I.T.M.S. || Case 29

141 6 2
                                    


- Trish -
.
.
.
.
"Tell me everything Eli. Totoo ba yung pinagsasabi ni Raphael?" Tanong ko dito. Nakipagkita kasi ako dito the day after ng nakaka-inis na ganap namin ni Rafi sa opisina. At si Eli nga ang pinagsasalita kong pilit ngayon.

"Secret....." tatawa tawa nitong sabi at tinuloy ang kinakain nya.

Agad ko naman tinaasan ko ng kilay.
"Pag di mo sinabi, ipagkakalat ko na kasal kayo ng Gabriel Fortich na yun" panakot ko dito.

"Pag kinalat mo yan, ipagsasabi kong anak ni Raphael ang anak mo na inaanak ko." Sabi nito sabay sabi nito ng belat.

"Ok fine suko na ko, please parang awa mo na sis, para sa peace of mind ko, sabihin mo na please. Ano bang gusto mo? Something japanese, chinese, filipino?" Makaawa ko dito.

"Hmmm, i want Ramenba" sabi nito ng nag-iisip.

"Sus maliit na bagay, game! Come on tell me now" pamimilit ko dito.

"Hmm, i want bagnet too, with empanada ilocos na legit" sabi pa nito.

"Ano ba Eli, wala nyan dito. Pero may resturant naman na meron nyan. Kaya game!" Sabi ko dito.

"Gusto ko legit. Yung suka from ilocos mismo" sabi nito.

"Ano ka ba Eli! Dont tell me?????" Nanlalaki ang mata kong tanong dito.

"Sira!, impossible yan. Di ba pwedeng nagcrave lang? Ano game ka ba? Sasabihin ko na pag pumayag kang hanapan ako nyan" sabi naman agad nito.

"Weh, hindi naman impossible yan sa may asawa. Pero sige na, umamin ka lang ipaghahanap kita! Happy?" Agad naman sagot ko dito.

"Its the other way around. He is the one who said "for one last time etc.." Parehas na ata kayong lasing na lasing nun ng dinatnan namin kayo ni Z na naglalambingan este nag-aaway. Nagdrama pa nga ata kayo. Di na namin kayo inawat kasi based sa itsura nyo wala naman kayong maalala. And mabilis naman kayo nakatulog sa tabi ng isat isa after nung mwah tsup. Kissing scene nyo" Sabi nito na tatawa pa.

"Yung seryoso kasi!" Inis na sabi ko dito.

"Hay buhay, sinagot ko na nga, ayaw mo pa maniwala. Ano bang gusto mong marinig?" Tanong naman nito.

"Yung totoo. Yung lahat ng nangyari" sagot ko dito.

"Kahit hindi ka maniwala, yung nga kasi nangyari sis.  Ang hindi ko na alam ay yung mga nangyari after nung hinatid ka na nya" sabi nito.

"Anong hinatid? Sabi ni Mama ikaw ang naghatid sa akin?" Gulat na tanong ko dito.

"Aba, wala na kong kinalaman sa sinabi ni Tita. Sabi mo kasi sa akin you will tell the truth to him. Kaya sa kanya na kita pinahatid. Wala naman na syang tama nung nagising. And ikaw akala ko inaantok ka nalang, yun pala malakas pa pala tama mo. Wala ka pang maalala. Kaloka ka sis" sabi nito ng tatawa tawa.

Halos takpan ko na kasi ang mukha ko sa kahihiyan at sa pilit pag-alala ng lahat na nangyari.

"So ano na? Di mo pa nasasabi?" Tanong naman nito.

"Soon. Hanap lang ako ng tyempo" sagot ko dito.

"Tanungin mo kasi sya sis kung may baby picture ba sya. Tapos pakita mo sa kanya. Tapos itanong mo kung may kamukha ba" natatawang sabi nito.

"Baliw. Nahahawa ka na kina Leo, Hannah at Shey!. Sya sige balik na ko sa office. May meeting pa ko ng 1PM. Balik na ko sa opisina sis. See yah this week!" Paalam ko dito at naghiwalay na kami ng daan paalis.

----

"Gurl!, bat ngayon ka lang. Naka pag-ready ka ba?  May bwisitors daw tayo ngayon." Sabi ni Toni pagdating ko sa opisina.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now