerbyos sa boses nya. Naisip ko nga, matanggap pa kaya sya after ng interview na to?.

Pero since she’s a girl who needs saving, eto ako inilaban ko matanggap sya sa inaapplyan nya.
I was telling to the panel na sa tingin ko ay mao-overcome naman nya ang shyness nya. She just needs time, guidance and what she needs are opportunities. Kaya ayun, first and last interview ko  yun sa AMZ.

And the rest is history.

Kaya eto ako ngayon na tinititigan sya, hindi ako nagsisi na inilaban ko na matanggap sya,  coz God she looks ……

She looks good. She looks confident

Fuck anong tinitingin tingin ko, baka di ako umabot sa lunch meeting ko. Kaya naman tinakbo ko ang elavator at buti umabot naman, narinig kong may bumagsak. Pero dahil nagmamadali ako makaalis na, sa elevator buttons na ako nakatingin at pindot ng pindot.

“Excuse Me?” sabi ng babae sa likod ko na halatang galit. Saka ko naalalang nag-iisa nga pala sya sa elevator bago ako pumasok.

“Yes?” Sabi ko. At unti-unti kong pinasadahan ang damit nya na basang basa na.

P-A-T-A-Y , yun nalang nasabi ko ng makita sya. Dapat poker face lang ako , sanay akong ganito sa mga clients and employees ko.

“Anong Yes? Look what have you done…………?” ang dami nya sinabi pero di ko na inintindi. Wala na rin ako marinig sa mga sinasabi nya.

“Ah sorry Miss, Ako ba may gawa nyan, sorry miss di ko napansin na nabangga kita.
Di mo kasi hinold yung Up button kaya kita nabangga kasi nga sumara. Next time miss be considerate sa iba. Di naman siguro masama na may kasama sa elavator” sabi ko.

Sabay yuko ko sa sahig ng elevator, fuck ang dami kong natapon na kape, sumobra ata ako sa mga pinagsasabi ko. Stupid Raphael.

At iyon nga, ang dami na nya sinabi, sa sobrang dami hindi ko na inintindi kasi nga nagmamadali ako.
Sabay labas ko ng elevator.

Rinig na rinig ko ang galit nyang boses paglabas ko.

How time flies. That shy girl before is now a dragon, bumubuga ng apoy sa galit. Sayang hindi ko nahalikan para patahimikin.

Maybe next time…

</flashback> end of flashback



‐---------

AN: so may nakaraan pala 😲😆

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon