I.T.M.S. || Case 8

229 3 0
                                    

- Trish-
.
.
.
.
"Ang kapal ng mukha mo!" Galit na galit kong sabi sa kanya matapos ko syang patikimin ng isang malakas ng sampal.

This is the first time i felt humiliated like this. He has no respect to anyone.

Tinalikuran ko sya at mabilis na tinungo ang pintuan ng opisina nya. I walk as fast as i could. He called my name but I dont care. I dont want to see him again. I need to leave this place asap.

"Trish!." Sigaw na tawag sa akin ni Cath pagkalabas ko ng opisina. Di ko na rin sya nilingon at pilit kong tinutuyo ang mga luha ko habang lumalakad.

"Trisha! Wait!"

Abat sumunod pa pala ang gagong ito.

No way i will talk to him again. Not a single chance.

Dali dali ako naglakad para makaalis pero nakakainis talaga itong lugar na to. Bat ang daming dadaanang cubicle pa kasi ng empleyado.

Nakakainis pa na sobrang tahimik dito, rinig na rinig ang ingay ng sapatos ko, masyadong agaw pansin ang yabag ko. Tapos umiiyak pa ko. Lalo tuloy nakakailang sa dami ng nakakakita.

"Trisha wait!" He shouted.

Nagtitinginan na isa isa ang mga empleyado gawa sa nangyayari pero wala ako planong kausapin pa ito.

"Trish wait!"..he shouted again and again.

No way.
Natatakot siguro itong sampahan ko ng kaso kaya pilit akong hinahabol nito. Pwes mamatay ka sa kaba sir.

"Mag-usap tayo" pahabol pa nya.

Parang hangin ang boses nya sa tenga ko na pinadadaan ko lang. Bahala sya sa buhay nya.

"Trisha Cerys!!!!" Sigaw nya ng malakas na nagpatigil sa lahat ng kumikilos sa floor na ito. Kasama na ako.Lahat ng tao dito ay nakatingin na sa boss nilang halimaw at walang puso.

Napatigil ako paglalakad sa pagtawag nya na yun, kaya naman tiningnan ko sya saglit at saka naglakad muli ako palayo sa kanya.

"Trisha wait, listen to me first. Please" he said while following me.

I have no plan to answer him so i continue walking.

"Trisha, di ko sinasadya. Kausapin mo naman ako" he said.

"Trish, i know i was wrong"

Pero bakit ganun, may bulong bulungan na yung mga empleyado nya dito.kung sabagay. Masyadong scandalous itong ginagawa namin eksena dito.

"Please hear me out, im sorry. Please give me a chance. We can still work this out. Please." nagsusumamo nyang sabi.

"Leave me alone!" Sigaw ko naman.

Lalong umugong ang bulong bulungan.
Teka bat ganun nya ko kausapin. Nababaliw na ba to. Kung hindi alam ng ibang tao ang tunay na nangyari kanina panigurado iba iniisip nitong mga to ngayon.

"I would like to start over again. Please" he said.

Like w t f?? Anong pinagsasabi nito? Mukha kaming magjowa na nag LQ. Dito pa sa madaming tao sya nagsasalita.

Hinigit nya ang braso ko at hinirap sa kanya.

"Trish"

"Tigilan mo ko Mr.Fortich." sabi ko ng mahina pero may diin ang bawat salita sa kanya. Kung ano man trip nito wala akong pakialam pa.

Pinilit ko bawiin ang braso ko pero di ko magawa sa  sobrang higpit ng pagkakahigit nya sa akin.

"Trish please forgive me, di ko na uulitin, di ko sinasadya. Pagusapan naman natin to ng maayos." Sabi nya ng malakas. Abat gusto pa ata nya iparinig sa mga empleyado nya ang mga pinagsasasabi nya.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon