I.T.M.S. || Case 22

206 5 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
Its been what? 2 years?

"Kailan ka ba babalik sa trabaho mo siz?" Tanong ni Eli sa akin.

"Dami mo ng utang sa kumpanya mo ha. Tagal ng bakasyon mo? At bayad ka pa talaga ng isang taon? Sana all" Sabi naman ni Leo.

Nandito sila ngayon sa bahay namin at ginugulo ako. After kasi ng nagyari 2 years ago sa buhay ko ay lagi ako pinupuntahan ng mga kaibigan ko para kamustahin.

"Hindi ko nga alam kung may babalikan pa ko na trabaho. Baka wala na akong slot doon." sagot ko naman sa mga ito.

"Malamang meron pa yan pero kung ayaw mo naman bumalik, magbayad ka nalang ng bond mo. Maliit na bagay naman yung 1M sayo." Sagot naman ni Hannah.

Hay. Yan na naman yung pang-asar nila na magbayad nalang ako ng bond. Sa totoo lang ay nasaid na ata ang savings ko, sa dahilan na 1 year akong walang sahod. Tapos hinuhulugan ko pa itong bahay namin.

Worth it naman ang pagbili ko ng bahay dito sa Rizal. Tanaw kasi nito ang Manila skyline. Parang ang layo sa gulo. Malayo sa polusyon. Malayo syudad. Malayo sa kanya.

"Baka naman kasi natatakot na may makaharap itong kapatid natin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Baka naman kasi natatakot na may makaharap itong kapatid natin. Hindi pa siguro nakaka move-on." tawang sabi naman ni Shey.

"Paano naman kasi yan makaka move-on? tingnan mo nga yung parating." Sabi naman ni Eli at ngumuso sa paparating.
.
.
"Ma-ma-ma-ma-ma-ma"
.
.
Di ko maiwasan na mapangiti ng makita kong papalapit at tinatawag ako ng napaka cute kong baby boy. He is 16 months old now. Nakakatuwa itong pagmasdan na natututo ng magsalita at nag-aaral maglakad.

Nawawala lahat ng pagod ko kada titigan ko sya.
He is the greatest blessing I have received from God. Dumating sya sa panahon na akala ko ay di na ako magiging masaya ng totoo. Pero look at me right now. Di lang ako masaya, umaapaw pa sa saya.

"Come to your beautiful ninang bebe" aya naman ni Eli sa anak ko.

Pero syempre sa akin lang pupunta ang anak ko. Mahal na mahal kaya ako nito. Wala na yatang ibang gustong puntahan at samahan kundi ako lang.

"Hay bebe, dapat ata malaman mo ang iba pang definition ng maganda. Nabubulag ka sa kagandahan ng nanay mo. Punta ka din sa ibang maganda pa. Come here." sabi naman ni Leo habang inaabot kuhain ang anak ko.

"No-no-no-no-no-no" sabi naman ng anak ko na umiiling iling pa.

"Dont say that Azriel, say Hi to your ninangs. Hi ninangs!" Turo ko sa mga ito pero ang anak ko ay kun-todo yakap lang sa akin.

"So diba nga? Paano makaka move on, eh may souvenir." Sabi ni Eli.

"Paano hindi magkaka-souvenir, nakadami naman din kasi ata sila" sabi naman ni Leo.

"Gagi. Bibig mo Leonora!." Namumula kong sabi dito.

"Ui dont say bad words mommy at baka marinig ka ni bebe Ziel. What i mean is baka nakadami lang ng gala, ng kain ng pakwan ganun. Ganun hahha" sabi nito sabay ng hagalpak ng tawa ng mga bruhang ito.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now