I.T.M.S. || Case 20

203 6 0
                                    


- Trish -
.
.
.
.
"Ok lang ba na nandito ako Eli?" Tanong ko dito.

Sa bahay ni Eli ako dumeretcho matapos ko sya tawagan. And this time ay nagmessage na ko kay Mama para di sila mag-alala ni Papa.

"Oo naman sis no. Bat naman hindi pwede? Ikaw pa ba?" sabi nito habang pinaghahanda nya ako ng pagkain sa dining table nya.

"Baka may magalit?" Tanong ko dito may pag-angat ng balikat. Baka lang naman kasi diba? Naninigurado lang.

"Sino naman? Ako pa talaga tinanong mo kung may magagalit bruha ka." Sabi nito na may kasama pang sabunot.

"Aray naman sis! Baka magalit kasi yung asawa mo pag inabutan ako dito? Hindi ba syang pwedeng magalit? Nakita mo na nga nag-eemote akong pumunta dito tapos sasabunutan mo pa ko!"

Sabi ko dito na may pa sad face pang pag eemote. At least kahit sandali nakalimutan ko ang mga nangyari sa akin sa araw na to.

"Hayaan mo sya, di naman yun uuwi. Saka wag mo nga sya problemahin, may iba kaming istorya. Yung istorya mo na muna ngayon ang topic. Pero bago ang kwento ay kumain ka muna. Mukhang di ka pa kumakain. Wag mo naman pabayaan ang sarili mo." Sermon nito sa akin at sumunod naman ako.

So ano ang nangyari sayo kapatid?" Tanong nito ng pumwesto kami sa kitchen island/bar nila.

Di ko maiwasan malungkot na naman habang kinukwento ang lahat lahat ng nangyari sa araw na to. Bumalik na naman yung lahat ng pagod na nararamdaman ko.

"Oh ito, baka kelangan mo. Pero isa lang, tamang pa-antok lang" sabi nito ng inabot nya ang isang baso ng wine sa akin.

"Salamat Eli. Gusto ko lang naman magpahinga sa lahat. This day drains me." sagot ko dito sabay inom ng alak.

"Pahinga ka muna Trish. Go to sleep and let God do the rest. Dito ka na matulog at wag mo na balakin umuwi ng ganitong oras ok. I cant believe we are doing this again, ang mag-inom gawa sa heartbreak." sabi nito na umiinom din.

"Malay ko ba na magmamahal ako ulit." Sabi ko dito na natatawa.

"So mahal mo nga talaga?" tanong nito habang nilalagyan ko ng wine ang baso nya.

"Ang bilis ng pangyayari. Sa bilis parang imposibleng mahalin ko sya agad but look,  i fell hard so fast and its so deep." Sabi ko dito sabay inom ng alak sa baso ko.

"Walang englishan sis, inuman lang walang englishan" sabi nito na syang ikinatawa ko.

"Pero seriously sis, i want to get mad on what he did to you. Gusto ko sabihin na kalimutan mo na sya, makakahanap ka pa ng iba. Madami naman dyan na pwedeng mahalin. But I know its not the right thing to do, because I do not know him personally. Maybe he has a story to tell. Sana makapag-usap kayo ng maayos." Sunod na sabi nito.

"Bagay ka talaga sa kumbento Eli. Di ko kaya ang kabaitan mo." Tawa ko.

Di naman sya nagsasalita at nag-aantay lang na magkwento ako.

"I tried to understand where he came from. Malaki problema niya, ng kompanya nya. I want to be with him. I want to be on his side. I want to support him. Pero reality hits me na hindi pala ako ang gusto nya sa ganoong pagkakataon. Mas pinili nya na iba ang kasama nya. And aside from cheating, you know what it hurts me?" Sabi ko at tiningnan sya.

Tiningnan naman ako nito.

"His eyes...they are full of hatred. Para syang diring diring nakita ako kanina. Ang sakit.
Di ko alam kung ang sakit ba na ito ay dahil nakita ko na may iba syang kasama, o sakit na dahil guilty ako sa mga nangyayari pangit sa buhay nya. Bat pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat?" Sabi ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

I.T. is My StoryWhere stories live. Discover now