I.T.M.S. || Case 12

218 4 0
                                    

- Trisha -
.
.
.
.
"Ready?"

Today is Saturday. The day we will execute our plan.

From the day how we met, hanggang sa maging in a relationship ay ni rehearse namin para di kami malito mamaya.

Nagtatalo pa kami kung sino dapat masunod pero napagkasunduan namin na para naging realistic ang palabas na ito, we need to mix some honesty to it. I mean dapat haluan ng pangyayari na tunay na nangyari. Oo ganun nga.

Siguro after ng araw na ito ay hindi ko na sya makikita ng madalas or maybe today will be the last time we will see each other.

Nagkita kami ni Raphael sa isang coffee shop malapit sa bahay namin. I preferred to meet him here kesa naman sa bahay namin. Baka paghinalaan pa ko ni mama at papa na may boyfriend na at baka lalong magpatong patong ang kasinungalingan namin.

"What would you like to order love?" He asked.

"Tigilan mo ng muna yung katatawag ng love, mamayang gabi pa dapat yan. I want french toast and black coffee." Sabi ko. Natatawa ako sa isip ko dahil pag magkasama kami ni Tin ay lagi kong hirit  na gusto ko ng black coffee, yung matapang yung kaya akong ipaglaban. Pero infairness nasasanay akong tawagin na love ng mokong na to.

"Kelangan natin maging natural mamaya love. Kaya dapat laging ginagawa o sinasabi. Right love?" Sabi naman nito at kinindatan ako. Paulit ulit lang? As if naman gagana sa akin ang mga paandar nya. Well konti lang, nakakadagdag kasi sa kagwapuhan nya.

"Ok love, happy?" Nakita ko naman ang gulat naman nya sa hindi ko malaman na dahilan.

After namin magbreakfast ay nagtungo kami kung saan daw ako aayusan.

Hindi ako pumayag ng una dahil may damit naman ako na pwedeng suotin. Sabi nya dapat daw ay match daw ang outfit namin kaya hindi ito nagpatalo. Mapilit talaga ang mokong na to kaya pumayag din ako sa huli.

"Where are we?"tanong ko.

"We're here" sagot naman nya na napatitig ako. High end Residential condominium to.

"Diba dapat sa shop, sa mall or salon tayo pumunta? Bat dito mo ko dinala? Ako ba talaga pinag-loloko mo?" Higblood kong sabi.

"Relax Love, nasa unit ko na yung glam team mo. Wala akong balak na masama ok? Iwas lang talaga ako na magpunta sa mga shop at salon, baka alam mo na, May lumapit biglang babae at umabala pa sa atin, tapos baka pagselosan mo pa. Mahirap na, iwas lang sa gulo" sagot naman nito ng nakangiti at inirapan ko lang sya. Bigla atang humangin ng malakas.

Dumeretcho kami sa unit nya na nasa penthouse pala. He occupies the whole floor with city view na kitang kita sa living room nya.Minimalist with modern concept na black and white ang theme. Bachelor pad nga talaga ito.Yaman talaga ng mokong na to.

Doon ay sinalubong kami ng Yaya Lory nya at nakipagkilala sa akin. In fairness mabait ito sa yaya nya. Parang nanay nya kung ituring ito.

Nakakainlove yung ganung tao no? Sabi ko sa sarili ko sabay umiling iling. Yung traits lang na mabait sa nag-alaga lang yung nakaka-inlove. Di yung sya mismo. Di naman nakaka-inlove ang babaero.

Habang inaantay namin ang glam team ay nakipagkwentuhan muna ako kay Yaya Lory.
Nakaktawa na madaming sinasabi itong bloopers sa buhay ni Raphael. Na yung soon to be CEO ng AMZ at CEO founder ng Fortich Cars daw ay umiihi pa sa kama nya nung seventh grade nya.

Halos di matapos ang tawa ko sa mga kwento ni sabay dating ni Raphael kasama ang glam team namin.

"Ang swerte mo iho dito sa kasintahan mo, bukod sa maganda na, napaka-galang pa." Sabi nito na syang ikina-pula ng pisngi ko. Sanay lang akong tawagin ang sarili ko na maganda, pero pag ibang tao ang nagsasabi ay nahihiya pa rin ako.

I.T. is My StoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt