I.T.M.S. || Case 31

150 4 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
Habang binabaybay namin ni Rafi ang lobby ng hospital ay nagsalita ito.

"Mauna kana Trish, may kakausapin lang ako" Rafi said. May tumatawag kasi sa cellphone nito na agad nyang sinagot.

"Ok, sa room 502 lang naman naka admit si Matt, yung private room. Sunod ka nalang." Sabi ko ng nakangiti dito.

Nakita ko naman itong tumango at ngumiti bago tumalikod at kinausap ang tumawag sa kanya.

Nagmamadali naman akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Matt.

At pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong seryoso ito at si Lukas.

"Eto na pala si Trish" sabi ni Lukas.

"Hey Matt!, gumising ka din!" Sigaw ko dito at tumakbo papunta sa kama para yakapin ito.

"Yup, nakakapagod palang matulog." sabi nito at kinurot ang pisngi ko.

"May problema ba?" Tanong ko dito. Kita ko kasi ang pagiging matamlay nito.

"Dont worry, nagpapagaling lang ako kaya ako ganito. Dont worry babe" sabi nito sabay kindat.

"Bat hindi mo sabihin Kuya?" Sabi ni Lukas dito.

"Tungkol saan?" Tanong ko kay Lukas.

"Wala yun Babe." Sabi naman ni Matt at senyas kay Lukas na tumahimik.

"Ano yun? say it Lukas. Please" pakiusap ko dito.

"Kuya cant feel his legs, the doctor said temporary disability lang ito dahil successful naman daw ang operation nila kay Kuya" paliwanag ni Lukas.

Di ko mapigilan ang mapayuko at tinakpan ang mukha ko para itago ang mga luhang babagsak sa akin.

"Hey Trish. It's ok. Buhay pa naman ako, wag mo naman akong iyakan please" biro naman ni Matt.

Pag-angat ko ng tingin dito ay nakita kong nakangiti ito.

"Nagka-ganyan ka na nga nakuha mo pang mag-biro" umiiyak kong sabi dito.

"I'll be fine dont worry. Wala ka bang yakap sa friend mo?" Birong sabi nito.

"Baliw ka pa rin" sabi ko dito at niyakap ito muli.

"Sorry Matt. Kung hindi dahil sa akin di ka magkakaganyan" sabi ko dito habang nakayakap.

"Dont blame yourself Babe. Ang mahalaga ok ka, at buhay naman ako. Shh." Pag-aalo nito sa akin.

"Sorry talaga" sabi ko dito at lalong isiniksik ang mukha ko sa balikat nito.

"Ui Fortich, nandyan ka pala" rinig kong sabi ni Matt.

Agad naman ako kumalas sa pagkakayakap ko kay Matt at umupo.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Rafi.

"Hindi naman. Kadarating ko lang." Sabi nito at ngumiti.

"How are you Miranda?" Tanong ni Rafi kay Matt.

"May konting problema lang. Di makalakad but its just temporary sabi ng mga Doktor. Therapy lang ang kailangan." Sagot nito kay Rafi.

"Sorry to hear that. Kung ano man ang pwede pa namin maitulong, sabihin mo lang. May mga inassign din kaming tao na pwede mong sabihan ng lahat ng kailangan mo." Pormal na sabi ni Rafi.

"Yung magandang chics ba yun sa labas?" Tanong naman ni Lukas. Agad naman namin ito tiningnan ng masama at agad naman umayos ito ng mga sinasabi.

"Sabi ng doktor, much better kung dadalhin muna si Kuya sa probinsya para makapagpahinga at makalanghap ng sariwang hangin. Magsasama nalang ng PT para sa mga session nito" sagot naman ni Lukas.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon