I.T.M.S. || Case 25

173 5 5
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"Ronald, sorry may emergency kasi ang parents ko kaya nandito ang baby ko. Ok lang ba na dito muna sya?" Tanong ko kay Ronald.

Ronald is here in my office for the transition of his role to me.

"Wow, ang cute naman ng baby mo Trish. I have no problem with him staying here so dont worry. So lets start?" He asked.

Mula sa mga gagawin on a daily basis, inexplain din ni Ronald ang mga plano ng project namin in the future.

"Alam ko na alam mo na Trish na ang project natin at ni Sir Raphael ay under one company. Trish, i dont want to pressure you but I just want you to know that the company has this internal competition na kasali tayo. Its been two years na project ni Sir Raphael ang nananalo. Its been a challenge to me to beat him but sabi mo nga na the key to success is teamwork. I dont want to give you burden but I think there's something wrong to our project. Dati, the moment na alam namin na smooth ang magiging release namin ay biglang may issue sa dulo, maybe its a coincidence but still I want you not to loose your guard. Observe everyone here." Paalala nito sa akin habang pinakikinggan ko sya ng husto.

"We also have confidential data Trish, we are handling live accounts, from private information and   bank details at alam ko naman na alam mo na ang gagawin sa mga ito" paalala muli nito.

Bakit ba nakakakaba kung papaano magpaalala si Ronald. He is serious on actual work. Nawala yung jolly version nya. But for me its ok, ganoon din naman ako. Pag work, work na.

After namin mag meeting ni Ronald ay kinailangan ko talagang umalis para kausapin ang HR namin. Di ko alam kung papaano pupunta doon kung may alaga ako ngayon. Bahala na. Sana pumayag si Ronald na sa kanya ko muna iwan si Azriel.

"Ronald, pinapatawag kasi ako ng HR, may kailangan daw akong pirmahan. Ok lang ba na iwan ko muna sayo ang anak ko? Sandali lang ako promise. Call me if you need anything. Ok lang ba?" Pakiusap ko dito.

Hay..kung pwede ko lang bitbitin ang baby ko doon ginawa ko na. Kaso bawal daw.

"Sure, wala naman problema Trish, resume nalang tayo ng transition pagbalik mo. Dont worry, sanay naman ako sa bata. I have 2 kids fyi. Nakakamiss din makipaglato sa ganitong kaliit na bulilit." Sabi nito na kinuha ang baby ko at nilaro nito agad.

"Salamat talaga ha. Mabilis lang ako." sabi ko at umalis ako ng mabilis.

Di ko malaman kung gaano kabilis ako pumunta sa ibang floor para puntahan ang HR. Nahihiya ako syempre kay Ronald, pinag-alaga ko pa ng bata ng wala sa oras.

Halos takbuhin ko ang pagpunta ngunit pagdating ko ay wala naman ang nagpa-punta sa akin. Kung minamalas nga naman, kung kailan nagmamadali ako saka may kinakausap pa ito ngayon.

After 20 minutes ay dumating na ito at saka ako inasikaso. Sa isip ko ay sana bumalik nalang pala ako sa opisina ko kesa nag antay ng ganun katagal.

Nagmadali ako pabalik after i signed all the required papers. Napatingin ako sa orasan ko at halos 40 minutes akong nawala. Kamusta na kaya ang baby ko?. Sana hindi nito pinahirapan si Ronald. Ang likot na pa naman nun ngayon.

Im excitedly opened the door then I found out that Ronald and my baby is nowhere to be found inside.

Pumasok ako sa opisina to double check then I saw the connecting doors are opened.

Saka ko naalala na ang opisina ko and opisina ay may connecting doors. Di ko lang ito pinapansin. Kasi ano naman kung may connecting doors diba? Wala naman ako pakialam doon.

Lumapit ako sa bukas na pinto unti unti at nakita ko si Ronald na hinahabol habol si Azriel habang nag-gagabay ito sa sofa ng opisina ni Rafi.

Balak ko na sana na kunin na ang anak ko ngunit di pa man ako nakakapasok ay may biglang nagsalita.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon