I.T.M.S. || Case 14

235 4 0
                                    

- Trisha -
.
.
.
.
.
"Ano besh? Kamusta na? Nagparamdam na ulit si boyfi mo o break na kayo?" Bungad na tanong ni Tin habang nagbreakfast dito sa office ko.

Halos masamid ako sa biglaang tanong nito. Jusku naman ang bastos, kung kelan umiinom ako saka nagtatanong!

"Besh, pasalamat ka hindi kita nabugahan ng kape! Di mo man lang ako pinatapos ng inom! Bastos nito!" Galit kong sabi dito, pero ang isang to ay tawa pa ng tawa sa reaksyon ko.

"Sorry besh, nakakatawa kasi itsura mo nung tinanong kita! Sorry Na! Pero ano nga kasi. Ano bang balita sa inyo?" Tanong nito ulit sa akin na itsurang nag-aabang talaga ng chika.

"5 days na ngang walang paramdam. Buti nga yun walang asungot! Bawas stress diba? Baka hindi na din ako kausapin nun" sagot ko naman dito habang hinihiwa ko ang pancake na kinakain ko.

"Kawawa na yung pancake besh! Wag mo nga ganyanin. Dinadamay mo pa sa hindi pagpaparamdam ni Papa Raph. Eh di break na nga kayo?" Tanong nito

"Matapos ka nalang dyan, sige break na! Happy?"  Sagot ko dito.

"Welcome back again to the club besh! Damay damay na ulit!" Tawa naman nito na may pagtaas pa ng kape nya.

"Baliw kumain ka na nga! Teka maiba tayo? Naayos nyo na schedule para sa team building?" Tanong ko dito pagiiba ng topic.

"Nagsusurvey pa kami ng schedule at location. Pero besh, nami-miss mo ba sya?" Tanong nito ulit.

Napaka sa napaka mang-aasar talaga nito. Bat ba ganito ang mga nagiging close friends ko? Saksakan ng bully. Pati na close friends ko outside work, kaugali din nitong si Tin.

Pinabayaan ko nalang itong kaibigan ko sa trip nito hanggang sa iniwan na ko nito para magtrabaho.

Saka ko naalala yung mokong na yun. Bat ba kasi may paganun ganun pa ko nung gabing yun. Hindi tuloy mawala sa isip ko.

Pero ok na rin, no regrets naman. Ako naman ang nag-initiate ng halik na yun. Buti nalang after that night ay bigla nalang din syang naglahong parang bula.

Mission accomplished na siguro ang mokong na yun.

Pero deep inside me medyo may part na nalungkot, ang galing din kasi magpa-fall nung isang yun. Buti di nya ko kina-reer. What else I expect? I know na Im not his type. May pa love love pang nalalaman? Love your face! Asa naman ang ganda ko no? Pero ok lang, di ako affected.

Nakaka-miss din pala yung may nag good morning sa umaga no? Saka na rin nangugulit?nagtatanong kung kumain ka na? Ay mali, i dont need that, nabuhay naman ako ng matagal na wala yun. hello?.

"Hay kainis!" Sigaw kong sabi, nakakainis talaga.

"Oi besh, sino nakakainis?" Sabi nito kasama na ang mga leads dito.

"Wala, ayaw kasi gumana ng mouse ko!" Pagdadahilan ko.

"Kawawang mouse, nadamay na din." Bulong naman nito saka ko naman ito tiningnan. Sabay peace sign nito sa akin.

"Ok guys, the agenda of this meeting is for me to inform you that we have a new project, we still have the Fortich Car project but at the same time may bagong dadating. And the management assigned it to us. Any volunteers na maglead sa project na ito? Pag wala, dating gawi? voluntold nalang ok? Bunutan! Pero Ill give all of you till tomorrow kung sino ang gusto maghandle ok?" Sabi ko sa kanila.

Natapos ang meeting namin at naiwan si Sean at Tin. Gusto pa rin atang chumika ng bruha.

"Besh, wala bang pahinga? Huhu work na naman. I resign" Sabi nito.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now