I.T.M.S. || Case 7

224 5 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"This way maam" aya ni Cath sa akin.

"Trish nalang" sabi ko.

"He will be available for 15 minutes only Trish, may meeting pa kasi sya ng 9:30 am. Di ba sabi ko sayo gagawan ko ng paraan." sabi nya sabay kindat.

Syang tawa ko naman
"Oo, kung alam mo lang paano ako pumasok dito. Pero thank you talaga. Madami ka maililigtas na buhay ng empleyado dahil naisingit mo ako ng meeting dyan sa boss mo. Thank you talaga" sagot ko naman.

"No problem."  Sabay katok nya sa pinto at syang pumasok kami kahit wala pang nagpapapasok.

"Sir, Ms.Trisha Cerys Velasco of AMZ is here"

"Sige Trish, labas na ko. Goodluck!" Syang sara nya ng pintuan.

Cliche pero ganoon ba talaga pag papasok ka sa office ng may office. Dapat ba talaga nakatalikod lagi sa swivel chair?.

"Good Morning Mr.Fortich, im here to discuss with you the status of our project in AMZ" i said breaking the silence.

"Yes mom, Ill be there tonight i promise.
Mom, wala pa sa plano ko yan. Im busy.....yes mom" 

May kausap pala ang mokong na ito. At ang tagal pa niya pa itong kausap. My God 15 minutes lang ang meron ako, nabawasan pa.

"Sige na ma, i need to go, may meeting pa ako. Ok. See you, love you din!" Then i saw him ended the call.

Syang ubo ko naman to get his attention.

Saka sya unti unting lumingon, suspense is real kasi ito na. Kabang kaba ang dibdib ko sa nerbyos pero hindi dapat ako magpahalata,  i should act professional. Oo galit ako sa pinaggawa nya sa project ko pero he still a client. I need to be professional and polite as much as possible.

Teka bat ganto ba kasi tibok ng dibdib ko. Kalma ka lang Trish. Practice kana ulit makipag-usap sa client.

"Good Morning Ms. Velasco, what can I do for you this early in the morning?" He said habang di pa rin nagtatagpo ang tingin namin. Nagiipon kasi ako ng sasabihin. Dapat summarize lang kasi i dont have time.

Parehas kami natigil ng magtagpo ang tingin namin sa isat-isa ng biglang.

"IKAW!" We said in unison.

Natahimik kami bigla ng magsalita sya.
Hello nagulat ako di ako prepared makita ang kinaiinisan kong lalaki sa elavator. Abg bastos at napaka ungentleman na lalaking eto. Pero sige professional. Act professional Trish.

"So you are Trisha Cerys, the Senior Manager in AMZ for Fortich Car project" he said

"Yes I am, Mr. Fortich I am here to discuss you important things about the project. Unfortunately, you're TOO busy to grant me a meeting. Hope you can hear me out." I said sarcastically.

"It's so pleasant to see you. AGAIN. Ms. Velasco." He said to me.

Patience Trish. Alam mo ng may tendency ng power trip to. Baka mapagtripan ka pa. Isipin mo sina Tin, Sean, Pam, the rest of the team. Kalma ka lang Trish. Sabi ko sa sarili ko.

"Oh my bad. Have a seat. Ms. Velasco. Can i call you Trisha or Cerys?" He asked me. Mukhang nang-aasar pa. Trish client yan. Patience. Pagkalma ko sa sarili ko. Sabay umupo sa visitors chair sa tapat ng mesa nya.

"You can call me Trisha Cerys sir, ill make it short,  Im sure you have the latest report status sent to your email. It's a red status sir. Im here to ask if we can have a new timeline on the changes you want to made for Fortich site. We can still deliver the original plan. But for the new ones, its not possible to deliver next week. We have a few resources...." then he cut me.

"Get new resources, hire a new one, roll in a new one. Get as many people as you need as possible. I can pay. All employees will be compensated. I can provide OTallowance,  transpo allowance. I want that changes next week". He said in a professional tone.

"Sir even if we hire a 100 people, we cant still make it by next week. From training, familiarization of product, learning curve will eat a lot of time sir especially for the new ones." I told him.

"Then why are you here? to tell your client that your team is incompetent, its a red status kahit ang ginagawa nyo lang ay unang napagusapan?" Sabi naman nya. At doon na ako napikon..naiiyak ako sa galit pero ayoko naman umiyak sa harap nya.

"Sobra ka naman po magsalita, my team are not incompetent Sir! Nakita mo ba sila magtrabaho? Halos di na sila nakakatulog! They are giving their 100% best!.
Alam mo bat red status? coz you keep insisting the changes to developers! Pinababago bago mo yung gawa nila kaya lalong tumatagal. Then ano gusto mo 2 weeks, gumagana ng maayos yun?" Sabi ko.

"That timeline is impossible kahit sa ibang company ka pa kumuha ng serbisyo nila" sabi ko ulit pero pinilit kong mahinahon lang, may diin at mahina ang tono ko.

"I want it next week with all the new features na gusto ko. Kung hindi nyo gagawin yun, di ko papayagan ang mga overtime pay nyo ng mga tao mo" diin nya.

"Ano sa tingin mo yung overtime nila? Naglalaro sila?" Sagot ko naman.

Tumayo sya, sabay tayo ko din.

"Bakit sila magoovertime kung yung unang napagusapan ang sinusunod nyo?" Tanong nya na puno na din ng iritasyon.

"Paulit ulit tayo, kasasabi ko lang kanina, kung hindi ka nangengealam, di magpapatong patong ang issue! Pabago ka ng pabago!

Alam mo ba kung ano ang mga babaguhin sa isang gusto mo lang ha? Ilan ba ang browers? Ilan ang OS? Sa mobile view kaya ilan din kaya? IOS, Android ano pa? Tapos qquestionin mo bat nagka red status?"

"Do you know that im capable of filing a complain in your company? To my future company either na ganto kayo sa kliyente nyo? Act professional Ms.Velasco. hindi emosyon ang dapat pinapairal dito!

Doon na ko naiyak ng tuluyan. Galit na galit ako at the same time nafru frustrate na hindi nya iniintindi yung gusto kong sabihin. Sarado ang utak nito.

"Complain if you want. I dont care anymore! Wag mo lang idamay mga taong nasa project na ang ginawa lang naman ay gawin ang gusto mo!. Your future company ba kamo? Dont worry i will resign once you step in! Pero di nyo maipipilit ang gusto nyo! You file a case? i will file a case too.! "

"Alam mo I am here to have a decent talk, kahit nga gusto ko ingudngod yang pamu-mukha mo sa sahig gawa sa atraso mo sa akin, pinilit ko kausapin ka ng maayos. Pero ganyan kaya yata talaga!.bastos!"

"Ako bastos?" Sabi nya sakit na lumapit sa tapat ko.

Nagpapaligsahan kami ng tingin. Unang umiwas talo.

"Oo ikaw!"

---------

-Raphael-

"Oo ikaw!" Sabi nya.

Ngayon lang may naglakas ng loob sabihan ako ng ganto. Di ko alam kung ano sumanib sa akin dahil sa gagawin ko.

Bastos pala ha.

Hinalikan ko sya ng madiin!

At doon ay nakatikim ako ng unang sampal sa buhay ko.

-------

AN: napahaba yung chapter ko dito. Intense kasi haha. Mas mahaba pa dapat kaya lang hahaba masyado. Malay byo sa future pag inedit na . Yung uncut version 😂😂
Hope you like it.



I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now