Kabanata 24

9.4K 178 44
                                    


Parang sumabog ang puso ko dahil sa sobrang tibok nito. Kasabay niyon ay ang pagkadurog nang puso ko at ang pagluha ng mata ko.

Nahulog si Valentine mula sa pagkakandong kay Spencer nang maitulak siya ni Spencer dahil sa labis na pagkakagulat.

Agarang bumakas sa mga mata ni Spencer ang labis na pag-alala nang makita niya kong paano maglandas ang mga luha ko sa pisnge ko.

Isang iling ang iginawad ko sakanya, isang iling na nagpapahiwatig kong gaano ako ka disappointed sakanya. Isang iling na alam kong magpapaalam sakanya kong gaano ako nasaktan dahil sa nakita ko.

Tinalikuran ko siya, nakita ko ang mabilisan niyang pagtayo dahil sa ginawa kong pagtalikod sakanya. Bago niya paman malapitan ang gawi ko'y tumakbo na ako palayo sakanya.

Lumuluha kong tinakbo ang pagitan ko at nong pagitan nang elevator, kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang tigil kong pag iyak ay tumakbo parin ako.

Muntikan pa nga akong mabuwal dahil sa hindi ko magawang tignan nang maayos ang daan na tinatahak ko.

Hinihingal ako nang makarating ako sa tapat ng elevator, dali dali kung pinindot ang button para sa ground floor, umaasa na sana agaran itong bumukas. Dahil hindi ko kayang maatim ang kaisipang kasama ko ang dalawang manlolokong iyon sa isang atmosphere. I can't breathe the air that they're breathing.

I am an Engineer and supposedly I am good on building a good structure, but why the hell I can't build a hard wall for myself? Bakit hindi ko kayang bumuo ng isang matigas na pader para sa sarili ko ng sa gayon ay hindi nila ako masaktan? Why?!

Lumuluha ang mga mata ko habang hinihintay ko ang pagbukas nang pintuan na nasa harapan ko. Hindi ko na nilingon pa ang pinanggalingan ko dahil alam ko namang hinding hindi niya ako hahabulin, hindi na ako umasa pang hahabulin niya ko upang magpaliwanang, dahil alam ko rin namang masasaktan lang ako sa bandang huli.

Ilang beses na niya ba ko niloko? Pero bakit ganon? Ba't di man lang nabawasan nang isang katiting ang pagmamahal ko sakanya?

Damn this! Ilang beses pa ba dapat akong masaktan? Ba't parang pinaglalaruan ako nang pagkakataon? Kasi kong kailan ko kinakailangan ang pagbubukas nang elevator na ito nang mabilisan ay tsaka pa naman ito magloloko nang kay tagal. Damnit! Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito!

Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang pagyapos nang kong nino man sa bewang ko. Hindi ko kailangan pang lumingon para malaman kong sino ito, dahil amoy niya palang ay kilalang kilala ko na.

"Spencer let me mo." ang nahihirapan kong bulong sakanya nang maramdaman ko ang paulit ulit niyang paghalik sa batok.

"Let me go, S-pencer please." I tried not to broke my voice, but it didn't work, dahil nautal parin ako kahit gaano ko pinatatag ang sarili ko habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Mas humigpit pa ang pagkakayapos niya sa akin, "No, I won't." matigas niyang sagot.

"Please let me go."

"Let me explain first, please." sa pagkakataong iyon ay lulamlam na ang boses niya, na para bang nagsusumao itong sundin ko ang gusto niya.

Gusto kong magmatigas pero hindi ko kaya, dahil sa pagkakataong ito'y nanghihina ako.

Pinilit ko ang magpumiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin, pero kahit ano pilit ko pama'y patuloy parin akong umuuwi sa mga bisig niya.

Mas nilakasan ko pa ang pagpupumiglas ko sakanya nang bumukas ang elevator. Nanghihina kong itinigil ang pagpupumiglas ko sakanya nang mapagtanto kong wala na akong pag-asa dahil muling sumirado ang elevator.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum