I.T.M.S. || Case 32

177 4 1
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"Good morning" nakangiting sagot ko sa mga bumabati sa akin pagpasok ko sa opisina.

"Ui Trish Good morning! Ang blooming natin ah" bati ni Ronald sa akin na syang kinatawa ko.

"Goodmorning Ronald. Di naman, ganito naman ako everyday" natatawang sagot ko dito.

"May iba sayo ngayon. Parang good mood na good mood ka, Anyways may puntahan lang ako. See you later" sagot ni Ronald sa akin at nagpaalam ako dito.

"Ui gurl! Good morning! kamusta?" Bati sa akin ni Rose.

"Mukhang ang saya natin ah! Sana all ganyan kaganda pag good mood!" Bati naman ni Toni.

Bakit ba nila ako binabati ngayon ng ganito? Paano magiging blooming eh napuyat nga ako kagabi.
Mukhang masaya? Hmmm siguro nga. Nakakaganda pala pag masaya.

"Parang sinabi mong di ako maganda pag bad mood?" Naniningkit na tanong ko dito.

"Sige gurl baguhin ko ha, sana all lalong gumaganda pag good mood. Yan na para good mood ka talaga" biro nito sa akin na syang kina-iling ko.

"Baka kaya good mood si Trish kasi nagising na si Matthew" sabi naman ni Eren ng dumating ito.

"Goodmorning Eren" bati ko sa kadarating lang na si Eren.

"Good morning Trish, how's Matthew Miranda?" Tanong nito.

"Ok na sya, need lang ng  mga theraphy para tuluyan na ang recovery nya" sagot ko dito.

"Thats good to hear. Anyways, this is for you." Sabi nito at inabot ang extrang kape na kapit nito.

"Pa rin? Babayaran ko 'to ha. Oops wag ka na magsasalita, basta babayaran ko to. Thank you Eren!" Nakangiting sabi ko dito at nakangiting umoo naman ito agad bilang sagot.

Habang nagkkwentuhan kami ay may narinig kaming paparating.

"Good Morning sir Raphael!" Narinig kong mga bati ng mga empleyado dito sa di kalayuan.

Agad naman akong napatigil na parang may tumatambol sa puso ko sa kaba.
Teka bat ka ba kinakabahan Trish? Si Rafi lang naman yan. Relax ka lang Trish. Sabi ko sa sarili.

Tungkol ba kagabi? Act professional Trish ok? Nasa work tayo. Wala dapat makaalam ng tungkol sa inyo ni Rafi.

Habang naglalakad ito papalapit ay hindi ko  maalis sa isip ko ang lahat ng sinabi nya kagabi. Dahilan para mapangiti ako.

"Good morning everyone!" narinig kong sagot nito sa mga empleyadong bumabati sa kanya.

Nakita ko naman papalapit na ito sa lugar namin habang kausap nya si Ronald sa tabi nya.

Agad naman akong lumingon kina Toni ng magsalita at bumati ang mga ito.

"Good morning, Sir Raphael" bati nila kay Rafi.

"Good Morning" nakangiting sagot nito sa kanila.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Good morning Ms.Velasco" bati nito sa akin.

Agad naman ako nagulat sa itinawag nito sa akin ngunit sinawalang bahala ko iyon.

Ms.Velasco?? Anong trip mo Raphael?

"Good morning" tipid na sagot ko dito.

"How's Miranda?"tanong nito.

"He will be discharge this afternoon, sabi ng kapatid nya they will go straight to Zambales later" sagot ko dito.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon