Kabanata 51

10.7K 187 43
                                    

Tanging ang pagpikit nalang sa mga mata ko ang nagawa ko habang pinagmamasdan ko ang unti unti nilang paglapit sa gawi ko.

Akala ko katapusan ko na, akala ko mamatay na ako, kaya ganon nalang ang pagkahinga ko ng maluwag ng makarinig ako ng pag ring, pag ring ng isang cellphone.

"Tangina." rinig kung mura nong nag drive sa kotse, bago kinuha ang cellphone na nasa blusa ng pantalon niya.

Umayos siya ng upo bago sinagot ang tawag. Hindi ko masiyadong narinig kong ano ang pinag-usapan nila nong nasa kabilang linya, dahil hindi niya naman li-noud speak ang telepono. Tanging ang pagtango at ang pagsagot nga lang niya ng Oo ang naririnig ko.

Mabilisan lang ang nagawang tawag na iyon, dahil kalauna'y narinig ko nalang ang pagpapaalam niya sa kausap niya.

Ang nakabusangot niyang mukha, na siyang naging dahilan kung bakit mas pumangit pa siya ang una kung nabungaran ng lumingon ito sa gawi ko.

May kung ano siyang isenenyas sa traydor na katabi ko, na siyang agaran namang nakuha ng katabi ko kung ano ang pahiwatig noon.

Pero hindi ko inaakalang ang isenenyas pala ng lalaking iyon ay ang magiging dahilan kung bakit ako makakatulog ng mahimbing. Dahil naramdaman ko nalang ang pagtama ng mga palad niya sa batok ko na siyang naging dahilan kung bakit ako nahimatay.....


Isang malakas na pagtunog ng metal ang umalingawngaw sa katahimikan ng pasilyo, na siyang naging dahilan kung bakit ako nagising mula sa pagkakatulog ko.

Nang iminulat ko ang mga mata ko'y doon ko nakita ang isang hindi pamilyar na mukha sa akin. May hawak siyang takip ng kaldero at isang kahoy, paulit ulit niyang hinahampas ang kaldero gamit ang kahoy na dala dala niya, na siyang nagiging dahilan kung bakit ito nakakalikha ng malakas na ingay, and the worst part is that nasa tapat ko pa talaga niya piniling mag-ingay.

Hindi na ako nagtaka pa kung nasaan ako--kung ano ang pustora ko, dahil gaya sa mga pelikula na napanood ko'y ganitong ganito rin naman ang nangyayari sakanila sa tuwing kinikidnap sila. Ganitong ganito rin ang eksena. Nakatali ang mga kamay, habang may busal sa bibig, nakaupo sa malamig na sahig habang nagmamakaawang pakawalan siya.

Hindi naman ako bobo para magmakaawa ng paulit-ulit na pakawalan nila ako, dahil alam kong na kahit anong gawin ko pamang pagmamakaawa ay hinding hindi parin nila ako papakawalan, at alam ko rin naman na mag aaksaya lang ako ng lakas kapag ginawa ko ang bagay na iyon, kung kaya't pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.

Sino kaya ang tumawag sa kidnapper na driver kanina? Mapagpasalamatan ko nga. Kasi ng dahil sakanya'y hindi na natuloy ng mga rapist na iyon ang balak nilang i rape ako, ng dahil sakanya'y buhay parin ako ngayon. Buong buo kahit na'y may parte ng katawan ko ang masakit.

"Tama na 'yan pre, dahil baka umabot na sa kabilang baranggay ang ingay niyan." ang natatawang saway sakanya ng isang taong hindi ko gaano maaninag dahil sa kulay dilaw na ilaw na nanggagaling sa bombilyang nasa itaas ko.

"Oo nga pre, at isa pa gising na naman si miss beautiful e." ang segunda naman nong isa sa tinuran nong nauna. Kagaya nong nauna'y hindi ko rin maaninag kung ano ang klase ng mukha ang meron siya dahil sa bombilyang nasa tapat ko.

Isang malakas na paghampas pa muna sa takip ng kaldero ang ginawa nong lalaki, bago niya sinunod ang utos ng mga kasamahan niya. Tumawa ito ng malakas na wari bang nasisiyahan siya sa nakikita niya, na wari bang nasisiyahan siya kung paano niya makita ang pagkairita sa mukha ko, gawa ng ginawa niya.

Inirapan ko ito, upang ipakita sakanya kung gaano ako naiinis dahil sa ginawa niya. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa malamig na semento.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: SPENCER CARSON (BOOK 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя