I.T.M.S. || Case 18

212 4 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"At saan ka galing? Uwi ba 'to ng matinong babae?" Bungad ni Tin pagpasok ko sa kwarto namin at binato ako ng unan.

"Baliw!" Sabi ko ng tatawa-tawa at binato pabalik ang unan nito.

Nakita ko naman na naningkit ang mata nito na tila nag oobserba.

"So ano besh? Masarap ba?" Tanong nito na naniningkit pa rin.

"Gagi. Bumangon ka na nga dyan ng makapag ready na tayo ng breakfast" sabi ko ng may malaking ngiti sa labi at sabay umupo sa kama ko.

"Ikaw Trisha Cerys Velasco ha, yang mga ganyang ngiti mo, ibang iba. Abot hanggang tenga o. Ano bang nangyari?" Upo nito sa tapat ko.

"Masarap ba?" Tanong nya.

"Syempre masarap..." sagot ko dito at sabay nagtitili ito ng malakas.

"Masarap ang tulog ko! Ano bang nasa isip mo? Di pa kasi ako tapos no." Sabi ko na tumatawa sa reaction nito.

"KJ nito, ayaw magkwento! Sige na nga mamaya na kita kukulitin" Sabi nito at gumayak na kami at naligo para mag ayos ng agahan.

Hanggang sa start ng morning activities ay hindi talaga ako tinantanan nito. Sinamahan ako nitong umupo sa beach chair habang pinapanood ang iba.

"So ano besh, di ka talaga magku-kwento? Kahit konti? Mag Q&A nalang tayo?" Pangungulit nito.

"Shhh" sabi ko at tatawa tawa.

"Nasaan ka kagabi?" Tanong nito.

"Sa kwarto natin, di mo ba ko nakita? Hala ka?"Sagot ko pabiro.

"Kasi naman eh.! Pero besh, eto seryosong usapan na" sinabi nito habang tiningnan namin pareho si Rafi na nakikipaglaro sa mga kasamahan namin sa trabaho.

"Uhmmm sige seryoso na tayo" sagot ko pabalik dito. Sinagot ko na kasi nagseryoso ang mukha nito.

"Masaya ka ba besh?" Tanong nito.

Tumango naman naman ako at ngumiti. Ngiting may kilig.

"Ok na ako dun besh. Kahit hindi ka na magkwento na magkasama kayong umalis kagabi, kahit hindi mo na ikwento na may ginawa kayo magdamag, kahit ba hindi mo ikwento kung bakit ang saya saya mo. Ok na ko doon basta masaya ka." sabi nito na tatawa tawa.

"Pero besh, ano na ba ang label nyo? Kasi nagwo-worry ako. Ayoko na masaktan ka sa huli" tanong nito na may pag-aalala.

"Kami na ata" sagot ko dito.

"For real?" Tanong nito.

"Yes, for real." Sagot ko dito na di maitago ang saya.

"Kelan pa? Kagabi? Ng isuko mo ang bataan?" Tanong nito.

"Oo" sagot ko dito na nakangiting pinapanood ang love ko.

"Huli ka! eh di sinuko mo na nga!. Im so happy for you besh! Basta masaya ka, masaya na ko! Iniwan mo na ko sa club natin. Disqualified kana talaga." tatawa tawa nitong sabi.

Iiling-iling naman ako kasabay ng pamumula ng mga pisngi ko.

"Shhhh...." saway ko dito sabay ngiti.

--------

- Raphael -
.
.
.
.
Natapos ang lahat ng activities namin today at wala ako sa mood dahil ako ang nagpatalo sa team namin.

Ginawa ba naman nilang magka team si Trish at Matt. At parang linta kung makadikit yung ang isang yun kay Trish.
Ang pinaka-nakakainis pa ay tawa pa sila ng tawa habang magka-usap.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon