I.T.M.S. || Case 23

176 5 2
                                    

- Trish -
.
.
.
.

"Goodafternoon everyone"

Napatigil ako sa ginagawa ng marinig ang pamilyar na boses na yun. I dont know what to do. Titingnan ko ba ito o hindi? Ano sa tingin nyo?.

"Hay ang gwapo talaga ni Sir!!" Sabi ni Toni sa likod ko habang kinakausap nya si Rose.

"Wag kang maingay beks, baka marinig ka. Tingnan mo nga o nakatingin na sya dito. Baka naalibadbaran sa face mo kasi nakasimangot." Rinig kong sabi ni Rose kay Toni.

"Anong nakasimangot, ganyan naman talaga yan si Sir diba? Serious mode. Naku po. OMG, he is looking at me. Gosh nabihag na sya ng kagandahan ko" sabi naman ni Toni dito.

"Tumigil ka nga, naku umupo na tayo. Baka mapagalitan pa tayo. Yan na!. Batiin nalang natin" mabilis na sabi ni Rose.

"Goodafternoon sir!!" sabay na sabi nila sa dumating. Pero ako ay hindi pa rin lumilingon.

Narinig kong isa isang bumabati ang mga tao galing sa kabilang work area namin.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa tabi ni Eren. Buti nalang at hindi din nagsasalita si Eren at busy lang kakaturo sa akin ng mga process dito.

Ng tingnan ko si Eren ay napatingin ito sa akin sabay tingin sa nasa likod ko at ito tumango lang ito.

Napalunok ako sa naisip ko. Pero malabo naman na sya yun. Baka ka-boses lang. Yup ka-boses lang yun.

"Di mo binati si sir? Hala ka gurl! boss din yun dito." Panakot na sabi nila Toni.

I tried to regain myself. Baka makita kasi ng mga ito na kinakabahan ako sa kung sino man ang dumating. I dont want them to see me weak on my first day. I always believe on the saying that First Impression last. Di ako pwedeng mukhang kinakabahan lalo na sa mga ito.

Mabilis na tiningnan ko naman ang binati nila.

"Nasaan na ba?" Tanong ko sa mga ito habang palingon lingon habang hinahanap ito.

"Pumasok na sa office nya gurl. Late ka naman tumingin, sayang naman. Gaganda din sana ang araw mo. May Eren na, tapos si Sir pa" sagot naman ni Toni na kinikilig pa.

"Di naman mukhang malandi si Trish beks. Wag mo na itulad sayo" Sabi ni Rose.

"Pasensya kana Trish dito ha. Ganyan lang talaga yan si Toni malandi. Kami naman, medyo shy type na malandi lang. Silay lang ng silay. Alam mo na wala naman masamang tumingin sa beautiful creation ni God. lalo na kung single naman diba?" Sabi naman ni Rose.

"Agree naman ako dyan" sabi ko naman dito at nangingiti dito.

"Shy type na malandi lang, for the win!" Sabi ni Rose.

"Hala sya! Yung tumingin sa beautiful creation ako agree no!. Wala ako panahon sa mga ganyan ngayon" tawa kong sabi dito.

"Bat naman?"

"Madami ako dapat unahin na bagay. Im just here to work" sagot ko naman dito.

"Bata bata mo pa gurl tapos nagpapakain ka na sa systema. Relax ka lang gurl" sabi naman ni Toni.

"Back to work guys" sabi naman ni Eren. Hay buti naman pinatigil na nya ang mga ito.

-----

2PM na.

The clock is ticking at wala pa rin ako ginagamit para makapag trabaho. Nandito pa rin ako sa area ni Eren and infairness ay hindi naman ako pinapaalis nito kahit mukhang busy pa ito. Kaya naman nag browse lang ako sa facebook dito sa phone ko at tinitingnan ang pictures ng baby ko.
Eto ang silay na kailangan ko. Nakakatanggal ng pagod. Bat ka ba kamukha ng tatay mo anak? Tanong sa kada pagtitig ko sa larawan ng baby ko.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now