I.T.M.S. || Case 16

222 4 3
                                    

- Trish -
.
.
.
"Guys, we have upcoming hackathon this month. Yung mga nagsubmit ng ideas, wag kayong kabahan ok? we will email those people who will participate and discuss their ideas" sabi ko na ikinatawa ng lahat. Kabang kaba kasi mukha ng mga kasama ko dito.

"And for our FTG Bank client, as per management, ay may darating naman na Senior Manager from AMZ Denver. Tapos na daw ang project nito at uuwi sya dito to handle this project. Ill be 50-50 on this project and FC(Fortich Cars) hanggang sa matapos ang transition and after that full time na ako ulit sa FC. We will meet him soon" sabi ko sa kanila.

"And of course, eto na ang pinaka-aantay nating lahat na tadannnnnn... team building. Sean will discuss it to us. The floor is yours, Sean!" Sabi ko ng may pag-ngiti.

He discussed the details of the team building at kitang kita ko na naman ang excitement ng lahat. Bukod kasi sa beach ang place ay madaming pang activities like wake boarding na kasama sa budget. This gonna be fun.

After our meeting ay bumalik na ako sa pagta-trabaho at di ko namalayan na naman ang oras. It is already 9pm and we are still here in the office. Ganito ata dito talaga, na kahit idle time ay laging may ginagawa. Kami na talaga ang huwarang empleyado.

"Besh, yung sundo mo kanina pa dito pabalik balik." She said.

Napadilat ako ng maalala na lagi nga pala ako hatid sundo nitong boyfriend kong hilaw, tatlong araw matapos ng incidente na yun.

"What the, i forgot. Anong oras pa sya dito? Bat hindi sya pumapasok?." tanong ko naman ng sunod sunod.

"I think nandito na sya ng mga 5pm. Iba din ang ganda mo besh. Di kana kasama sa club naming mga single! Disqualified kana! Bukod sa hatid sundo ka, inaantay ka pa ng ganoong katagal. Ay naapakan ko na hair mo! Bat kasi di nalang totohanin ang lahat" Sabi nito sa akin na may pakanta kanta pa sa dulo.

Natatawa lang ako sa pang-aasar nito.
Bahala nga sya. As if naman walang naghahatid sa kanya din. Tagal pa kasi magpakipot sa manliligaw nya.

Naalala ko na may nag-aantay nga pala sa akin kaya agad naman ako nagtungo sa labas at nakita ko si Rafi na kausap ang mga empleyado dito. At home na at home talaga sya dito. Mas friendship na nga nga ata sya ng mga empleyado dito kesa sa akin.

"Kanina ka pa?" Tanong ko na kunwari ay di ko alam na kanina pa sya.

"Yup, pero tumambay na muna ako sa kapatid ko." Sabi nito.

"Kamusta si Sarah?" Tanong ko dito.

"Ok naman sya. Pinagtatawanan ko lang habang nasstress pag-aaral ng pasikot sikot dito" sabi nito at agad akong inakbayan.

"Salbahe kang kapatid. Teka feel na feel mo namang boyfriend kita? Paakbay akbay ka pa" bulong ko dito.

"As if I know kilig na kilig ka naman dyan" tukso nito.

"Feelingero ka lang talaga! Baka mamaya ginagamit mo lang ako dahil sa pinagtataguan mong mga chics" Sabi ko naman at inaya na syang umuwi....este inayang ihatid nya ako.

"Well, that's one of the reason. Di ba natulungan mo pa ako? Kaya naman Thank you Love!" Sabi nito sabay halik ng mabilis sa labi ko.

"Ayiiiieee...."

"Wooh.."

"Get a room besh!....."

"Sir Raph lang malakas!...."

"Sir Raph lang sakalam!..."

"Kainggit naman. Sana All may bebe!.."

Tukso ng kasamahan ko sa trabaho. At etong si Rafi ay nagbow pa sa mga ito.
Loko to, Abat nasasanay na itong mokong na ito sa paghalik ha.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now