I.T.M.S. || Case 9

229 4 0
                                    

-Raphael-
.
.
.
.
.
"Good morning Mom" i greeted her and then kissed her cheeks. Katatapos ko lang magjogging ng datnan ko sila sa dining.

Today is sunday, family day and every sunday ay umuuwi ako sa bahay. Ito lang kasi ang kundisyon dati ng parents ko para payagan lang ako bumukod na ng tirahan.

Matapos ko magpalit at magshower ng mabilis ay sinamahan ko sila pag be-breakfast which i seldom do.

"May balak ka ba magsabi sa amin, Rafi?" My mom asked.

Naguluhan naman ako sa kanya o kanila na lahat ay nakatingin sa akin. Im with my mom, dad and my sister Sarah btw. Nagku-kwentuhan sila ng mga nangyari sa kanila this past few days at bigla bigla ay napunta sa akin ang tanong.

"Sabihin ang alin?" Naguguluhan kong sagot.

"Di mo naman sinabi na may bago kang girlfriend nak" my mom said.

Ano daw?

"Ano yun Mom? Di ko naintindihan. Pakiulit po?" Paglilinaw ko.

"You, you didnt tell us that you have a new girlfriend, kaya ba ayaw mo pumayag sa mga pinapadate ko sayo?." Sabi naman nya.

"Mom, wala akong girlfriend. Where did you heard that news? Sa dyaryo? Sa news site? Sa Magazine?" Sabi ko naman habang kumakain.

"Anong walang girlfriend? Kaya pala nagagalit sayo ang girlfriend mo! Kinakahiya mo ba sya?" Galit nitong sabi sa akin.

"Son, siguro naman ay di mo nakakalimutan yung mga tinuro ko. Treat a girl like a queen especially to the one you love. Look how i treat your mom?" sabi ni Dad.

Napatingin naman si mom kay Dad ng nakataas ang kilay.

"Kaya ganyan yang anak mo, nagmana ata sayo. Parehas kayong insensitive, selfish at babaero!" My mom said.

"Ui Hon teka teka, calm down. That was 32 years ago. Di pa tayo nyan. Im a changed man since I met you. You know that" sabi ni dad habang pinapakalma si mommy.

"Antonio, pagsabihan mo yang anak mo!"

"Napaka historical talaga ni mommy." Sabi ng kapatid ko na si Sara na tawa ng tawa.

"Ikaw Raphael, sinasabi ko sayo. Wag na wag mong gagayahin itong daddy mo ng kabataan nya! Di kita pinalaking maging ganoon!" Sabi ni mom na hindi ko alam saan pinanggalingan ng galit nya.

"Hon, yung kabataan ko na naman ba? It's quite normal to young boys to have fun." Dad said.

"Nagdadahilan ka pa, tigilan mo ko Antonio baka sayo mapunta inis ko" sabi ni mommy.

"Pero syempre once you get the love bug on your blood, your eyes will only set to see that person. You always want to be with her." Tuloy ni dad.

"Wait, bat ba kayo nagagalit? Ano bang nagawa ko?"
Sagot ko naman.

Ang naalala ko last month  nga yung huli akong nakipag-date. Date ba maituturing yun? kung diretcho kami pumunta na sa hotel. Wala ng dinner dinner? Ni hindi ko na nga tinawagan ulit yun. Gaah I forgot her name.

"Tsk.tsk. Kuya, bat kaba nagde-deny pa?, eh kalat na kalat na yung balita sa amin" sabi naman ng kapatid ko.

Lalo naman ako naguluhan. Kung ano anong chismis ang nakukuha nito.

Nakita ko naman si mommy na parang nahihilo sa galit kaya dinaluhan sya ni Dad para pakalmahin. Highblood nga pala ito nitong mga nakaraang araw.

"Sinasabi ko sayo Raphael, magsorry ka sa girlfriend mo hanggang sa mapatawad ka!" Mom said.

I.T. is My Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن