I.T.M.S. || Case 27

170 5 1
                                    

- Trish -
.
.
.
.
After that morning ay hindi na kami ulit nakapag-usap pa ni Rafi.

It is back to normal to me.
Boss - employee - colleagues relationship nalang ulit kami. Ni magtagpo ang mata ay di nangyayari sa amin. And for me, i think mas ok yun, hindi pa din kasi ako ready makita ulit sya ng katulad ng araw na iyon. Ayokong may bumalik na pakiramdam na hindi naman na dapat. Ok na siguro yung umiwas na rin ako. And besides busy din naman ata sya.

About Azriel? Hindi pa siguro ngayon ang time sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin. Maybe in God's time.

"Coffee?" Eren asked me while waving his hand in my face.

"Ui" gulat kong sagot ko dito.

"Tulala ka dyan. Lalim ng iniisip natin ah" sabi naman nito na may kasama pang ngiti.

"Puyat lang po. Grabe sya." Simangot kong sagot ko dito.

Puyat naman talaga ako, maaga din kasi ako umalis para makapasok ng maaga. Para happy friday diba?

Today is my 5th day here at work, 5 days na rin akong nagti-training. Di ko na nga maisingit pa sa isip ko ang mga nangyari ng araw na yun sa dami ng pamanang work ni Ronald. Sabayan pa ng pressure ko na hindi ko pa nababawi yung 4 na oras na kulang ko nung araw na umuwi ako ng maaga.

Kung dati ay hindi na ako umuuwi at palaging nasa opisina, ngayon naman ay uwing uwi ako palagi. I want to go home early because I miss my baby.
Change is really inevitable.

"Here." Abot naman ni Eren sa akin ng kapit nyang kape.

"Hoy Eren!, bat araw araw yang pakape mo kay Maam Trish?. Hay naku gurl, pinopormahan ka na ata nyan. Bat ka ganyan, sinasaktan mo ang feelings ko" mangiyak ngiyak kunong sabi ni Toni.

"Sira, porma ka dyan. Sinasabay lang ako ni Eren. Alam nya kasing mahilig ako sa coffee. Magkano ba ito Eren. Di pa kita nababayaran kahapon." Sabi ko naman dito.

"Huh? No need. Walang bayad yan ok? Just think of it na its my way of welcoming a new colleague here in the project." Sabi naman nito.

"Sana all naman ganyan treatment diba? Kailan kaya ang expiration ng free coffee?" Sabi ulit ni Toni.

"Hoy beks, tama na yang ka-bitteran mo. Teka maiba, alam mo ba gurl na kada friday ang may lunch out or friday night out tayo? Kung hindi mo pa alam. Eh di now you know" sabi naman Rose na parang nagllecture pa.

"Ang gastos nyo naman. Every friday talaga? Pass!" Sabi ko sa mga ito.

"Oh yes, ang pinakacommon dyan ay lunch out. Pero since may mga bago nga sa project like you ay baka magkaroon tayo ng videoke night." Tuloy nito na halatang excited pa.

"Pupunta ka ba if matuloy?" Tanong ni Eren ng tumabi ito sa akin.

"I dont know. Let us see later" sagot ko dito.

"Mr.Yan, ok na ba yung metrics? Na submit mo na?" Tanong ng kalalapit lang na si Ronald.

"Ill send it later" sagot naman ni Eren dito.

"Can you send it to me now? May titingnan lang ako. Salamat! Trish see you later ok?" Sabi naman ni Ronald bago umalis.

"Parang kabute lately si Sir Ronald, pansin nyo? Di naman yan ganyan dati. Dati kami pa ang pinapupunta sa office nya. Ngayon sya na pumupunta pag may kailangan. Weird." Sabi ni Toni.

"Pansin ko din yan lately. Baka kasi aalis na kaya ganun?" sagot naman ni Rose.

"Hmm baka nga" sagot naman nito at doon ay sabay mga bumalik sa trabaho.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now