I.T.M.S. || Case 11

249 4 0
                                    

- Trisha -
.
.
.
.
"Congratulations everyone for a very smooth deployment." Sabi ko at saka naman nagpalakpakan ang mga members namin sa project.

Today is friday and we were able to meet the deadline of our client. With the original plan ofcourse.

"The clients were very satisfied on the latest build of the application. So dahil dyan, may budget tayo  for our next team building!" Sabi ko naman na naeexcite. Im happy to see this people happy.

Nandito din pala sa townhall meeting namin ang siraulong Raphael Fortich na yun. Well at least kahit papaano may paandar syang extra budget for team building since we reached a new milestone on this project.

Last monday nung nangyari yung proposal nya este yung agreement na gusto nya, ay di na ko nilubayan nito.
Matapos ako magalit dahil sa awkward na situation na inabutan ni Tin ay di  na nya ako makausap ng matino sa sobrang galit ko.

I remembered the next day eh nagpakilala sya sa lahat at nagfeeling close. (Btw, Not a client but a mere employee).  May suhol pa syang tim hortons coffee sa lahat including me every morning. Daming pera talaga ni Mayor.

Lalo tuloy akong nakatanggap ng tukso mula sa mga empleyado dito dahil kahit daw boyfriend ko na , ay nanliligaw pa rin ito.
Peste talaga, pinanindigan nya talagang girlfriend nya ko. May flowers pa minsan.

Alam ko ay nagtatanong na kayo kung pumayag na ba ako sa gusto nya. Ang totoo ay hindi pa rin ako sumasagot sa kanya. Pero hindi rin naman ako himi-hindi kasi ewan ko ba. Ewan ko ba sa sarili ko, natatakot ba ko sa pangba-blackmail nya? O nacu-curious akong gawin ito? Medyo boring na kasi ang buhay ko since paulit ulit nalang ang ginagawa ko. So why not do something fun and adventurous?

Nagising naman ako sa biglaan pagday dream ko at naalala na nagsasalita nga pala ako sa harap ng meeting no? Iling ko sa sarili ko tapos ay nagsalita ulit ako.

" I would like to thank all of you for all your hardwork and dedication. I know all of you are tired already. So we decided, which includes the client and the management to have a celebration today."

"Well, today is friday so let's celebrate, no need to work this afternoon. We can start the party early. And dont worry, this is chargeable!"  Sabi ko naman at nagcheer naman ang mga ito at nagkakalampagan ang mga kamay sa table.

"Woooh ang bait naman ni Client! Sana kunin na sya ni Lord! Wooh" sabi ng makukulit na juniors namin dito.

Napatingin ako kay Raphael na napataas ang kilay at hindi ko napigilan matawa. Buti nalang ay nagtatawan naman talaga dito sa room.

"Ang bad nyo naman!. May budget nga tayo oh" sabi ng isa.

"Last week nga gusto ko na masapak yun, kung pwede lang. Ginawa tayong robot! Pero ok lang, kasi magaling talaga si Ms.Trish, nailaban nya tayong lahat wooh" sabi naman ng isang mid software engineer namin.

Napatingin ulit ako kay Raphael na umiigting na ang panga sa inis. Nakakatawa itsura nito, ang sarap kuhaan ng video at iplay ng pauulit ulit. Haha

"Sir Raph, sama ka sa amin ha." Sabi naman nito kay Raphael.

"Count me in" sabi ni Raphael at tumayo na palabas ng conference room.
Ang sungit lang?

"Hala Ms.Trish, bad mood si boyfi mo. LQ siguro kayo. Batiin mo na. Isang kiss sabay hug lang katapat nyan" sabi ni Kurt na AM ng dev team. At nagtawanan naman ang lahat.

---------
.
.
"What are you doing here in my office? Tapos na ang release. Diba dapat nandun kana sa kompanya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ganyan ba kayo dito? Ano pa mga sinasabi nyo sa akin behind my back? Bawiin ko nalang kaya yung budget sa team building?" Sabi naman nito na kitang kita yung pagkainis. Parang bata.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon