Kabanata 17

11.6K 211 40
                                    


"Ang tagal niyo naman, kanina pa 'ko naghihintay dito."

Ang mga katagang iyon ay ang una naming narinig ni Spencer nang makapasok kami sa loob nang condo unit niya.

Sinundan ko ang pinaggalingan nong boses na iyon at ganon nalang ang panlalaki nang mga mata ko at pagkalaglag nang panga ko nang makita ko ang isang buwesitang hindi namin ine expect.

Nabitawan ni Spencer ang dala dala niyang bag, isang palatandaan na nagulat rin siya kagaya ko.

Nang makabawi ay ngumiti ako nang matamis sakanya.

"Ma, what brought you here?" tanong ni Spencer nang makabawi mula sa pagkakagulat.

Lumapit palapit si Spencer sa mama niya bago niya ito hinalikan sa magkabilaang pisnge. Yumakap naman si Mother Lucille sakanya para halikan siya.

Mother Lucille ang tawag ko sakanya dahil hindi kami friends, galit siya sa akin dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Kaya di kami friends.

Friend ko siya noon e, not until nalaman niyang anak ako nina mama at papa.

Napairap ako nang makita kong irapan ako ni Mother Lucille habang yakap yakap niya ang anak niya.

"What brought me here?" maarteng tanong nito habang tinuturo ang sarili niya. Napairap nalang ako. Napakaarte, e bobo naman.

Ganito ako sa mga taong may ayaw sa akin, hindi naman kasi ako tanga para ibaba ang pride ko para lang magustohan nila. Kung ayaw nila sa akin, edi ayaw ko rin sakanila, simple as that. Hindi ako gaya nang iba, na gagawin ang lahat para lang magustuhan nang mga taong may ayaw naman sakanila. Maldita ako!

Kahit hindi ko gusto ang manugang kong ito'y nagbigay galang parin ako sakanya, baka kasi ipagsabi na naman ako sa mga kumare nitong wala akong galang.

Lumapit ako sa gawi niya, nagmano ako sakanya. Akala ko aayaw siya sa ginawa kong pag-mano sakanya pero nagkakamali ako, dahil diya pa mismo ang nagpamano sa akin. Ngunit paglapat nang likod nang palad niya sa noo ko'y ramdam na ramdam ko ang diin.

Nginitian ko siya nang isang plastic na ngiti nang nginitian niya ko nang mapapel na ngiti. Kong papel siya edi plastic ako.

Bahagya akong humakbang palayo sakanya, hindi ko kasi gusto ang amoy nang pabango niya, para kasing amoy nang patay. Yong sa burol, ganern ang naamoy ko sakanya.

Naitigil ko ang paghakbang ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Spencer sa bewang ko bago niya ko hinapit palapit sakanya.

Nakataas ang kilay ni Mother Lucille habang nakatingin sa bewang kong hapit na hapit ni Spencer bago ito ngumiti nang plastic.

"Well, nandito ako ngayon kasi nabalitaan kong nag-aalala ka pala nang palamunin, ni hindi mo man lang ako sinabihan." sarkastikong ani nito nang makabawi mula sa pagkakaplastic.

Pinasadahan niya ko nang tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay ngumiwi ito na para bang nandidiri.

Wow! May gana pa talaga siyang mandiri sa akin! E, ako nga ang dapat mandiri sakanya dahil sa amoy niyang pampatay.

And as a bad girl, ginawa ko rin ang ginawa niya sa akin. Pinasadahan ko siya nang tingin mula ulo hanggang paa bago ko diya nginiwian. Napairap naman si Mother Lucille sa ginawa kong iyon. Hindi niya siguro inaakalang lalaban na 'ko sakanya.

"Mabuti nalang at sinabihan ako ni Valentine na may inaalagaan ka na palang palamunin." pagpapatuloy nito.

Nginitian ko lang siya, akala niya siguro maiinsulto ako sa mga salitang binitawan niya. Heck! Now way!

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon